#2- meet the nerd

----------------------------------------------------------------------------------------------

"ANO??!!!!HA!!!! MABUBULLY PA KAYO HA!!!!! MAULIT LANG TO! SISIGURADUHIN KONG KINABUKASAN PALUTANG LUTANG NA ANG MGA BANGKAY NIYO SA ILOG!!!!!!!" sigaw ko sa apat na babaeng nakatali sa puno sa harapan ko ngayon,

sino pa ba?

eh di yung mga walang kwentang kalaban, ni hindi man lang ata ako pinagpawisan eh. Ni hindi nga sila marunong sumipa o sumuntok puro pananampal at pananabunot lang ang mga alam!! kaasar para tuloy sila yung kawawa

"Hey easy lang Cris, mga babae yang mga yan, di ka nila kaya kahit magsama sama pa sila, hahahahaha" Sabi ni Kevin sabay tawa

eto naman kasing ugok na to! di naman ako mapapaaway ng ganun kundi dahil sa kanya, oo mukha siyang nerd ngayon pero gawain na niya talaga yan....

ang mag disguise. Madalas siyang mag disguise ng ibat ibang itsura.....

yan sa Kevin Jade Terrez

Di ko nga maintindihan takbo ng utak niyan eh, madalas wala sa klase, madalas magninja(mag disappear) at mahilig umalis ng walang paalam. Sa 4 years na nakasama ko yang taong yan di ko pa rin siya ganun kakilala. 

"gulay kang KJ(Kevin Jade) ka!!! anung tingin mo sakin!!!!??? lalake???!!"-asar kong sigaw sakanya

"Parang ganun na nga, Pffffffft hahahahahah" sabi niya habang tumatawa, abat talagang inaasar ata talaga ako neto ah

"anung gusto mo?? Eto ba???" sabi ko ng kalmado at itinaas ko ang kamao ko ng nakakuyom at parang manununtok

"Huy chill lang Cris, di ka naman mabiro" sabi niya sabay iwas sa kamao ko

"ampangit mo!!! bumalik ka nga sa dati mong itsura!!!!"-sabi ko sa kanya mukha kasi talaga siyang nerd eh, di kasi ako sanay sa ganung porma niya parang nang aasar lang ata eh.. psh

"Ayaw mo nun edi pareho na tayong nerd ngayon na tinitingala" saad niya naman, ishhhh nang aasar nanaman to!!!

"Tssss ewan ko sayo"sagot ko naman

"Oo na po tatanggalin ko na po, wag na pong hot ang head baka akoy ma deads "sabi ni kevin, parang tanga lang eno?

at ayun nga tinanggal na niya yung salamin niya at pati na rin yung retainer niya at pagkatapos ginulo gulo niya yung buhok niya na parang bagong gising lang and poof!!! nakita ko atang kuminang ang mga mata ng babaeng nakatali sa may puno 

"oh yan!!! happy ka na??" saad niya sakin at tumango na lang ako, yung mga babae naman parang sobra sobra ang pagsisisi, bahala sila jan sa puno na yan!! walang tutulong sa kanila jan. kaladkarin ko ba naman sila sa likod ng university sa puro mga puno, tignan natin kung makaalis sila dito hanggang mag gabi...

 buti nga sa kanila!!!

" oh baka gusto mo ding tanggalin ko na din tong damit ko!! mukha na akong basang sisiw eh." sabi uli ni kevin. Tinitigan ko lang siya, bahala siya sa buhay 

" Bakit ganyan ka makatingin???" sabi niya uli

"Bahala ka sa buhay mo" mahinahon kong sabi saka ako umalis at iniwan siya kasama yung apat na mahihinang nilalang na nakatali sa puno

" hoy hoy wait lang naman!!!, paano naman yung mga girls dun sa puno???"

"Samahan mo, Gusto mo???"

"Siyempre ayaw ko no!! Binuhusan pa nila ako ng juice, Anlagkit ko tuloy ngayon. Di na ako hugable" sagot niya na nakabusangot, halatang ayaw niyang maiwan don. Umaga pa naman at vacant namin ngayon, kaya nga ako pupunta sana sa library eh.....

teka....

pupunta nga pala akong library....

Naku!!!

Nakalimutan ko pala!!!!

Lagot ako ngayon niyan kay president Amy!!!!!, baka kanina pa nag aantay yun!! Lagot na!!!

