Nagulat at nabitawan ng dalaga ang kaniyang hawak na mga papeles dahil sa mga nakalagay sa hawak niyang papeles.
"Totoo po ba ang lahat ng ito?" Tanong niya sa kaniyang doktor
Hindi niya napigilan ang mapaiyak dahil sa kaniyang nalaman. May sakit ang dalaga at tinaningan na siya ng kanyang doktor ng isang buwan.
"Hija. Kahit bali- baliktarin natin ang mundo eh wala na tayong magagawa. Hindi pa natutuklasan ang gamot para sa iyong sakit. Manalig ka lang sa diyos at ika'y kaniyang tutulungan." Mahinahong sagot ng kaniyang Doktor
"Ma. Paano na po? Ma... Natatakot po ako." Humagulgol sa pag- iiyak ang dalaga
Bumuntong hininga ang kaniyang ina. "Ano pa nga bang magagawa natin anak?" Bumuhos ang luha galing sa mata ng ina ng dalaga. "Basta tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita ha?"
"Mahal ko din po kayo ma." Niyakap ng dalaga ng mahigput ang kaniyang ina
"Paano mo pala ito sasabihin sa iyong nobyo?"
"Iyon nga po ang pinoproblema ko ma. Hindi pa naman iyon sanay na hindi ako kasa..." Hindi naituloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating ang kaniyang nobyo
"Kamusta ka Pag?" Nag- aalalang tanong ng binata sa dalaga
"Ayos lang ako Ibig. Ahh. Pwede ba kitang makausap?" Seryosong tanong ng dalaga
Tumango ang binata at hinila siya ng dalaga palabasn ng opisina ng doktor.
"Bakit Pag? May problema ba? Sabihin mo lang sa akin para..." Pinutol ng dalaga ang pagsasalita niya
"Halikan mo ako." Wika ng dalaga
"Hah?" Bakas sa mukha ng binata ang pagkalito
"Halikan mo ako ngayon na."
Kahit naguguluha'y sinunod pa rin ng binata ang utos ng dalaga. Lingid sa kaniyang kaalamann ang plano ng dalaga. Sinusulit lamang niya ang mga araw na makakasama niya ang binata at ginagawa niya ang mga bagay na gusto niyang mangyari bago man lang siya mamatay.
"Salamat Ibig. Maraming salamat." Lumuluhang wika ng dalaga
Mas lalong naguluhan ang binata. "Ano ba talaga ang problema Pag?"
Natulala angbabae at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniyang nobyo. Maya- maya ay sumakit ang kaniyang ulo at siya'y nahimatay. Nataranta ang lalaki at agad itong nagtawag ng nurse sa ospital.
Nang maging maayos na ang kalagayan ng dalaga ay lumabas sandali ang binata upang kausapin ang ina ng dalaga na siya namang kinakausap ng doktor sa labas.
"Tita." Aniya
"Ano iyon hijo?" Tanong ng ina
"Ano po bang nangyayari kay Pag? Naaweweirduhan na po ako eh. Parang may hindi siya sa akin inaamin." Tanong ng binata na hanggang ngayon ay nalilito sa ikinikilos ng dalaga
"Ahh... ehh... Ano kasi hijo... Ahh... Nanlalambing lang siguro. Diba malapit na ang inyong anniversary?" Pagpapalusot ng ina ng dalaga
"Oo nga po pala. Sa susunod na buwan na. Salamat po at ipinaalala ninyo sa akin. Ihahanda ko na ang sorpresa ko sa kanya." Masayang wika ng binata
"Walang anuman hijo. Sige mauna na ako sa loob." Umalis ang ina ng dalaga
Naiwang nakatayo ang binata sa labas ng kwarto ng dalaga. Nag- iisip siya ng kung anong pwedeng maging pakulo niya sa nalalapit nilang anniversary ng dalaga.
Dumaan ang mga araw at unti- unting nalagas angbuhok ng dalaga. Ikinabahala niya ito dahil baka malaman ng lalaki ang sakit niya kapag nakita ito.
"Ma. Paano na 'to? Unti- unti na akong nakakalbo?" Pansin sa boses ng dalaga ang panghihina
BINABASA MO ANG
Keykeyefsi's ONESHOTS
Short StoryA compilation of oneshot stories. Hope you like it. ^____^