YA (One Shot)

1.5K 56 0
                                    

🖤

I drowned myself in thoughts and memories from the past nung na stuck ako nang matagal sa traffic sa kahabaan ng Edsa.

Napatingin ako sa rear passenger side at akikita ko sa reflection ng salamin ang plain black shirt at denim cap na suot ko dahil sa tirik ng araw na tumatama sa salamin ng kotse ko.

A few moments later napatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone sa dashboard kaya agad kong kinuha para sagutin ito.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig na sinabi ng aking assistant sa office. 'Yung company kasi namin 'yung nagmamanage sa mga Influencer sa mga brands nila at kami 'yung bahala ng content na gagawin nila.

"Mamaya ko na pipirmahan at may dadaanan lang ako dito sa BGC," sabi ko at mabilis na pinaharurot ang kotse ng umusad ang traffic.

"Remind ko po ulit kayo before ibaba ang call na may meeting kayo later with the influencer."

Napahinga ako nang malalim.

"Copy. Mabilis lang din naman ako here." sabi ko at agad na binaba ang tawag.

Minsan hindi mo na rin alam kung ano ang uunahin sa buhay. Hindi sapat yung isang araw para matapos lahat. 'Yung kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo kahit minsan lang, pero kukulangin pa talaga.

Pero this time need ko na talaga dahil urgent ang araw na 'to sa buhay ko.

Pinagmasdan ko saglit ang bouquet of flowers na binili ko dahilan para mapangiti ako.

Nang makarating na ako inayos ko agad ang sarili ko at dala ang mga gamit ko bago tumungo sa loob ng restaurant.

"Hello sir." bungad sakin. "Any reservations?"

Agad kong pinakita sa kanya ang cellphone ko kung saan may code dun for reservation kaya mabilis nitong ini-scan.

"Face shield po sir ah. This way sir."

Isang taon at mahigit na rin kasi akong hindi nakakapunta dito dahil palaging busy sa work at overtime pa palagi kaya naninibago ako dahil malaki ang binago ng structure ng restaurant.

May malaking "Mang Juan" na logo sa bawat sulok ng building. Mabango ang naamoy ko dahil open ang kanilang kitchen.

Nang makarating na kami sa second floor agad akong tinuro ng crew sa pina reserve kong pwesto dahil dun ang pinakapaborito kong ambiance dahil tanaw ang magandang garden sa labas.

"Thank you," hayag ko bago binaba ang mga dala kong gamit bago umupo sa malambot na upuan.

Mabilis kong nilabas doon ang laptop na dala ko, bago iyon nilagay sa table.

Kailangan ko pang ipasa ang email kay madame Silva para matignan ang available na schedule for the contract singing sa isang influencer next week.

Lumingon ako sa mga tao sa paligid. Katapat ng table ko sa kaliwa, mag asawa. Sa kanan naman, jowa. Sa unahan naman, magbabarkada.


"Unli-rice please!"


Napabuntong hininga ako at binaling ang mata sa monitor ng laptop. Nakaka-miss talaga 'yung panahon na normal pa ang lahat.

Tuwing holidays na lang at speacial occasions na lang kami nagkikita ng mga kaibigan ko dahil limited pa rin at hindi pa ganun ka okay ang situation.

Year Ago (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon