M.j P.O.V
"aba!!.. ano pang hiniga higa mo dyan Micajoy tanghali na aba kumilos kana ikaw na nga nakikitira at ako na nga nagpapalamon sayo ikaw pa buhay prinsesa!!!?"
sya ang tita Silvia ko siya na lamang ang natitirang kamag anak ko sa side ng mama ko at sakanya na din ako lumaki, kahit gusto ko man umalis hindi ko naman magawa saan naman ako pupunta
"wala ka nangang binibigay na pera ikaw pa ang tatamad tamad ...bumangon kana at magluto ka duon at maglinis ng bahay aalis kame ng mga pinsan mo maiwan ka dito."
mabilis akong tumayo dahil kapag tatamad tamad ka sa bahay na to wala kang kakainin
"opo ehh tita san po kayo pupunta?"ako
"wala ka nang pake!!!... mabuti kung nag bibigay ka ng pera eh hindi naman"
tama naman si auntie wala akong pera dahil ang pera ko ay itinatabi ko lalo na kapag sahod ko sa trabaho para sa pag aaral ko
hindi na lang ako sumagot ganyan naman lagi ang bagsak ko tahimik at hindi lumalaban ...
umalis na sila at naiwan ako mag isa walang pag kain madaming ligpitin madaming hugasin mga pinaghigaan na hindi tiniklop at madami pang iba..
ako nga pala si mMicajoy Santiago Perez oh kilalang MJ
17yrs old 1st year sa college sa HIGHCAT UNIVERSITY working student ako kase wala naman akong magulang na aasahan pasalamat na lang din ako at naging scholar ako ng school na yan
simpleng babae at hindi ako sosyal pero hindi din ako baduy at nerd, may dating naman kaso hindi pang mayaman
sunday ngayon dapat pahinga ko na sa araw araw na pumapasok sa school pagtatrabaho sa gabi minsan nga madadatnan ko na lang ang bahay na magulo tambak tambak na hugasin at gawain,minsan mapapaisip kana lang na bakit sa dinami dami ng masasamang tao bakit ikaw pa yung binigyan ng ganitong problema
"bakit kase hindi nalang kumuha ng katulong..ayy! oo nga pala wala nga pala silang pera tsk "
naiinis kong sabi... lahat na lang ng bagay,kulang na lang ako na ang magsuot ng panty nila at brief kainis
(kriiiiiiiing krrrriiing) yung phone ko tumutunog
~hello~
~hai Mj si Cath to~
~ohhh Cath na patawag ka?~
~aayain sana kita sa birthday ko sa friday ok lang ba?~
~ahhh ehhh titingnan ko pa aah hindi kase ako sigurado kung free ako sa friday pero tingnan ko kung nagagawan ng paraan..~
~ahhh ok sige kung ganun pero subukan mo pumunta ahh~
~ahh oo~
ng matapos ang tawag nag isip isip ako,gustong gusto ko pumunta o umoo kaso saan ako kukuha ng damit pangalawa hindi ko alam kung papayagan ako ng tita
nakakainis
mga 3:00 ng hapon dumating ang tita galing palengke namili ng mga damit ng pinsan ko umaasa ako na sana kahit isang t-shirt man lang mabilihan ako pero syempre wala ang sakin dun
hindi ko nga alm kung tinuturing ba nila ako bilang pamilya oh katulong na haysssst........_____________________________________
A/N
FB ACC. OF POOR GIRL REVENGE NAME KO PO SOFIA RICH SANDOVAL ADD NIYO PO AKO

BINABASA MO ANG
My Love and My Revenge
Подростковая литератураHighest achieve in wattpad rank#8 naiinis,nagagalit,nasasaktan halo halong pakiramdam hindi ko n alam kung pano ako makikisama baka mamaya sasabog na lang ako bigla hindi ko na kaya pagod na pagod na ako sa araw araw na minumulat ko ung mata ko ...