Wala namang kami, pero ramdam kong napaka-espesyal namin sa isa't-isa.
*****
Ako si Harriet.
May kaibigan ako at sapat na sa amin na mag-kasama kami lagi. Ayaw naming nalalayo sa isa't-isa. Hindi naman kami nag-aaminan pero parang may sariling boses ang mga puso namin na parang nagsasabi kung ano ang nararamdaman namin.
Mahal ko siya.
Mahal din niya ako. Alam ko kasi ramdam ko.
At alam ko din na higit pa sa pag-kakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya...sa bestfriend ko- si Joward."Bispren!"
Hindi pa man ako lumilingon, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun na tumatawag sa pangalan ko
"Oh bispren?" ika ko ng maramdaman kong nasa tapat ko na siya at sinabayan niya na ako sa paglalakad. Tinignan ko siya at tila ba napakalungkot ng mukha niya, "May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako saka ngumiti. Isang ngiti na tila ba may matinding kalungkutan na nakapaloob doon.
"Hep!" sabi ko saka ako pumunta sa harap niya at hinarang siya gamit ang mga kamay ko, "May problema ka bispren,"
Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti ulit. Ibinaba ko na ang mga kamay ko at sumimangot.
"Naglilihim ka ah. Alam ko may problema ka,"
Inalis niya na ang kamay niya sa ulo ko saka nag-salita, "A-aalis na ako bispren" malungkot na sabi niya.
"HA-HA-HA-HA. Ano ka ba? Malamang aalis ka na, aalis na tayo kasi uwian na," pinilit kong huwag isipin yung nabuong malungkot na ideya sa isipan ko ng sabihin niyang aalis na siya.
"Hindi. Ang ibig kong sabihin mawawala na ako sa tabi mo,"
"Ano ka ba? Syempre uuwi na tayo mamaya sa mga bahay natin kaya malamang mawawala ka sa tabi ko," sabi ko at pinipilit na tumawa.
Ayokong mag-isip ng kung ano. Baka mamaya mali pala hinala ko.
Napakamot siya sa ulo, "Bispren hindi iyon ang ibig kong sabihin. Aalis na talaga ako dito"
"Hay naku bispren! Aalis na nga talaga tayo dito sa school kasi mag-sasara na yung gate"
"Harriet," seryoso niyang sabi.
Pag-kabigkas pa lang niya ng pangalan ko napatigil na ako. The moment kasi na binanggit niya na yung name ko, alam kong seryoso na siya at ayaw niya ng makipag-biruan.
"Makinig ka sa akin..."
Hindi pa man siya natatapos mag-salita ay niyakap ko na siya ng mahigpit. Napapikit ako kasi alam kong mamaya lang ay may mamumuo ng likido sa mga mata ko.
Aalis na ba siya?
Ayoko sana talagang mag-isip ng kung ano, pero the more na idini-deny ko sa sarili ko ang nararamdaman kong katotohanan sa sinasabi ni Joward ay the more naman akong nasasaktan.
"Huwag mo munang sasabihin yung dapat mong sabihin, ha? Iiyak kasi ako bispren" mahina kong sabi.
Dahan-dahan niyang hinagod ang likuran ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong may namuo ng tubig sa mga mata ko at nagbabadya na itong tumulo. Ng diinan ko pa ang pagkapikit sa mga mata ko, agad ng tumulo ang mga luha mula dito.
Kumalas si Joward mula sa pagkakayakap sa akin at saka hinawakan ang parehong pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya saka ngumiti sa akin.
"Ang ganda mo pa rin bispren kahit umiiyak ka," wika nito.
"Iiyak na lang ako lagi para magandahan ka pa sa akin at para hindi ka na umalis" umiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
I wish I've never Been Fall Inlove
Short StoryFalling inlove with my bestfriend is the worst thing I have ever experienced.