Racel POV
Alas dos palang ng madaling araw palang pero gising pa rin ako.Ewan ko,di ako makatulog.Di mawala sa isipan ko yung pag aaway nila Mommy at Daddy. Palagi naman silang nag aaway eh yung mas worst pa kanina pero kasi palagi nalang.Para silang aso't pusa,araw araw nag aaway.
*Flashback*
Nagising ako kasi parang may nabasag sa ibaba.Sa sala.Bumangon ako at umupo sa kama ko.Ano kaya ang nangyayari?
*BOOOGSH*
Aist! Parang alam ko na ang nangyayari sa ibaba.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad papunta sa baba.Nasa hagdan palang ako ng narinig ko ang sigawan nila mommy at daddy.
"Aba't akala mo kung sino kang gwapo?! Hayop ka! Magsama kayo ng babae mo!!!" sigaw ni mommy
"Gwapo naman talaga ako ah! Kaya ka nga nainlove sa kin diba?!"mahinahong sabi ni daddy
"Aba! Hoy hayop ka! Hindi ako nainlove sayo! Akala mo mahal kita? Pwes nagkakamali ka! Hindi ko ginusto na magpakasal sayo,si Daddy ang may gusto nito hindi ako," sigaw ulit ni mama
Natahimik saglit si Daddy,pero agad ding nagsalita.Ngumiti siya. Yung ngiting nakakaloko.
"Talaga lang ah? Eh bakit pa tayo nag aaway? Dahil nagseselos ka or maybe galit ka kasi may ibang babae ako diba?" Mahinahon paring sabi ni daddy.
"Huh?! Asa naman na magseselos ako. Ang akin lang naman! May tatlo kang anak,imbis na yang babae ang atupagin mo bat di yung tatlong anak mo ang atupagin mo!" Sigaw ni mommy
Hindi ko na kinaya,umalis na ako dun,bumalik ako sa kwarto ko.
*Flashback end*
Hindi ko namalayan,umaga na pala. Tiningnan ko ang wall clock kung Exo. 6:03 na pala. Tumayo na ako at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos kung gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako.
Pagdating ko sa dining area ay nandon na si Ate Wayne, Kuya Kier,Mommy at Daddy. Umupo ako sa tabi ni kuya.
At nagsimulang kumain.Tahimik kaming kumain.Walang nagsasalita.Well,di na ko magtataka.Ganito naman araw araw eh.Nang natapos na akong kumain ay tumayo na ako at lumabas ng bahay.Paglabas ko ay naghanap agad ako nang taxi. Nung may nakita akong taxi ay sumakay na ako papuntang school.
-St. Mary's Academy-
Nandito na ako sa lobby. -_- Ganyan yung mukha ko.
Hinanap ko ang bestfriends ko. Pumunta ako sa quadrangle at nakita silang dalawa dun. Dalawa lang talaga bestfriend ko. Si Sophia at Jaztin. Babae at lalaki ang bestfriend ko.
Nung nakita nila ako ay lumapit sila sa akin."Oh anyare sa mukha mo?" Tanong ni Sophia
"Bakit? Naging Maganda to Dyosa ba?" Pabalik kung tanong sa kanya
"Wooah! Ang hangin mo cel.Ang pangit mo kaya."react ni Jaztin
"Kung pangit ako,edi pangit na rin kayong dalawa?! Damay damay nato. Mag bestfriend tayo eh.We are ONE." sabi ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
"Uy grabe ka! Ang ganda ko kaya! Hindi ko nga alam kung bakit ko kayo naging kaibigan eh? Ang papangit niyo naman!" Biro ni Sophia
"Aba! Ang harsh mo piang(pyang)," sabi ko.
"Aba da-" di na natuloy ni Sophia ang pagsasalita nang nag bell na. Sabay na kaming tatlo na pumasok sa classroom.
Pagdating namin sa room ay umupo na agad kami sa upuan namin. Magkakatabi lang kaming tatlo. Si Sophia sa kaliwa ko at si Jaztin naman sa kanan ko.By the way, I'm Racel Alessandra Dizon, a Grade 10 student.
YOU ARE READING
Single na nga! Tanga pa!
RandomIsang babaeng walang direction ang buhay.Bad Girl siya kumbaga.Ngunit nang nagmahal siya bigla siyang nagbago.People Change 'KUNO' ang peg niya. Naging magkaibigan sila nung taong mahal niya hanggang sa naging MU sila pero dumating araw na dahil din...