Bakit nga ba tayo pumapasok sa school?
Para matuto o para makipagkaibigan?
Para grumaduate o para makahanap ng mahal o crush?
School.... Ang tinuturing kong second home. Dito makikita ang iba't-ibang tao... Iba iba din ang ugali.
Merong tahimik, nerd, siga, romantic, comedian, seryoso at marami pa... Dito ko rin makikita ang tinuturing kong pangalwang magulang, ang mga teachers. Nandito rin ang mga kaibigan na parang mga kapatid ko na rin.
Ako nga pala si Justine Rian C. Castillo a.k.a Tatin. Isang Grade-6 student.
Marami tayong mararanasan sa eskwelahan... Dito tayo magmamature, magmamahal, syempre matututo. Dito rin tayo pwedeng maging palakaibigan.
Pero, ano nga ba ang eskwelahan para sa akin? Ano nga ba ito sa buhay ko? Hmmmm?