The Meeting

12 1 0
                                    

Love Is all about waiting & patience,dahil kung wala ka nito ay hindi mo pahahalagahan ang taong mahal mo,nagkaroon kana ba ng first love? yung tipong araw - araw mo syang iniisip at wala ka ng oras para sa sarili mo,dahil puro nalang sya ang priority mo?

Minsan tinatanong ko saaking sarili ang mga tanong na "Bakit kaya kita nagustuhan? Ano bang meron ka na wala sa Iba ? Bakit sobrang Importante ka sakin? yan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isip sa tuwing nakikita ko sya dahil sino ba naman ang hindi mabibighani sa lalaking gwapo,matangkad,maputi,mabait,gentleman at higit sa lahat maka diyos,dahil sa mga panahon ngayon wala ng masyadong ganyan ang katangian na hinahanap ko sa isang lalaki, yung tipong palagi syang concern sayo kahit na hindi naman kayo,dito natin malalaman kung anong mangyayari kapag niligawan nya ako at kung sasagutin ko ba sya o hindi.

Ako nga pala si Kate,17 years old,nakatira ako dito sa manila at 3 kaming magkakapatid ako yung panganay, ang pangalawa ay si Nicole , 16 years old at ang bunso naman ay si Joy , 15 years old nag aaral kami sa UST , ng Isang araw papasok na kami sa school sa sobrang dami naming bitbit na libro nahulog Ito at may isang lalaking tumulong samin dahil nahulog ang dala - dala naming mga libro , at ng maibigay na niya sakin ang libro nagpasalamat ako sa kanya at dun na nag simula ang paghulog ng loob ko sa kanya dahil sa kabaitang ipinakita nya saamin , Kung tawagin ay Love at first sight.

Pagkatapos nun nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at pumunta na sa kanya - kanya naming room , Papasok na sana ako sa room ng makita ko ulit sya nagmamadali pumasok sa room na kung saan ay dun din ang aking punta na nagkataon pang naging classmate ko sya at ang pinaka masaya pa dun ay araw - araw ko na syang makakausap , hindi ko akalaing magiging magkaklase kami at dito na nagsimula ang aming pagkakakilanlan sa Isa't-Isa.

July 16, 2015 - Unang pakikita namin sa school , nung nabighani ako sa kanya dahil sa kabutihang ginawa nya dahil sa panahong ito bibihira lang ang may lalaking gentleman , so ayun na nga back to the topic , nakita ko sya na pumasok sa room na kung saan dun din ako pupunta at nung nakapasok na ako nag tanong ako sa isa sa mga classmate namin na classmate ko na dati pa si Maria , sabi ko sa kanya "Uy , Anong pangalan nung guy na bagong pasok dito ?." sabi naman nya " Huh ? sino yung lalaking yun ? sabay turo dun sa lalaking na love at first sight ako , "Oo yun nga ! Wag mo ng Ituro nakakahiya !." sabi naman nya " Ahh , Ayan si Jacob taga jan lang yan nakatira malapit samin ." sabi ko naman " Ayy , weeh ? Hahaha (pabirong sabi ko) May kapatid ba sya ? sabi ko "Wala , only child lang sya tapos yung parents nya may business yung restaurant malapit din yun samin ehh." sagot ko naman sa kanya " Ay , so mayaman pala talaga sila noh ? Sige , puntahan natin yan mamaya ahh ." Sabi ko sa kanya "Ikaw bahala ."

After Class " Uy , ano na ? Tra puntahan na natin restaurant nila." Sabi naman nya " Sige , Ito na wait lng." Agad -agad kaming nagpunta sa restaurant nila para makita kung anong itsura nito at kung nandun ba sya o hindi , Pagpasok namin sa restaurant bumungad agad samin ang mga pagkaing sobrang dami na hindi mo akalaing nagkasya yun sa restaurant nila sa sobrang dami hindi mo na alam kung anong gusto mong kainin dahil sa sobrang sarap nito kapag ito'y natikman mo , Habang tumitingin kami ng pagkain nakita namin si Jacob na may kausap na babae , na parang nagtatalo sila , agad namin itong pinakinggan , sabi ni Jacob "Bakit ayaw mo na sakin ? Nagkulang ba ako sayo ? sabi naman nung girl " Hindi , basta ayoko na sayo , kase nagbago kana hindi kana yung tulad ng dating jacob na nakilala ko." sagot naman ni jacob " Anong nagbago sabihin mo sakin para malaman ko , please wag mo akong iwan ng ganito , mahal kita alam mo yan." sabi naman nung girl " Ayoko na nga sayo diba hindi mo ba ako naiintindihan ?." sabay umalis na yung girl , habang si jacob naman ay umiiyak , kaya naman dali - dali na kaming umalis ng sagayon ay hindi na kami makita ni jacob.

Pag - uwi sa bahay,Iniisip ko parin kung bakit nakipag - break yung girlfriend ni jacob , kaya naman kinabukasan kinausap ko siya , sabi ko sa kanya " Hi Jacob ! Ako nga pala si Kate." sabi naman niya sakin "Hi , pano mo pala ako nakilala ?." sagot ko naman sa kanya "Ako yung tinulungan mo nung Isang araw dahil nahulog yung mga books na hawak ko." sabi naman niya "Ahh , Ikaw pala yun ? Hahaha , ang galing naman naging magkaklase pa tayong dalawa."(pabirong sabi niya sakin) sagot ko naman sa kanya "Oo nga ehh , Alam mo nakita kase kita nung Isang araw dun sa restaurant malapit sa bahay ni Maria , May kausap ka na girl tapos parang nagtatalo kayong dalawa." sabi naman nya sakin "Ayy , nandun ka pala ?! Restaurant namin yun , tapos yung girl na kausap ko ay si Ericka , girlfriend ko yun , 5 years na kami kaso nagsawa na siguro sya saakin kaya nya ako iniwan nung araw na yun." (malungkot na sabi nya sakin) sagot ko naman "Ayy , sorry kung pinaalala ko pa sayo , pasensya kana kase naconscious lang ako kung bakit ka umiyak nun , pero bakit pala kayo nagbreak ?sabi naman niya "Ewan ko ba sa kanya kung anong rason niya kung bakit niya ako iniwan ?! Hindi ko pa nga rin alam ang rason eh , pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang sakanya kahit kelan." sagot ko naman "Ahh , so hanggang ngayon pala hindi mo parin alam yung rason kung bakit ka nya iniwan ?! sabi naman niya "Oo eh , kase ang gulo ng mga pangyayari lately , hindi na kase kami nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay , kaya siguro sumuko na sya sakin." sagot ko naman "Nag-usap naba kayo pagkatapos nun?." sabi naman niya "Hindi pa ehh , kase masyado pang sariwa yung mga nangyari samin nung araw na yun , kaya hindi ko muna siya kayang kausapin hanggang ngayon kase masakit parin sa loob ko kung bakit nya ako iniwan ng ganon nalang , hanggang ngayon nga iniisip ko parin siya kung anong ginangawa niya ngayon , kung okey lang ba siya ?!.Hindi ko na alam ang gagawin ko , kase hindi ko na siya maintindihan ehh." sagot ko naman sa kanya "Ahh , ganun ba ?! Kaya mo yan basta andito lang ako para tumulong sayo kung gusto mo na siyang kausapin o hindi." sabi naman niya sakin "Salamat ! Hahaha , nagkaroon kana ba ng boyfriend ?! (sabay tanong sakin ng walang pakundangan) sagot ko naman sa kanya "Huh ?! Hindi pa ehh , NBSB nga ako ehh , kase ayaw pa ng parents ko study first daw muna , hahaha , pero tama naman sila dun." Sabi naman niya "Ayy , weeh ? Hindi ka pa nagkakaboyfriend ? sa ganda mong yan ?! (pabirong sabi nya sakin) Alam mo maganda ka , matalino , mabait at masaya kasama , for sure maraming nangliligaw sayo noh ?! sagot ko naman "Hindi naman , onti lang pero hindi ko sinasagot kase nga bawal pa akong magkaboyfriend." sabi naman niya "Ahh , hahahaha , ganun ba ?! Sige , bukas nalang ulit tayo mag - usap , Bye ! :) , sagot ko naman sa kanya "Sige , bye din :)." At pagkatapos ng aming pag - uusap ay dun ko narealize na may mga bagay sa mundo na hindi permanente parang relasyon , hindi purkit masaya na sa una ang inyong pagsasama ay tuloy-tuloy na , may mga oras ding bagot na bagot kana sa kanya.



My First LoveWhere stories live. Discover now