Ito ay isang kwentong katang isip lamang.
PROLOGUE:
Ito ay isang mundo na kung saan ginagamit ang magic sa pang araw-araw na gawain. Gumagana ang mga kagamitan gamit ang magic tulad na lamang ng ang kuryente na ginagamit ng mga tao ay nanggagaling sa magic, ang mga transportasyon ay umaandar gamit ang magic at marami pang ibang bagay ang ginagamitan ng magic na pinakikinabangan ng mga tao. Sa mundong ito hindi mabubuhay ang tao kung walang magic at tinatawag ang mundong ito na "Mesotopia".
Ang Mesotopia ay pinamumunuan ng anim na makapangyarihang bansa. Ang "Britanya", ang bansang namumuno sa west. Ang "Albanya", ang bansang namumuno sa middle west. Ang "Morroco", ang bansang namumuno sa middle east. Ang "Moralya", ang bansang namumuno sa east. Ang "Prontera", ang bansang namumuno sa north. Ang "Ethopya", ang bansang namumuno sa south.
Noong unang panahon hindi magkakasundo ang anim na makapangyarihang bansa at merong malaking gyera na namamagitan sa mga ito. Isang araw bigla na lang lumitaw ang mga halimaw sa Northern Lands(North Pole) na tinatawag na "Undead". Isa-isang sinakop ng undead ang mga karatig nitong mga bayan at nasakop nila ang buong northern land. Madaling kumalat ang undead sa buong Mesotopia dahil sa iba't iba nitong kakayahan merong nakakalipad, merong nakakalangoy at meron ding nasa ilalim ng lupa. Ang undead ay pinamumunuan ng isang malakas na halimaw na nagngangalang "Lich King" ang God of Destruction at meron itong limang heneral na sina "Karthus" ang Death Singer, "Krobelus" ang Death Prophet, "Balanar" ang Vampire King, "Abaddon" ang Death Knight at "Leoric" ang Death Bringer.
Unti-unting nasasakop ang buong Mesotopia ng mga undead at dahil dito nagkaisa ang anim na makapangyarihan bansa na magkaisa upang pukasain ang mga undead at pinagsamasama nila ang kanikanilang pinaka malakas na mga mandirigama na pinamumunuan ng "Avatar". Ang avatar ay ang pinakamalakas na mandirigma, isa itong wizard na kayang kontrolin ang walong elemento ang fire, water, earth, wind, ice, thunder, light at darkness.
Natapos ang gyera sa pagitan ng Undead at ng mga tao. Natalo ng Avatar ang Lich King kasama ang limang heneral nito. Ngunit namatay din ang Avatar dahil sa mga sugat na natamo nito mula sa laban.
Simula ng matapos ang gyera nagkaroon na ulit ng kapayapaan sa Mesotopia ngunit ganun pa man ay merong pa ring mga natitirang undead na nagtatago sa mga gubat at kabundukan kaya nagkasundo ang mga bansa na itatag ang "Magic Council" ang namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa magic. Itinatag din ang "Magic Academy" isang eskwelahan na nagtuturo ng magic.
....................................................................................................................................................................................
Authors Note: Background at history lang po yan ng kwento para po mas maintindihan niyo. ^_^ next chapter po yung simula ng kwento, first story ko po ito at ito ang pinakauna kong ginawang istorya kaya po don't expect too much... Thank You po sa pagbabasa... ^_^