Love is like your heart, it only beats for one

17 2 4
                                    

Nang hindi pa man kita nakikita'y may nararamdaman na
At hanggang ngayo'y nananatili pa
Ito nga ba'y totoong pag mamahal?
Dahil paniguradong hindi lang to isang kahibangan.

Kaya ko bang ipaglaban?
Ang aking nararamdaman
Sapagkat may iba kang minamahal
O mananatili nalamang nagtatago ng pagmamahal?

Ganito nga ba ang pag ibig?
Kahit pilitin ko mang iwasan ay mananaig
Kaya't ito ako ngayon nag mamahal ng walang paubaya
At handang handa nga ba magparaya?

Pag ibig! Kulang pa ba lahat ?
Hindi pa ba sapat?
Na ako'y nasasaktan na
At nahihirapan pa

Bakit kasi kailangan pang manaig ng pagmamahal kong ito
Kung maling oras at maling pag ibig pa naman rin lang to
Sana may tamang panahon nalang para dito
Nang hindi ako ngayo'y nagkakaganito

I love to be loved youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon