Isa sa pinaka iinisan kong season dito sa Pilipinas ay kapag tag-ulan, sobrang hustle para sakin lalo na at tamad akong magdala ng payong at andyan ang sapatos na laging nababasa.
Ganoon karin, ayaw sa ulan, tamad magdala ng payong. Kaya nandito nanaman tayo sa waiting shed, naghihintay na tumila ang ulan.
Halos lahat na ng estudyante sa school natin, naka uwi na. Tayo na lang ang hindi.
"Tayo na lang ang natitira. " Sabi mo sakin.
"Eh, pano katamaran magdala ng payong." Sabi ko sayo na ikinatawa mo.
"Pampabigat kasi ng bag." Yan ang lagi mong rason sakin na lagi ko namang sina-sang ayunan dahil ganun rin ako.
Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala.
Umuulan nanaman, nakita kita sa waiting shed. At dahil may payong ako, dinaanan lang kita.
Pero laking gulat ko nung bigla kang nakipayong sakin.
"Miss, papayong naman oh." Sinabayan pa ng breathe taking na ngiti mo.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, eh paano kasi yung crush ko, kaharap ko na ng malapitan.
"Miss, okay ka lang?" Untag mo sakin. Nakakahiya at natulala pa ako sayo. Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sabay tayong naglakad sa gitna ng malakas na ulan na sobrang magkalapit dahil sa payong ko. Isa na ata yun sa mga pinakamasayang nangyare sa buhay ko.
Kasama ko sa silong ng iisang payong ang matagal ko ng crush. Pero, natigil ang masasayang oras ko nung nagpaalam ka na dahil magkaiba ang daan nating dalawa. Nagpasalamat ka at inaalam mo ang pangalan ko. For the first time, nagpasalamat ako sa ulan at sa payong ko.
Natigil ako sa pagre-reminisce ng tinawag mo ako.
"Trisha! Tara na, humina na yung ulan." At yun na nga ang ginawa ko, sumunod ako sayo.
Simula nung nagyare yun, lagi ko ng dinadala yung payong ko baka sakaling makipayong ka ulit. Pero, bigla akong tumigil sa pagdala ng payong.
Bakit ko nga ba tinigil na magdala nun? Nakita kasi kitang nakipayong sa sinasabi nilang girlfriend mo. Nagselos ako sa pangyayareng yon. Mababa man para sa iba pero para sakin hindi lang basta basta yun. Tulad mo, naging tambay narin ako ng waiting shed.
Sa lagi lagi nating pagtambay sa waiting shed, naging close tayo ng hindi inaasahan. Basta nagsimula to nung sinabi nating ayaw natin sa ulan, doon ko rin nalaman na pinsan mo pala yung sinasabi nilang girlfriend mo, pero kahit ganun, hindi parin ako nagdadala ng payong mas gusto kasi kitang makasama sa waiting shed kesa sa ilalim ng payong.
Naglalakad na tayo pauwi, nung bigla kang nagpaalam, hindi ko namalayan na nasa kanto niyo na pala tayo.
Naglakad na ako pauwi nung bigla nanamang lumakas yung ulan.
"Bwiset!" Wala pa man ding masisilungan dito. Okay lang naman sakin mabasa kaso nga lang yung mga gamit ko. Hirap magpatuyo.
Tatakbo na sana ako nung bigla may nakita akong payong sa itaas ko, pagtingin ko ikaw ang nakahawak.
"P-paanong..?" yun lang ang nasabi ko sayo. Paanong nagkaroon ka ng payong? Eh sa pagkakaalam ko, malayo pa ang bahay niyo.
Pero imbes na sagutin mo ako, nginitian mo lang ako at iginaya na ako sa paglalakad. HInihintay kitang magkwento pero wala akong mahintay.
"Paa-" Inilapat mo ang yung hintuturo sa labi ko.
