Chapter 3

87 8 7
                                    

3rd person's POV

"Kasama ko nga pala si Princess. Ang Girlfriend ni Rolland." Nagtaka ang lahat sa sinabi ng babae. Ngunit si Rolland ay nakatutok lamang sa mga susunod na mangyayari. Ipinakita ng babae si Princess. Nakatali ang paa't kamay nito ng nakatiwarik habang nakasabit sa kisame.

"May mga nakadikit na blade sa paa niya. Habang lumalakad ang oras, unti-unti itong bababa sa kanyang katawan hanggang sa matanggal lahat ng balat niya. At may mabubuhos na isang drum ng alcohol sa kanyang katawan. Upang mapiligan niyo ang pagkamatay ng inyong kaklase kailangan niyong madecipher ang code na nakalagay sa isang papel sa likod ng T.V. . Yun lamang ang kondisyon upang hindi mamatay ang inyong kaklase. Meron lamang kayong 25 minuto upang madecipher ito. Mamatay din siya kapag tumawag kayo sa pulis o humingi ng tulong sa ibang tao. At hindi pwedeng tumulong si Rolland sa pag-decode. May mga hidden cams at mics na nakalagay sa room niyo. Kaya naririnig at nakikita ko lahat ng mga ginagawa niyo! The time starts NOW!" Ang oras ay lumalakad. Tinignan nila ang papel sa Likod ng T.V.

"31-34-51-15 23-45-42-44-43? Ano to?" Nagtataka si Raven sa kanyang nakita. Lahat sila ay walang ideya kung ano ang meron sa papel.

Si Rolland ay alam kung ano ang nakalagay sa papel. Ngunit naalala niyang hindi pala siya pwedeng tumulong kaya naman bigla siya napaupo sa kinatatayuan at nagsimulang tumulo ang luha. Napansin ito ni Errol kaya agad niyang nilapitan ang kaibigan.

"Pare ayus lang yan. Macra-crack din namin yung code wag kang mag-alala" sabi ni Errol kay Rolland.

Lumipas na ang tatlong minuto ngunit wala pa ring nakakaalam kung anong ibig sabihin ng mga numero sa papel.

"Baka naman position nila sa Alphabet?" Sabi ni Angeline sa lahat.
"Hindi. Lagpas na agad sa Alphabet ang 31." Sagot ni Angelica
"Wait lang guys may pupuntahan lang ako." Sabi ni Kyle sa kanila. Narinig ito nina Angeline, Andy, Firellyn, at Scarlette. Agad silang tumayo at tinanong si Kyle

"San ka pupunta Uno?" Tanong ni Andy.
"Sa Library lang. Sama ba kayo?" Tumango naman ang apat at dali-dali silang nagpuntang library.
"Pag 15 minutes na lang at di pa kami nakabalik. Puntahan niyo na kami. Kevin, Paulo, Aldrin, Derrick, at Errol. Magdala kayo ng martilyo o kahit anong pamukpok. Pang depensa niyo."

Habang tumatakbo sila papuntang library. Tinanong ni Angeline kung ano hahanapin nila.

"Yoda ano hahanapin mo?" Tanong ni Angeline. Yoda kase tawag niya kay Kyle. "Libro Siopao malamang. Haha Codes And Ciphers na Libro." Siopao naman ang tawag niya sa kanyang bestfriend.

Nakarating na silang library at agad silang naghanap para sa librong ito.
-
"Antagal naman nila Kyle. Asa bandang hita na ni Princess ang blades ngunit wala pa sila." Nag-aalala na si Angelica ngunit di pa din dumadating ang lima. Narinig naman siya ni Kevin at bigla itong sinagot.

"Ayiee hinahanap niya si Kyle. Kilig-kilig" sagot ni Kevin. Nainis si Angelica at sinumbatan ito.

"Bakit bawal ba? Buhay ang nakataya dito Kevin! Tumigil ka nga." Agad nakaramdam ng hiya ang binata kaya tinanong niya na lang ito.

"Umamin ka nga. Crush mo ba si Kyle?" Tanong ni kevin. Sinagot siya agad ng dalaga.

"Secret. Malalaman mo rin sa tamang panahon." At biglang ngumiti ng bahagya si Angelica.

