[Author's Note: If there is any problem from the typo discontinue reading. Nagkaroon po kasi ng error. Thank you ^_^]
"Araw-araw niyo po ba yang gagawin?"
"Wag ka ng maki-alam."
"Gusto niyo ba akong magdrama para lang matapos yan? Araw-araw di ako makatulog dahil sa inyo, sana naman alam niyong may nadadamay rin sa away niyo!"
"Sumasagot ka na ha?!" Tinaas niya yung kwelyo ng damit ko, habang ako hindi nagpapakita ng takot.
"Sige po, pupunta na ako sa taas." Nagbuntong hininga ako habang kumakawala sa kamay niya.
Nakakainis, telenobela ba 'to? Bakit di nalang sila magartista, at least may napala naman sila.
papunta ako sa kwarto ko habang sila natahimik, pero tinuloy pa rin nila pagkadaan ng ilang sekundo lang. Akala ko pagdating ko ng highschool magbabago na sila, pero hindi talaga.
Kaya naman nawalan na talaga ako ng respeto para sa kanila.
Humiga ako, pero hindi talaga ako makatulog. Ang ingay nila pero wala namang saysay ang mga 'yon
Nakakapagod paulit-ulit nalang sila, nakakatawa nga eh.. hindi ba sila marunong magsawa? O wala lang talaga silang magawa na matino?
-
Madaling araw nasa rooftop ako ng school may harang siya pero pwede mo'ng tungtungan at upuan.
Nagtaka nga yung guard kung bakit "sobrang" aga ko. Pero sa huli pinabayaan niya nalang, alangan namang pauwiin niya ako diba?
Gusto ko'ng makaramdam ng katahimikan.
Umupo ako sa harang pinagmasdan yung sikat ng araw.
"Sana naman tumahimik na buhay ko.."
Yun lang naman hinihingi ko diba?
Tumayo ako doon at humarap papaloob.
Gusto ko'ng mahulog dito, gusto ko'ng matapos na lahat. Walang problema sa buhay, wala nang kailangan gawin. Huminga ako ng malalim at pumikit...
Tatapusin ko na 'to
O_O
-- Nagulat ako ng may babaeng nakahawak sa kamay ko. Nakita ko nakatayo rin siya sa harang.
"Bakit mo 'yan ginagawa?" Sobrang seryoso ng mukha niya at nakatingin sa sahig pero hindi ko kayang sagutin yung tanong niya.
"Sa tingin mo maganda yang gawin?"
Malamang hindi.
"Ewan ko."
"Di binabasta ang mga ginagawang desisyon sa buhay."
Psh.. na parang di nila binabasta-basta mga desisyon nila.
"May dahilan ako kaya, umalis ka na."
Ngumiti siya sakin bigla pero di ko maintindihan kung bakit.
"Ako nga pala si Jenn." Di ko nalang siya pinansin at umupo nalang ako.
Tss.. panira na nga may gana pang magpakilala.
Nakita ko siya na paalis na pero may naramdaman ako na labi sa pisngi ko, di ako makagalaw sa sobrang gulat. Parang bumilis yung tibok ng puso ko.
Teka, sino ba naman ang gulat na hindi bibilis ang tibok ng puso?
"Ang taong nagpapa-kilala, pinapansin dapat -kasi nakakahiya."
"Nakakahiya? Mas nakakahiya ang ginawa mong paghalik sa pisngi ko."
"Hinalikan ba kita sa pisngi?" Kunot noo siya, pero nagulat ako at nag isip.
"Binibiro mo ba-" Tinakpan niya yung bibig ko.
"Shhh.. sabihin mo na pangalan mo, kung hindi tutulak kita."
"Edi tulak mo ko, ika--" Tinulak niya ako at hinigit pabalik na parang sigurado na hindi ako mahuhulog.
"Takot ka pala eh." Tumawa siya ng mahina.
"Ba't di mo tinuloy?"
"Malamang baka sabihin sakin murder eh." Napa ngisi ako at natawa ng onti.
"Mike, -Mike pangalan ko."
"May nakilala akong mike dati.."
"Ano?"
"Hindi wala.. pwedeng Makmak nalang tawag ko sayo?"
Tsk. Ano ako mcdo? O si awra sa ang probinsyano?!
"Ayoko nga, pambata tss.."
"Ano gusto mo, Mikmik?" Taas kilay niyang sinabi.
Arte, sana pala Mikael nalang pangalan ko para Mike nalang.
"Kie nalang." Bigla naman siyang tumawa? Ano meron? -_-
".. sorry ganyan din kasi sinabi niya eh." Tinanguan ko nalang siya.
"Akin na kamay mo." Seryoso niyang sabi.
"Bakit?" Hinigit niya palapit sakanya ang kamay ko.
"Kapag gagawa ka ng kalokohan uli 'jan di na kita kaibigan, promise 'yan ha?"
Tinanggal niya yung necklace na guitara at..
Wtf?! Nabubuksan yun?
O_o kutsilyo?!?! Paano yun nakalusot?! Nakapatay na ba 'to ng tao?! Teka, maliit lang naman ng kutsilyo ang OA ko..
biglang hiniwa ng onti ang pulso namin, na parang naglalaslas ng isang hiwa lang.
Sobrang bilis niya, pero halos wala talaga akong naramdaman. "Tandaan mo, 'yan ang magpapakita na magkaibigan tayo, di yan mawawala katulad ng mga bracelet o bagay."
"Kaibigan?! Nanghihiwa, meron ba nun?!"
"Wag ka ngang maginarte dyan, makisakay ka nalang hihilom din naman." Tss.. brutal na "kaibigan"
Inabot niya saakin yung panyo niya na puti na may nakalagay na 'Jenn'.
Pinunasan ko yung sugat, bahala na siguro naman may rason kung bakit ito nangyayari.
Binalik ko sakanya ung panyo tapos parang may kinukuha siyang..
Posporo?!
Nagsisigarilyo ba 'to?! Ilang taon palang kami ah!
Kinuha niya yung panyo at sinunog ito. "Sinunog ko baka may makakita pa ng dugo eh.."
"Ano, tara na?" sabi niya tapos ngumiti siya, yung kayang magpatulala na ngiti?
Ang alam ko nalang.. nagsimulang magbago ang buhay ko nung dumating siya.
Pagkatapos ng school year di ko na siya makausap kahit ano pang gawin ko. Wala sa bahay nila, wala sa tambayan namin at walang-wala talaga.
Natupad nga yung hiniling ko, tahimik na nga buhay ko..
Pero bakit ganoon, kulang pa rin.. di ito yung ginugusto ko.
Tahimik nga, pero masaya ba ako?
YOU ARE READING
A Girl Who Changed My Life [UNCONTINUED]
Teen FictionThis girl who changed his life was the only girl he wants to be with. But, a tradegy happened an unknown tradegy.. will she recover whats gone? If she did.. do you think they would be together and deserve a happy ending?