"Bahala ka na kung anung gusto mong gawin sa kanila, kailangan ko ng umalis! sige!" nagmamadali kong sinabi sa kanya sabay takbo

"Hoy Crisostomo!!! San ka pupunta!!!! Wag  kang umalis!! Anung gagawin ko sa mga to!!!!" sigaw ni Kevin sakin, medyo malayo na rin kasi ako sa kanya

"Di ba ang sabi ko ikaw ng bahala!!! Kaya mo na yan!!!" sagot ko naman sa kanya ng pasigaw din, tumakbo na ako at di ko na siya pinansin pa kung may sasabihin man siya. Lagot na kasi ako kay President eh, takot ako dun eh. Good follower kasi ako pero di ako good leader.. Ehehe

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa library....

"MARICRIS CRISOSTOMO!!!! YOU ARE 30 MINUTES LATE!!! WHERE HAVE YOU BEEN!!!???" Sigaw ni president Amy in full blast, WEW katakot talaga siya pag galit

" ahm Im sorry president, may inasikaso lang ako" nakayuko kong tugon sa kanya, kahit kaya kong maging monster sa ibang tao, may takot pa din ako kay Amy. Si Amy Keith Pearl Valdez kasi ang pinakarespetado sa aming lahat. Kahit na magkaibigan kami pag ang school projects na ang pinag uusapan, wala ng kaibi-kaibigan pa. Dapat gawin mo ang part mo or else mag iiba siya

yan kasi si Amy eh...

makulit , mabait at palakaibigan...

pero kung alam niyo lang, bipolar yan

oo as in bipolar, sa una kukulit kulitin ka niyan. Kapag wala pang klase madalas na mangulit yan. Pero magugulat ka na lang pag sinubukan mo siyang kausapin tsismisan during school hours, tititigan ka na niyan ng masama at pagsasabihan kang manahimik na kahit ipagsigawan niya pa sa buong klase wala yang pakelam. Pag may school project, meeting o discussion kami tapos nalate ka tulad ko ngayon??? mag handa ka na ng 10 reasons mo....

for reservation lang, baka di tanggapin yung 1st reason mo di ba?? para at least nakaready na

"ANU NAMAN YANG IMPORTATENG BAGAY NA YAN AT MAS IMPORTANTE PA SA SCHOOL PROJECTS NATIN ABER!!!???"sagot naman ni Amy sakin, ansakit sa tenga makasigaw kasi eh magkalapit lang naman kami. Asan na ba si maam librarian?

"Pasensiya na talaga Amy, may inasikaso lang talaga ako eh" sagot ko na medyo kinakabahan

"Maricris! You are already a 17 Years old!! You should know your priorities, wag kang magpapapetiks petiks jan!!! Di porkit 2nd placer ka na magiging ganyan ka na?!!!! Aba aba!! wag kang ganyan ah!!!!"

 " Di naman ako nagpapapetiks petiks ah, Amy este President May inayos lang po talaga akong problema kaya no worries po president, hahabol na lang po ako. di naman po ako yung tipo ng tao na porkit nasa mataas na ranking ay lalaki na yung ulo, di po ako ganun" kalmado kong sagot sa kanya,para naman kumalma na din siya, kakahiya na sa librarian eh, katakut pa man din yun 

" Psh! Ok Fine!! By the way, asan yung kaibigan mo aber???asan na si Anderson??? tanung niya sakin, teka asan na nga ba si Riet?? Ahh malamang nasa student council

*BLAAAAG*

Bumukas bigla yung pinto at iniluwa nito ang aking best friend na si Henrietta Marie Anderson. Anseryoso ng mukha niya at tila may hinahanap dahil nagpalinga linga siya at nung makita niya ako lumapit siya

"Speaking of" saad naman ni Amy ng nakangiti

" buti naman pinili mo ngayon dito sa library kesa sa SC(Student Council) room" pagpapatuloy ni Amy habang nakatingin sa direksiyon ni Riet na kasalukuyang naglalakad papunta sa amin

" Andito lang ako para hanapin si CJ" sabi ni Riet sabay tingin sakin alam kong ako ang tinutukoy nito ang seryoso ng mukha niya di ako sanay na ganyan siya. Anu kayang problema nito

" Yang best friend mo?? pagsabihan mo nga yan nalate nanaman!" sabi ni Amy kay Riet,

" Talagang pagsasabihan ko yan" saad ni Riet sabay lingon sakin

" At ikaw CJ. You're in big trouble missy.....

AGAIN!!!" Seryoso niyang saad sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dont you dare mess with a NERD like ME!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon