Tanging Hiling

39 2 1
                                    

May mga hiling tayo'ng hinangad.

May mga hiling tayong ginusto.

Hiling na ating kailangan.

At ang hiling na palagi natin ni-

Sana..

Minsan may mga hiling na hindi na tupad.

May mga hiling naman na nangyari.

May mga hiling rin na naibigay..

Kagaya ng aking Hiling..

Pinasalamat ko na nangyari, ngunit hindi ko naman alam na ito ang magiging kapalit ng aking hiling..

First year highschool pa lang ng makilala ko ang isang sikat sa aming school na si Raye Shin Tuazon.

Unang kita ko pa lang talaga sakanya ay hinangaan ko na siya.

Sa taglay niyang kagwapuhan, kagalingan sa pag babasketball at pag gigitara.

Sa tuwing makikita ko siya ay halos mabali na ang leeg ko kakahabol ng tingin sakanya, kung asan man siya.

Isa siya sa pinaka astig at malakas ang dating sa school namin. Varsity siya kaya halos kilala siya sa campus.

Sa sobrang lakas ng dating niya ay hindi na ako mag tataka kung bakit marami ang babaeng humahabol sakanya.

Kagaya ko?

Hindi niya ako na papansin pero kilala rin naman ako sa amin bilang isang member ng choir ng school namin.

Hanggang sa nag second year high school ako ay ni-lingunin manlang ay hindi niya pinahintulutan.

Minsan naiisip ko na, sa tagal tagal ko siyang pinag papantasyan at tinititigan ay hindi niya ba nahahalatang parati akong nakatingin sakanya?

Araw araw kong pinag darasal na sana ay kahit minsan ay tignan niya manlang ako kahit sandali.

Nang tumuntong ako ng third year high school ay tuloy parin ako sa pag papantasya sakanya.

Madalas akong dumadaan sa room nila upang masilayan siya.

May minsan pang, kahit may klase kami ay magpapasama pa ako sa aking kaklase na mag cr kahit ang daan ay sa kabila, mas pipilitin ko pang umikot at doon dumaan sa room nila para lang makita si Raye.

Isang araw ay ng magkaroon ng basketball practice sina Raye at ang iba niyang ka team. Nag sikap akong mag sulat sa cartolina upang ipakita ang aking suporta sakanya.

Kahit pinag papawisan na ako ay nagawa ko parin itaas ang hawak na cartolina na nag lalaman ng pangalan ni Raye.

"Go, Raye! Go! Go!" Tili ko habang nakatayo at winawagayway ang hawak kong puti'ng cartolina.

Pinagmasdan ko ang bawat pag takbo ng aking hinahangaan na si Raye.

Kahit basa na siya ng pawis ay ang gwapo niya parin.

Habang tumatakbo siya ay pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang basang buhok.

Halos ngumanga ako sa mangha ng kanyang taglay na kagwapuhan.

'Hay Raye.. Kailan mo kaya ako mapapansin?' Paulit ulit kong tanong sa pag asang balang araw ay lilingunin niya rin ako.

Maya maya pa ay nanlaki ang mata ko ng tumingin siya sa gawi namin at ngumiti. Halos mamula ako sa tamis ng kanyang mga ngiti.

Palihim kong tinakpan ang aking mukha gamit ang cartolina'ng hawak ko.

Hindi ko mapigilan kiligin. Sa kaunting kilos niya lang ay halos mangisay na ako.

Tanging Hiling (ONE SHOT)Where stories live. Discover now