"Lumalakad ang oras. Masasagutan niyo pa ba yan?" Tanong ng babae.

"OO! MASASAGUTAN NAMIN YAN AT MABUBUHAY SI PRINCESS!" Sigaw ng nagngangalit na si Rolland.

"Well, bilisan niyo garod dahil baka wala na siyang balat mamaya. HAHAHAHAHA" kinilabutan ang lahat sa kanilang narinig.

"15 minutes left" sabi nito.
-
"Uno nakita mo na?" Tanong ni Andy kay Kyle. And out of nowhere biglang sumigaw si Firellyn.

"I found it!" Narinig siya ni Scarlette at agad siyang nilapitan.
"Open it then." Sagot niya. Lumapit na rin ang tatlo sa kanila.
"Sa room na lang natin buksan ang libro." Suggestion ni Kyle sa kanila at nagsimula na silang magpunta pabalik sa kanilang room. Ngunit bago pa man din sila makalabas ng library. Nakasara ang pintuan nito. Nakalock ang pintuan sa labas.

"We're f*cked up." Sabi ni Firellyn. Agad naman siyang narinig ni Kyle.
"Don't lose hope dadating na yung lima." Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Kyle. Biglang dumating ang lima.

"Bro! Kyle andyan ba kayo?" Tanong nila Kevin
"Oo bro! Buksan niyo ang pinto!" Sagot ng Lima.

Pinukpok nila Paul ang lock ngunit ayaw itong masira, paulit-ulit nila itong hinampas at sa wakas. Nabuksan na ang pintuan.

"Bro salamat." Sambit ni Kyle.
"Tara na!" Anyaya nito sa mga kaklase at dali-dali naman silang tumakbo papunta sa kanilang room.
-
"Sa wakas dumating din kayo." Sarcartic na pagkakasabe ni Pauline.
"Anong gusto mong mangyare?" Tanong ni Firellyn kay Pauline habang nakataas ang kaliwang kilay. Bago pa magkainitan ang dalawa ay inawat na ito ni Kevin.

"Tama na nga yan. Hindi na kayo bata" awat nito sa kanila.

Binuksan na ni Kevin ang libro at hinanap ang isang cipher. May limang minuto na lamang sila upang masagutan ang code. Nanginginig si Rolland sa isang tabi. Wala kasi siyang magawa. Kanina pa niya alam ang sagot ngunit hindi niya ito masabi. Sigaw ng sigaw si Princess ngunit walang magawa ang kanyang mga kaklase kundi manood sa mga nangyayari.

"I found the code!" Sigaw ni Kyle. Agad naman niya itong sinagutan. Mayroon na lamang silang 3 minuto. Nagsalita si Princess sa T.V.

"Rolland, Babe, sana masaya ka kahit wala na ako. Maraming salamat dahil minahal mo ako kahit panandalian lang. Sana wag mo akong malilimutan kahit na sobrang dami pa ng babaeng nakapaligid sayo. Babe I WILL ALWAYS LOVE YOU. Kung di man ako maka-alis dito. Masaya ako kung makakahanap ka ng bago." Sa tono ng pananalita ni Princess ay para na itong nagpapaalam. Dahil sa narinig ni Rolland ay mas lalo itong umiyak.

"Awwww so Sweet. At tama ka diyan. Baka di ka na nga makalabas ng buhay hahahaha." Sabi ng babae sa screen.

Habang nagsasalita si Princess kanina ay nag-dedecipher na pala si Kyle. May isang minuto na lang silang natitira at nahihirapan ang binata dahil sa sulat nito. Panget kase at minsan siya lang ang nakakaintindi. Sampung segundo na lamang ang natitira.

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"Alam ko na!, LOVE HURTS!" Sigaw ni Kyle

"Magaling Kyle. But I don't play fair. HAHAHAHA." Binuhos pa rin niya ang drum ng alcohol sa dalaga. Rinig na rinig ang sigaw nito at halos mamaos na ito sa kasisigaw. Nanlumo ang lahat sa kanilang napanood. Si Rolland naman ay hinimatay na at isinugod sa kanilang clinic.

"Love Hurts. Hahahaha. It took 25 minutes to decode that simple Code? So stupid. Sa susunod ay mas lalo niyo pang gagalingan Section Zero. Paalam. Hanggang sa Muli."

Section ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon