Chapter One

30 1 0
                                    

Pitong "I love you",

Sa ikapito ng gabi,

Sa ilalim ng pitong langit.

~•~

Kakatapos ko lang magbutones ng uniporme ko nang biglang umilaw at tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong kinuha ito at napangiti nang makita kung sino 'yung nag-text.

Si Jiro...

Magkahalong kaba, excitement at saya ang kaagad kong naramdaman nang makita ang pangalan niya sa screen nitong cellphone ko.

Jiro Jimenez.

'Yan ang buo niyang pangalan. Ang pinakamagandang pangalang naimbento sa kasaysayan ng mundo... para sa akin. Ang pangalang marinig o mabasa ko lang nagliliwanag at sumasaya na kaagad ang paligid ko.

Kaibigan ko si Jiro at magkatabi ang apartment na inuupahan namin.

At kung iisiping mabuti ang kaabnormalang nangyayari sa puso ko sa tuwing magtetext siya ay malinaw na malinaw na... in love ako sa kanya, na mahal ko siya.

Palihim nga lang.

Mahigit isang taon ko nang nararamdaman ang kaabnormalan na 'to. Ang kaabnormalang pakiramdam ko ikababaliw na ng puso ko.

{Precious Gem, gising kna? Pakibukas nmn ng bintana mo o..} Laman ng text niya.

Napangiti ako nang malapad. May bago na naman siguro siya...

Sa tuwing inuutusan niya kasi akong ipabukas ang bintana ko, ibig sabihin nito may bago na naman siyang... joke. Sigurado akong ipagyayabang na naman niya sa akin ang joke niyang hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya kinukuha. Magaling kasing magjoke 'yang si Jiro, puro waley pero... havey na havey naman sa puso ko. 'Yan nga ang isa sa mga dahilan kung ba't ako nahulog sa kanya eh. Nahulog sa kanya na hanggang ngayon 'di niya pa rin sinasalo. Sabagay, hindi naman kasi ako sumigaw kahit minsan ng "Jiro, catch me I'm falling for you" eh kaya hindi niya alam na nahuhulog na ako. Kung sakali bang sumigaw ako, sasaluin niya kaya ako?

{Mamaya nalng, magsusuklay pa ko.} Reply ko sa kanya.

Sabog na sabog pa kasi 'tong buhok ko. Ayoko namang humarap sa kanya na ganito ang itsura. Wala na nga akong kagandahang taglay kahit nakaayos pa ako, paano pa kaya kung nakita niya akong ganito? Baka nga maturn-off pa 'yon lalo na't walang katurn-on, turn-on sa itsurang 'to. Baka nga kalimutan no'n na kaibigan niya ako 'pag nakita niya akong ganito eh. 'Yung pagiging magkaibigan na nga lang namin ang dahilan para ma-inspire at ngumiti ako araw-araw.

{Ok lang. Lagi ka nmng maganda sa paningin ko...

joke lang!}

Tss. Heto na naman 'tong banat niya. Sa unang phrases pakikiligin ka tapos sa mga susunod na linya iiwan kang nganga. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagkadismaya. Hay.

Mahilig talagang gumamit ng salitang "joke lang" 'yang si Jiro. Most used word niya 'yan. Hindi 'yan babanat ng walang karugtong na "joke lang" sa dulo.

Pero kahit na puro pagjojoke lang ang nalalaman niya, hindi pa rin tumitigil 'tong puso ko sa kakaasa na sana isang araw matutunan niyang magseryoso at... mahalin ako. Pero imposible ata 'yun. Si Jiro? Magkakagusto sa'kin, sa isang katulad ko? Sa panaginip na lang siguro mangyayari 'yon.

{Uy cge na. Mamaya ka na lng magsulay. Excited na akng ipakita sayo tong joke ko.} Text niya ulit, 'di kasi ako nagreply.

Mapilit 'di ba? Kung pwede ko nga lang din sanang ipilit 'tong nararamdaman ko para sa kanya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon