Kiara's POV
"Lolo. Hindi pa po ba kayo babalik sa Europe?" I asked
Pang-apat na araw ko na sa hospital at gustong-gusto ko nang umuwi. Ang boring kasi dito.
Pagkagising ko ay nagulat ako nung makita ko si Lolo at si Luke, na kakakilala ko lang na siya ang nagligtas sa buhay ko
"Not right now Kiara. I need to make sure you are fully healed bago ako bumalik ng Europe" sabi ni Lolo habang nagbabasa ng dyaryo "Ang dami na talagang naghihirap sa Pilipinas"
I sighed "Paano ang office mo sa Europe, Lolo?"
Tumingin sakin si Lolo "It's fine. Wag mong alalahanin ang business ko, magpagaling ka muna for now"
"Gusto ko na hong umuwi sa bahay Lolo. Ayoko na dito. Bored na ako" reklamo ko
"Sabihin mo kung anong gusto mo. Palalagyan ko dito" sabi ni Lolo
Ito nanaman siya
"Lolo. I don't want anything.. I just want to go home"
I want to see Xeron
He let out a sigh "Fine. I'll talk to the doctor--"
"Ano yung naririnig kong uuwi na?" Nagtatakang tanong ni Denisse na kakapasok lang kasama ni Luke
"Yung pinsan mo gustong-gusto nang umuwi. I was thinking of talking to the doctor kung pwede nalang na mag house rest ang pinsan mo" kalmadong sabi ni Lolo
"You can't!" Nagulat ako sa biglang salita ni Denisse "I mean sabi ng doctor you have to be here in one week for observation"
"I want to go home Denisse" I demanded
"And you can't! Wag muna ngayon" naiinis niyang sabi
Ano bang problema niya?
Aawayin ko na sana siya kung hindi lang nagsalita si Luke
"How are you feeling now Kiara?" Tanong sakin ni Luke
Tumingin ako sa kanya at nginitian siya "Okay lang. Saan ka nga pala galing?"
"I came to help your cousin pick up your clothes" nakangiti niyang sagot
Haa... I miss home already
Ian's POV
"Excuse me? Captain Zac?"
Pumunta ako ngayon sa soccer team ng class namin. Sabi kasi nung doctor ni Kiara na bawal daw siyang mag gagagalaw kasi baka daw bumuka ang sugat niya kaya napagdesisyunan namin na wag nalang siyang pasalihin
Nagulat ako nung nakangiting humarap sakin ung Captain Zac, hindi ko pa kasi siya nakikita since na taga kabilang section siya.
Siya yung super gwapo na nakabangga ko kahapon? Basta siya yun!
"Oh hey penis girl" bati niya sakin
Penis girl? Gago to ah!
Tinadyakan ko siya at sinuntok "Hayop ka ah! Mukha ba akong may bayag?!"
Tumatawa siyang pinipigilan ako "Sorry. Binibiro lang naman kita eh. By the way what's your name?"
Bakit niya naman tatanungin yung pangalan ko? Sa tingin niya ba balak kong magpaka friendly sa kanya?
"I'm Ianna Silva" pagpapakilala ko "Wait wait! Bakit ba ako nag papakilala sayo?! Andito ako para sabihin sayo na hindi na makapaglaro si Kiara"

BINABASA MO ANG
Taming the Bad Boy Wolf
RomantikKiara Mistress, is a bipolar bitch and have never been felt loved before One night, she met a guy who is gang leader that has an extraordinary attitude, an attitude like a wolf Will she be able to tame the wolf and fell in love with him or be left...