1: Hinala
Hiling.
Sino bang tao ang hindi humihiling?
Definitely not me. Sa dinami-rami ba naman ng hinihiling ko araw-araw.
"Psst, Viv!" Bulong sa akin ng babaeng kaklase ko na nakaupo sa likuran ko. And no, hindi lang siya basta kaklase ko. Dahil siya lang din naman ang matalik kong kaibigan—si Penelope.
"Ano?" May inis kong tugon sa kanya.
"Anong ano?!" Pigil niyang sigaw. Hindi pa siya puwedeng magwala, e. Nasa harapan pa kasi ang last-prof-of-the-day namin at may pinagkakaabalahan lang itong ayusin sa desk habang nakatalikod sa amin. "Kutusan kita diyan!"
Natawa ako. Almost every day scene namin itong magkaibigan. 'Yung tatarayan ko siya at siya naman ay maha-high blood kuno sa akin.
"Oo nga pala, bakit pa ba kita tinatanong ng ano?" Sabi ko. "E, sigurado naman. Magyayaya ka lang ulit kumain para mag-celebrate."
Celebrate talaga. Dahil ngayong araw lang ay nakumpirma ko ang katuparan ng isa sa mga naging hiling ko nitong nakaraan—ang makaraos ako sa prelims namin!
Nginitian ako ni Penelope nang nakakaloko. "Of course! So alam na? Mamaya, ha!"
"Tss. 'No pa nga ba?"
Siya naman ang natawa, bago umayos ng upo. At ang loka, tinadyakan pa ang upuan ko! Parang gusto ko tuloy siyang gantihan ng tadyak. Siguro mamaya, pagkalabas ng prof namin.
Kami ni Penelope, ganito ang pagkakaibigan namin. Nagbabarahan, nagsasagutan, pero hindi sa paraang aabot kami sa pikunan kagaya na lang ng inaakala ng ibang tao na nakakarinig at nakakakita sa amin.
Nung umpisa, hindi naman kami ganito ni Penelope. Grade four pa lang kami noon at pormal pa ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pero nung tumagal na nang tumagal ang pagkakaibigan namin—tada! Naging ganito na kami.
"Hoy, Genevieve!" Tawag ni Penelope sa buo kong pangalan. Nakapamewang siya sa harapan ko habang nakaupo pa ako sa seat ko at abala sa pag-aayos ng gamit sa bag ko. "Dalian mo naman, aba! Gutom na ako!"
"Sandali lang, 'te! Maka-madali ka naman diyan! Mauna ka na, gusto mo?"
"Mauna na ako? Hindi 'yon puwede 'no! Ang bata ko pa! Ikaw na lang mauna, gusto mo?"
"Buwiset ka!" Hindi ko na napigilang matawa. "Hay, nako. Tara na nga!"
Bara-bara ko na lang pinasok sa bag ko ang lahat ng gamit ko para lang makatayo na ako at makaalis na kami rito sa classroom namin. Kating-kati na 'tong kasama ko na umalis, e.
Parang bata lang din minsan itong si Penelope. Wagas makayakap sa braso ko nung naglalakad na kami. Ang sarap niya lang itulak. Pero siyempre, biro lang 'yon. At hindi ko man sinasabi sa kanya, I always wish na sana, hindi masira ang pagkakaibigan namin kahit na kailan.
Mula sa university na pinapasukan namin, dumaan kami sa madalas naming kainan hindi lang sa tuwing nakakapasa kami sa mga exams kundi pati na rin sa tuwing trip naming mag-pig out dahil sa stress sa pag-aaral.
"Amp—tigilan mo 'yan, Viv!" Hinawakan ni Penelope ang kamay kong pinanghahaplos ko sa tiyan ng rebulto ni Jollibee. "Lagi mo na lang ginagawa 'yan, tapos naka-evil smile ka pa! Hindi mo ba alam na ang abnormal mo tingnan 'pag ganon?"
"He-he." Nginitian ko lang siya. E, habit ko na kasi 'yon. 'Yung kada mapapalapit ako sa rebulto ni Jollibee, hahaplusin ko 'yon. Ang bilog-bilog at ang laki kasi. Nakakagigil. Para pang may lucky vibes pang bigay.
![](https://img.wattpad.com/cover/82043822-288-k217291.jpg)
BINABASA MO ANG
I wish...
Short Story(#Wattys2016 & #JollibeeRomance entry) Sino bang tao ang hindi humihiling? Definitely not me. -Viv • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟲 •