IYAK SA DAAN

650 4 2
                                    

IYAK SA DAAN

( Horror Story )

Written by:jhyne Juntilla

 

Dito sa Baryo ng Bagalangit, dito naka tira ang isang simpleng pamilya.Maliit lang ang kanilang kubong tinuloyan,.Dahil sa kahirapan nagawang iwan ni mang Bobby ang kanyang mag-ina,at sumama sa ibang babaeng mayaman.Dahil sa pag alala ng ina ni Dolores,pansamantala niyang sinabahan ang mag-ina.Dahil lagi nalang naka tulala ang kanyang nag iisa at pinakamamahal na anak.at ang kanyang nag iisang apo na si Barbarra.

Maliit pa ang kanyang apo nasa walong taon palang ito mabait,at masayahing bata si Barbarra.Si Kalda ay syetenta anyos na. Ang ina ni Dolores,byoda na ito.pero kahit may idad na malakas parin....

"FLASHBACK"

"Bobby,maawa ka sa amin ng anak mo,wag mo kaming iwan...Hindi ko kayang buhayin ang anak natin..Wala akong trabaho....huhuhuh......"pag mamakaawa ni Dolores.

Sawang sawa na ako sa kahirapan Dolores.Sawang sawa na ako sa palaging nag aararo.at mag hapong nasa bukid..Hayaan mo.pag maginhawa na ako kukunin ko ang anak natin.wika ni Bobby.

Hindi ako papayag na kukunin mo sa akin ang anak ko Bobby!!isinusumpa ko!!!mamatay muna ako bago mo makuha ang anak ko.!!!sige umalis kana!!!at wag kanang mag pakita sa amin ng anak ko.!!!pagtataboy ni Dolores,kahit nasaktan ito.

Alam ni Dolores ang ugali ng asawa, hindi ito nag papapigil kung ano ang gusto niya,ay talagang gagawin niya.Umalis nga si Bobby

SAMANTALANG-pinanood lang ni Barbarra ang pag alis ng kanyang ama,habang lihim itong umiiyak na walang ingay...At si Dolores,humahagol-gol sa pag iyak habang pinapanood ang pag alis ng kanyang asawa.At nilapitan ito ni Barbarra.

Nanay.....,tama na po.Hayaan mo tutulongan nalang kitang mag hanap ng mapagkitaan natin para mabuhay tayo...wika ni Barbarra,habang niyakap ang kanyang pinakamamahal na Nanay.. Mabait si Barbarra,masipag na bata,at maalalahanin sa ina...

Walang araw na hindi umiiyak si Dolores,at lagi itong nakatulala.At si Barbarra at ang kanyang lola ang nag alaga kay Dolores.

Nanay,dinalhan kita ng sabaw ng malunggay humigop ka muna.para may laban ang tiyan mo.wika ng bata.

Hindi ako nagutom anak,ilagay mo nalang yan sa kusina.sagot ni Dolores.

Nanay,ilang araw na po kayong hindi kumakain,baka magkasakit kana niyan."

Gusto ko nang mamatay Inay,Barbarra...ani Dolores sabay hagol-gol sa pag iyak.

Wag po Nanay,paano na ako pag mawala ka?Mahal na mahal ka namin ni lola nanay....wika ni Barbarra sabay yakap sa ina.at umiiyak na rin...

Dolores,ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?hindi ka ba naawa sa iyong anak?pinabayaan mo na siya dahil lang sa walang kwenta mong asawa?Gumising kana Anak,ang isipin mo ang anak mo,at ako dito pa kami,hindi ka namin iiwan,sama-sama tayo kahit anong mangyari anak.huhuhu.....pagdalamhati ng matanda.

Lumipas pa ang mga araw,ganoon parin si Dolores,kaya naawa na si Barbarra sa kanyang Ina.

"Pangako nanay,hahanapin ko si tatay,at pauwiin ko siya dito."wika ni Barbarra sa kanyang sarili.

Kinabukasan,ala singko palang gumising na si Barbarra,para lulutoin ang saging na binibili ng kanyang lola para ibinta ni Barbarra.Dahil sa ingay nagising ang kanyang lola.

Barbarra,apo!ano ba ang ginagawa mo?tanong ng matanda.

Lola,niluluto ko po ang saging,para ibinta ko mamaya,Habang hinahanap ko si tatay.sagot ng bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IYAK SA DAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon