CHAPTER 1: Drew & Rain

28 0 0
                                    

DREW’S POV

"Oh my! Si Fafa Rain!"

Tiningnan ko si Vince na busy sa pagyugyog kay Lyn na halos mahulog na yung hawak na burger. Sabay-sabay pang tumili yung apat na kasama ko. Vince talaga. Ang gwapo gwapo, lalo na sa unang tingin, pero tingnan niyo naman, mas malandi pa sa akin. Yung tatlo naman, nakikitili din. Mga echusera talaga. Eskandalosa much? LOL. Friends kami ng mga to, since kinder pa ata eh. Pano, pare-pareho ata kami ng wavelength ng utak pagdating sa paggawa ng kalokohan.

Kasalukuyan kaming nasa second floor ng building namin habang kumakain ng burger at milofreeze. Alam ninyo yung shake tapos milo flavored? Yup, yun yun. Mahilig kami dito eh. At imbes na sa cafeteria kami kumain, dito. Dito sa second floor ng building pa talaga namin. Nakatalikod ako at nakasandal sa railing na gawa sa semento (meron ba nun? HAHAHA) kung saan nakapatong yung mga milofreeze namin.

At dahil super tili ang mga bestfriend ko, lumingon na din ako. At sa kamalas-malasang malas, nasagi ko yung milofreeze ko at...

"WHAT THE HELL!"

Nakita ko si Rain sa ibaba. Si Rain Dean Salcedo. Ang oh-so-handsome na si Rain. Yung hitsura niya, mukhang naiirita na galit na naiinis na ewan. Grabe, kahit magkasalubong na yung kilay niya at ang sama ng tingin niya, ang gwapo niya pa din :) Nakatingin pa siya sa akin. :D Kikiligin na ba ako? Ayy, di ko mapigilang ngumiti :) ang ganda ko talaga! Hahaha :D

“Hala. Anung ginawa mo?” narinig ko na lang na sabi ni Jess. Isa sa aking mga bestfriends. Girl yan, ha. Minsan nauubusan din yan ng common sense, pero all in all, ayos naman. :))

"Di ba halata? He's dripping wet. HOT MUCH! :)" Ayan, nag-i-star star na naman yung mata niya. Si Jane. May pagkamataray. Pero isa din yan. Parang si Vince din. Kampi nga sila lagi ni Vince pag nakikipag-away eh. Pag nag-team-up yung dalawa. Wag ka, mala-World War na yan. :)))

Oo nga, may baso ng freeze sa ulo ni Rain. Tapos tumutulo pa yung laman mula sa ulo niya pababa sa super white na uniform nya, pero di pa din nakakabawas sa kagwapuhan nya :) Kaya crush ko yan eh! :D

Sino kayang tanga yung gumawa nun kay Rain? Panigurado, lagot yun. Eh kahit na ba super gwapo niyang si Rain, na pati mga bakla, eh nagkakandarapa, ubod naman yan ng sungit. Tingin pa nga lang niyan, parang nag-a-ice na yung paligid eh. Minsan naman, ngumingiti at tumatawa din yan. Bipolar ata. Kung gano napaka-mala-anghel ng mukha nyan, siyang kabaliktaran ng ugali niyan. Kaya nga gusto ko lang yan sa mukha eh. Sa ugali, di gaano.

Padami na ng padami yung mga tao na nakiki-usyoso.

"YOU! GET DOWN HERE!" sigaw ni Rain, sabay turo banda sa amin. Grabe, ang lakas talaga ng boses nito pag galit. Asan ba yung kausap nya? Di pa lang bumaba. Ginagalit niya ba talaga si Rain?

Tinanggal niya yung baso sa ulo nya tapos asar na asar na binato sa direksyon nung bestfriend nyang si Shin na kanina pa tawa ng tawa. Namumula na nga yung mukha sa kakatawa eh.

"Shut up, Shin!" Ang sama ng tingin niya kay Shin. Hui, bestfriend mo kaya yan. Tapos ayun, tumingin na naman siya dito sa taas.

"Bababa ka ba o aantayin mo pa akong umakyat dyan?!" Grabe talaga makasigaw to.

Nawawalan na ata siya ng pasensya. Ang tagal naman kasing bumaba nung pinapababa niya.

"Ui girl, baba ka daw dun!" Sabay siko ni Jess sa akin.

"Ako, bababa? Ba't ako bababa?"

Dun ko lang napansin na lahat sila, hawak yung sari-sarili nilang freeze. Sina Vince at Jane, ayun, busy'ng nagbubulungan. With matching hearts pa sa eyes at nakatingin kay Rain. Ganyan mga yan pag nakakakita ng gwapo. Parang kinikilig na ewan. Si Lyn naman, nakatitig dun sa Shin. Ayii, crush nya yun eh :) At si Jess? Mukhang natatakot na ewan. Hahaha :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon