Patawad dahil mahal pa din kita.
Patawad kung hanggang ngayon ikaw pa din. Patawad dahil nandito ka pa din sa puso ko.Kasama ang mga pangako natin sa isa't isa. Ang mga kasunduang tayo hanggang huli. Pangarap na binuo natin at sabay sana natin tutupadin. Patawad kung hanggang ngayon hindi pa din ako makaalis dito sa sakit na iniwan mo.Oo mahal kita! Mahal na mahal na mahal na mahal kita. At oo masakit! Ang iwan mo ako ng ganon ganon na lang. Hindi ko alam kung paano o ano o saan at bakit. Ano ang pagkukulang ko! Ibinigay ko ang lahat lahat pero bakit? Hindi ko alam kung paano babangon sa lahat ng biglaan pangyayari.
Hindi ko alam kung paano o kailan ako magsisimula muli. Ang hirap baguhin ng kinasanayan. Ang sakit isipin na nagdurusa ako at ikaw ay nagpapakasaya, masaya!
Limang taon, limang taon! Hahantong lang sa dalwang salita. "NAKAKAPAGOD NA" hindi ko alam kung bakit at paano. :(
Saan ako nagkulang? ;'(In the 5 years of our relationship i can prove that it was too perfect. Yes there are times na nag aaway tayo at alam kong natural lang yon sa magka relasyon. May mga bagay tayong hindi napapagkasunduan. Simpleng pagseselos at aminin natin o hindi pareho tayong clingy! Under natin ang isa't isa. May mga araw na kapag naglalakad tayo sa mall e may makikita ako magandang babae at seksi kung manamit. Ituturo ko yun sayo para may mapagselosan ako tapos aawayin kita. Pero sa mga araw na ginagawa ko yon ni minsan hindi ka tumingin. Napakasarap sa pakiramdam ng isang babae ang ipakita ng isang lalaki ang pagiging loyal nya. Hahalikan mo lang ako sa buhok malapit sa taas ng tenga sabay sabing "ang hilig mong ituro ang sarili mo no!" At kikiligin na naman ako. Ang sarap alalahanin ng mga sandaling yon lasang umaasa na babalik ka:'(
Umaasa pa din ako!....
Umaasa ako na isang araw manunumbalik lahat.
Na gigising ako sa umaga at makakabasa ng simpleng mensahe galing sayo.Good morning to the most beautiful in the world! I love you babe💙
Susunduin mo ako sa harap ng bahay para pumasok sa eskwela. Hindi ka napapagod magbalik balik sa room ko makasiguro na okay lang ako. Na walang lalaking umaaligid sa akin. Natatakot kang mawala ako sa patingin mo.
Sabay tayo twing recess at lunch. Minsan dinadalhan mo pa ako ng meryenda kapag wala na akong time makabili. Hassle ang pagbili ng pagkain sa canteen kung 10 minutes break lang. Masyado akong tamad.Sabay tayong uuwi galing eskwela. Nahihiya na ko minsan sa driver nyo na alam kong wala ka namang pakialam sakanya. Masyado din akong nakakaaksya sa gasolina kase magkaiba naman tayo ng address na tinatahak. Ang sarap alalahanin ang mga oras na yon. Umaasa na naman ako:'(
Umaasa ako babalik kang muli..
Umaasa ako sa dadating na bwan may sorpresang naghihintay sa akin galing sayo. Maaga para sa anim na taon natin SANA. Kung ipinag patuloy kaya natin yon siguro ikakasal na tayo. Ayoko mag assume, pero oo aaminin ko sa limang taon natin. Isang sorpresa lang ang hinihintay ko.
Ang yayain mo ko ng kasal. At sa bawat paghihintay kong yon nasasaktan lang ako.
Bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Sa pagkakaalam ko kasama yon sa ating mga kasunduan. Siguro hindi ko deserve ang maging wife to be mo. Hindi ko deserve ang alagaan ka at ang pamilyang bubuoin natin. Pagmamahal lang ang kaya kong ibigay. Yon lang ang alam mong kaya ko.:'(