"Naalala mo ba nung una akong nakipayong sayo? Sinadya ko yun. Para makilala kita. Nagpapasalamat talaga ako nun dahil umuulan, before I used to hate rain but now I love it. Ang totoo, lagi akong may dalang payong sa bag ko pero hindi ko inilalabas dahil mas gusto kitang makasama sa waiting shed kung san mas mahaba ang oras na nakakasama kita kesa makipayong ako o ikaw na limitado lang ang oras natin. Trisha, gusto kita. Gustong gusto kita! Gusto mo rin ba ako?"
Nakakagulat ang biglaan mong pag-amin, hindi ko alam ang sasabihin sayo.
"Ah, a-ano.. " tumango lang ako na ikinangiti mo.
Hanggang sa niligawan mo ako. Sinagot naman kita, naging tayo. Yung ulan dati na ayaw natin, natutunan nating mahalin, dahil sa ulan naging tayo. Nabuo ang hindi inaasahang pagmamahalan. Naramdaman ko ang kakaibang kasiyahan na kahit dati hindi ko pa nararamdaman, pinaramdam mo sakin ang init ngayong tag-ulan na malamig.
Pero ang tanong ko, sa tag ulan lang ba ang pagmamahalan natin? Tag-init na pero ang lamig mo sakin, anong nangyare satin? Sayo?
Simula nung mag-summer, biglang nag-iba ang pakikitungo mo sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, mahal mo pa ba ako? May iba ka na ba? Bakit ang bilis mo akong palitan? Ano bang pagkukulang ko? Yan ang mga tanong na gusto kong itanong sayo pero tanging sa sarili ko na lang naitatanong dahil natatakot ako sa isasagot mo, hindi ko ata kakayanin.
Natatandaan mo pa ba nung nakipagkita ka sakin bago mag-end ang summer. Tuwang tuwa ako nun kasi akala ko, date yun. Kuntodo ayos pa ako non.
Akala ko, babalik na tayo sa dati.
Pero... iba ang nadatnan ko..
"Break na tayo!" Yan ang sabi mo sakin nung nagkita tayo. Wala kang sinabing rason kung bakit ka nakikipaghiwalay.
Winasak mo ang puso ko nang walang sabi sabi, sobrang sakit! Bakit kung kailan mahal na mahal na kita saka mo ko iniwan?
Para mo kong iniwan sa gitna ng ulan na wala man lang kapayong payong.
Basang basa ng ulan, dahil yung payong ko kinuha mo at wala ka na atang balak ibalik, kahit yung payong lang ang ibalik mo.
Kahit yung puso ko lang ang ibalik mo. Paano kita makakalimutan kung iniwan mo ko na dala dala mo ang puso ko?
Paano ako makaka-move on neto kung pati rason pinagkait mo sakin?!
Tinatagan ko sana ang sarili ko dati na magtanong sayo, para kahit papaano naisalba ko ang puso ko. Pero dahil inunahan ako ng takot, eto umiiyak ako ngayon ng dahil sayo.
"Bye Trisha! Ingat ka!" Sabi sakin ng kaklase ko,
"Bye! Ingat karin!" Sagot ko sakanya. Pagtingin ko sa langit, umuulan.
Panahon ulit ng tag-ulan. Nandito nanaman ako sa waiting shed, naghihintay na tumila ang ulan. Pero ngayon, wala ka na sa tabi ko. Simula nung maghiwalay tayo, wala na akong balita sayo. Musta ka na kaya? Kahit sinaktan mo ko, iniisip parin kita. Ako naman kahit papaano, unti unti rin akong bumabalik sa dati.
"Nakakainis talaga tong ulan na to!" Pagrereklamo ko.
"Naiinis ka rin?" Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na may hawak na dalawang payong. Inabot niya sakin yung isa at umalis na siya.
Pero bago yun, ngumiti siya sakin at..
"Bye Trish! btw, I'm Ian!"
-THE END-
![](https://img.wattpad.com/cover/82217694-288-k835002.jpg)