“Pwede ba tayong magkita?”
Panimula ko sa aking sulat. Pagkatapos ay sinuksok ko ito sa notebook mo, umaasang mababasa mo ang nakapaloob dito. May halong panginginig pa nga ‘yun nung sinusulat ko, ang paghingi ko ng pagkakataong magkita at magkausap tayong dalawa. Ito na siguro ang desisyong magbabago sa samahan natin.. ang pag amin ko ng nararamdaman ko para sa’yo.
Alinman ang maging desisyon mo alam kong magbabago ang lahat sa atin kapag nasabi ko na sa ’yo kung ano ka sa akin at kung ano ang gusto kong maging para sa’yo.
Hindi tayo best friends, di rin aso’t pusa, lalong hindi ako gangster at hindi ka rin maldita. Simpleng magkaibigan lang tayo na kung saan nahulog ang loob ko’t napaibig mo.
Akala ko dati hanggang tropa lang tayo, pero di ko inasahang mapapaibig ako sa’yo. Kailangan ko pa bang i-explain gaya ni Donya Ina at sa dulo’y sabihin ko ring “Labyu”?
Hindi ko alam kung napapansin mong sa bawat pag ngiti mo’y napapangiti rin ako. Nalulungkot din kapag umiiyak ka at inaakay ka tuwing maglalasing ka dahil iniwan ka ng dati mong mahal. Nagloload ako tuwing naghahanap ka ng makakausap, sasamahan ka sa lahat ng trip mong puntahan. Sa bawat pagyakap mo sa akin ay umiikot ang tyan ko’t ayaw na kitang bitawan.
“Hihintayin kita” sabi ko sa huling pangungusap ng aking sulat. Umaasa akong darating ka.
Habang hinihintay kita sa ating tagpuan muling bumabalik sa akin ang mga alalang hindi ko kailanman makakalimutan ang sabihin mong..
“Kung ako lang papipiliin? Isa ka sa hindi mahirap mahalin” Nasa bubung tayo ng inyong bahay. Masayang nag i-star gazing kahit makulimlim nung gabing iyon. Nagtatawanan kahit sinisigawan na tayo ng nanay mo dahil naiingayan sila sa baba. Parang wala tayong pakialam sa mundo, pakiramdam ko sa atin lang 'to.
Alam mo bang sandaling huminto ang mundo ko nung sinabi mo ‘yon? Na hindi ako mahirap mahalin? Napakasaya ko. Parang puputok na ang dibdib ko dahil gustong mag sayaw ng puso ko sa tuwa.
“Ikaw rin hindi mahirap mahalin, katunayan nga mahal na kita” mga salitang nais kong bigkasin sa mga oras na ‘yun ngunit natakot ako sa magiging reaksyon mo.
Anong oras na ba? Bakit wala ka pa? Darating ka pa ba?
Sandali akong naupo. Yumuko at nawalan ng pag-asang darating ka pa. ‘Di bale, inihanda ko naman na ang sarili ko na maaaring mangyari ‘to. Na baka hindi mo ako siputin at tuluyan ko na lang itatago ang nararamdaman ko para sa’yo. Na palabasing normal lang ang lahat.
“Hala, sorry kung na-late ako ng dating, may tinapos pa kasi ako.” Iniangat ko ang ulo ko’t nakita kitang hinahabol pa rin ang paghinga. Tumakbo ka papunta rito? Sinipot mo ako? Hindi ako makapaniwalang nagmadali ka para makaabot.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at umayos ka rin ng pagkakatayo mula sa paghingal. Dumaloy ang takot, kaba at saya sa buong katawan ko. Isa isa akong humakbang papalapit sa’yo at ganun ka rin.
Hinahawi ng hangin ang mahaba at tuwid mong buhok. Sandaling natakpan ang kaliwang mata mo nito na agad mong tinuck sa likod ng tenga mo. Napakaganda mo talaga. Ngumiti ka sa akin at kita ko ang mga dimples mo sa magkabilang pisngi, napangiti rin ako.
Magkalapit na tayo ngayon. Napapikit ako dahil pakiramdam kong ano mang oras ay maiiyak ako sa tuwang dumating ka.
“May problema ba?” Tanong mo sa akin. Nakikita ko sa mga mata mo ang pag aalala.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba?
Teen FictionBawat paghakbang nati’y naglalapit ang ating mga mukha. Kumukurba ang mga ngiti sa labi nating dalawa na abot hanggang tenga. Mga mata nati’y parehong nakatitig sa isa’t isa. Ito na siguro ang tamang oras para tanungin ka. Ngunit bakit hindi ako mak...