Pagkadating ko sa bahay agad akong nagbukas ng facebook at nakitang open si crush.
"Ma-chat nga"
So ayun, chinat ko siya. Nagreply naman sya... Tapos tinanong ka-agad kung sinong crush niya. Nung una ayaw pa niyang aminin. Pero di nag tagal inamin na rin niya. Nagulat nga ako dun sa inamin nya ehh...
Sabihin ba namang ako daw yung crush niya. Syempre as usual tuwang tuwa naman ako... Tapos sinabi ko rin sa kanya na crush ko sya. Naging mag-textmate kami. Hanggang dumatin na ang araw ng lunes... Pasukan na naman. Nang makita ko siya sa school may pahiya effect pa ako at iwas tingin pa...
Di rin nagtagal unting unti na rin kami nagkakapansinan. Hanggang sa lagi na kaming nagtititigan. Tinutulungan ko nga rin siya kapag nagwawalis siya. Lagi rin kaming mag-katext. Di nagtagal at may madaldal na nagkalat na crush ko sya! Nakaka-asar talaga yung mga taong ganun! Pipilitin kang sabihin mga secreto mo at may mga pasumpa sumpa cross my heart na nalalaman pa ipagkakalat din naman pala! Tapos nakikita pala ng teacher namin na nagkakatitigan kami lagi. Sinabi ng sir namin bago siya lumabas ng room:
"Mamaya ay magtititigan naman!"
Ang gulat ko nga noon ehh... Terror pa naman yung sir namin na yun! Hayy puro na ata tungkol sa lovelife ko ang tinatype ko ehh... Buhay barkada naman!
"Buhay barkada"? Etoo... Masaya... Sarap nilang kasama ehh... I-memention ko na names nyo ha!