-Chapter Five-
♥ One Night Only ♥
Eksaktong dalawang buwan simula nung hindi na ako tinext ni Mushy. Masakit. Nakakalungkot pero kinakaya ko. Ayaw kong maapektuhan lalo na yung pag-aaral ko. Eto namang si Arnel consistent. Halos araw-araw pa din siyang pumupunta sa bahay. One month na syang nanliligaw actually. Magkaiba kasi kami ng school kaya after class na lang kami nagkakasama. Minsan sinusundo niya ako kapag uwian na.
Hindi pa rin mawawala si Mushy sa isip ko.. lalo na sa puso ko. Pero anong magagawa ko kung hindi na sya magtext sa akin?
Nagtetext pa din naman ako sa kanya kahit papano. Simpleng 'Good Morning' at 'Good night lang' pero wala talaga eh. Wala na ata balak magparamdam. Pero yung name niya sa contacts ko 'Mushroom Ko' pa din. Naisingit ko na naman yun. Ang sama ko ba?
Nagpaligaw na ako sa iba pero si Mushy pa din yun bukambibig ko. Si Mushy pa din yung hinihintay ko. Anu ka ba naman Ishvah ang gulo-gulo mo!
I tried to be happy with someone who could exert an effort just to make me feel loved. Yung tulad ng sinabi ko na alam mong TOTOO. Nakikita mo. Nahahawakan mo. Hindi yung pinapangarap mo lang. Madalas kaming pumunta ng beach. Unwind lang palipas oras. Sinusulit yung time na magkasama kami. Kung minsan tatambay kami sa bahay nung tropa niya magmomovie marathon, food trip at kung anu-anu pa. Minsan pa nga sya yung nagluto ng dinner namin eh. Madalas din siyang tumambay dito sa bahay namin magkukuwentuhan lang ng kung anu-anong topic.
Ganito pala yung feeling na malapit kayo sa isa't isa. Sobrang sweet niya sa akin. Masaya na ako kahit papaano. Alam ko na kasing may nagmamahal ng totoo sa akin. Pinalitan ko na yung wallpaper at screensaver ko ng picture ni Baby Arnel. Yeah. Sabi niya kasi tawagan daw namin yung Baby. Minsan Byko o kaya By pag tamad magtype hehe. Hindi pa kami nun ha. Uhm, hindi nga lang ako komportable sa ganung tawagan. Naninibago siguro kasi ako. Ewan ko ba. Isang buwan na naramdaman kong maging masaya.
Hanggang isang gabi...
Isang gabi na hindi ko inakala...
Isang gabi na hindi ko talaga inasahan..
"Mushy ko, musta ka na po? Nakitext lang ako wala po akong load mushy ko. Mwuah mwuah tsupp."
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita [♥♥COMPLETED♥♥]
Short StorySi Mark Kien Aquino - ang Mushroom ko :) ♥ ♥ ♥