MUTUAL UNDERSTANDING --

336 8 2
                                    

Masarap magmahal, lalo na kung mahal ka rin ng taong minamahal mo. Pero masakit rin pala. Dahil, kahit anong oras, yung taong minamahal mo, PWEDENG MAWALA. Kasi wala namang kayo. Wala kayong commitment. 

MUTUAL UNDERSTANDING. Ang gaan at ang sarap kaya sa feeling nung may minamahal ka at may nagmamahal sayo. Ang sarap sa pakiramdam nung may nagsasabi sayong "Mahal Kita", "Ingat ka", "I miss you", "Kumain ka na ba?" at marami pang iba. Yung ang sweet-sweet nyo sa isa't-isa. Yung parang kayo pero hindi kayo. Yung taong laging nandiyan para protektahan ka, ipagtanggol ka, at yung taong mamahalin ka. Siya yung taong mangangakong hihintayin ka at aalagaan ka pagdating ng araw na kayo na. Kayo yung tipo ng mga tao na pinag-uusapan ang future nyo. Kayo yung maghapong magkatawagan at magkatext. Pero, masakit rin pala. Bawal ka magselos, bawal kang magalit. Dahil nga walang kayo. WALA. WALA. WALA.

If, nakarelate ka, I'm sure na this story fits for you. 

--

Ako si Christine Linsangan. 18 years old. MAGANDA, MABAIT, MATALINO, MAPUTI, MAPAGPASENSYA, at MAPAGMAHAL. Mahilig akong magbasa ng mga love stories. Hobby ko na ang pagbabasa ng Wattpad kapag bored ako. Pinakagusto ko talaga ang 'GIRLFRIEND FOR HIRE' sa lahat ng mga nabasa ko. Story nila Nami at Bryle. Naiisip ko tuloy kung magkakaroon din kaya ako ng love story ng gaya ng sakanila. Hay. Nakakainggit talaga. Tapos, sa tuwing manonood ako ng mga palabas ng KathNiel gaya ng Got to Believe, mas lalo tuloy akong naiinggit. 

UNTIL...

Makita ko ang lalaking talagang para saakin. Siya si Adrean Fernando. 19 years old. MAPUTI, MABAIT, MAPAGPASENSYA, MATALINO, HINDI MAYABANG, MAASIKASO, POGI, at MAPAGMAHAL etc. Sya na ang ideal man ng parents ko. 16 y/o na ako ng makilala ko sya. We've been good friends. Kami yung laging magkasama. Anytime, anywhere. 

Akala namin, hanggang BESTFRIENDS lang kami. Hindi pala. Noon kasi, may iba siyang gusto. Si Grace Vejo. Gustong-gusto nya talaga as in. Pero ang hndi nya alam, GINAGAMIT lang sya ni Grace. Kumbaga, PINAGLARUAN at NILOKO lang sya. Pero kung ako sya, HNDI ko yun gagawin. Mamahalin ko sya.

Akala ko, loving him will never happen. Hndi pala. I still have the chance.

NAGUSTUHAN AKO NI ADREAN.

NAGUSTUHAN KO DIN SYA.

Noong una, niligawan nya ako. Pero hndi ko sya sinagot. Kasi nga, Hndi pa ako handa.

Noong una niyang bitawan ang mga katagang 'I LOVE YOU', Hndi ko nagawang ibalik sakanya. Pero mahal ko na sya nun. 

Ilang beses na nya akong sinabihan ng 'I LOVE YOU' Pero ako? NO RESPONSE.

Months passed.

I realized na, pwede ko siyang mahalin. Pero hindi magiging kami. I realized na, pwede kong ibalik saknya ang 'I LOVE YOU' nya. Kasi ayokong magsisi sa huli. Ayokong maiwanan. Eto na yung chance eh. Eto na yun. Ayoko na siyang pakawalan. KASI MAHAL KO NA SYA. 

Nung mag- I love you ulit sya saakin, IBINALIK ko na to saknya. Sobrang saya ko talaga nun. SOBRAAAAA. I was gonna burst. That day was the day ng magsalitan na kami ng I LOVE YOU. Ang gaan sa pakiramdam.

INGAT KA, MWAH, I MISS YOU, at MAHAL KITA. Those words! Grabe talaga. Ang sarap sa pakiramdam.

MUTUAL UNDERSTANDING --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon