Ang mga pilipino talaga.
Ako: Yes Excited na ako bukas sa swimming!
Sila: Wag ka masyadong maging excited baka hindi matuloy.
Ako: Hindi ako excited bukas kasi baka hindi naman matuloy.
Sila: Ano ka ba? dapat maging positive thinker ka.
Marami ka na sigurong mga instances na napagdaanan bukod pa sa example ko na yan regarding about the scene. Ako kasi nalilito kung ano ba dapat maging ang paguugali ng tao Maging Positive thinker o Negative Thinker ba (+,-) Ganito kasi yan.
Ito ang dahilan kung bakit nagugulumihanan ako:
Kapag nagisip ka ng negative LESS DISAPPOINTMENT - dahil syempre ikaw ay handa na kung sakaling hindi maganda ang mangyayari okay lang sayo dahil hindi ka naman umasa.
kapag nagisip ka naman ng positive MORE DISAPPOINTMENT - super Dissapointed ka. At sigurado ako naranasan nyo na rin yan at palaging palagi. "Ay Siguro Crush nya rin ako kasi tinitigan nya ako kanina" -yun pala yung kaibigan mo crush nya. "Panigurado yan may pasalubong sila Mama" - Yun pala wala! Asang asa ka naman. "Alam ko makakapagaral ako ng kolehiyo" - Darating at darating na kailangan mo talagang tumigil. At marami pang ibang pangyayari ukol dito.
Isang malaking PERO ay kapag sumalungat lahat ng pagiisip mo. GANITO:
Nandoon ka na sa pagiging Negative Thinker mo its either in a positive way or negative way.
Dahil sa hindi ka umasa ng labis at yung kinalabasan ay hindi naman pala sa inaakala mo Masaya and MORE HAPPINESS! :) Kasi na surprise ka.
Kapag positive thinker ka at nangyari talaga yung inaasahan mo "Sabi ko na nga ba ee" -FEELING PROUD! yan tayo ee.
Amg tanong Ano ang mas maganda
LESS DISAPPOINMENT OR MORE DISAPPOINMENT?
MORE HAPPINESS OR FEELING PROUD?