One shot story ito.Actually activity namin ito sa filipino. Pinasulat kami ng teacher namin ng talata na may higit sa sampu na kilos.Tungkol sa love na naranasan namin o napanood ang naging topic namin, pero itong ginawa ko ay dala ng malawak kong imahinasyon.
Enjoy reading 😘Maraming taong naniniwala sa mga signs,tadhana, itinakda o kung ano ano pa man na tungkol sa love.Tulad ni ast na naniniwala sa mga signs.Na kung matutupad ang mga signs na ginawa nya sa isang lalaki ay yun ang nakatadhana sa kanya.Ngunit sa tagal na paghihintay na matupad ang mga signs ay sinagot na lang nya ang manliligaw nyang si ron.Hatid sundo sya ni ron kahit magkaiba sila ng university. Sinusundo sya mula bahay hanggang sa university na pinapasukan nya.Napakaswerte nga raw ni ast dahil bihira na ang mga ganung lalaki sa panahon ngayon.Ngunit isang aksidente ang nangyari...... Nabangga si ast ng isang sasakyan.Agad na nagpunta si ron sa ospital kung saan naroon si ast.Habang hinahalungkat nya ang bag ni ast ay may nakita syang papel.Dala ng couriosity ay binasa nya yun.
5 random signs
1.aayusin ang magulo kong buhok.parang pag-ayos nya sa magulo kong pag-iisip.2.parehas kami ng kulay na damit.para bagay na bagay kami.
3.bibilhan ako ng napkin.yung pakiramdam na hindi ako ikinakahiya.
4.sabay kaming makakakita ng shooting star.tulad ng sabay naming pagtupad sa ming mga pangarap.
5.wala pa akong naiisip
Yan ang nakalagay sa papel na nakuha ni ron.Makalipas ang ilang araw ay gumaling na rin si ast.Katulad pa rin ng dati hatid sundo pa rin sya ni ron.Ngunit bukod pa dun ay napapansin ni ast na natutupad na ang mga signs na ginawa nya.Magmula ng lumabas sya ng ospital.Ngayon ay nasa isang event sila.May astrocamp sina ast sa university nina ron.Habang magkasama sila ay bigla silang nakakita ng shooting star.Sa gabing iyon ay napakasaya ni ast dahil natupad ang mga signs na ginawa nya.Ganun pa man ay sinabi ni ron na hindi talaga pagkakataon ang nangyari para matupad ang mga signs.Sya mismo ang gumawa ng paraan para matupad ang mga signs.Sa sinabing iyon ni ron kay ast ay lalo itong nakakapagpaiyak sa kanya dahil ganun sya kamahal ni ron para gawin ang bagay na iyon.Masasabi nga ni ast na tama nga ang sabi ng iba na ang swerte nya kay ron.Makalipas ang ilang araw, hindi nagpapakita ni nagpaparamdam si ron kay ast.Iniisip ni ast kung anong nagawa nyang mali. Hanggang sa tumawag kay ast ang mama ni ron sinabi nya na may sakit si ron. Nang malaman yun ni ast ay agad na pumunta sya sa ospital para bisitahin si ron. Nalaman nya na may sakit sa puso si ron at ngayon ay nacoma si ron ng isang linggo.Ngayon ay kinakausap nya si ron nagbabakasaling sumagot ito sa kanya na malabong nangyari. Bago lumabas sa kwarto si ast ay sinabi nya na"ang panglimang sign na hinihiling ko ay wag mo akong iwan kaya sana tuparin mo pls". Umiiyak na umalis si ast. Pero
HINDI NATUPAD ANG SIGN INIWAN NI RON SI AST....
Marahil ang lungkot ng ending pero na sa inyo ang desisyon kung gusto nyong magkaroon sila ng happy ending. Kung magkakaroon ito ng madaming votes at comments ay baka magawan ko ito ng magandang kwento at di lang one shot story , yun lang
Thank you sa pagbasa kung meron man😘😘😘
#team astron
Habang naghahanap ako ng maaaring pangalan ng characters ko ay nakita ko yung e-fan namin na may tatak na astron dun pumasok yung ideya na ast at ron