The Things That Mattered

8 1 0
                                    


Dati, pinaniwala ako na lahat ng bagay, may dahilan.

Tinuro 'yon sa akin ng nanay ko. Sabi niya, may plano ang Diyos para sa atin. Kaya naman, lahat ng nasa paligid natin, may dahilan kung bakit sila naroon. Kahit na simpleng tao lang sila na dinaanan natin, o isang lugar na pinuntahan saglit. Kahit na isang bagay na wala namang kwenta. Lahat ng 'yon, may dahilan.

May purpose.

Kaya minsan, kahit ang mga maliliit na bagay ay binibigyan natin ng sobrang halaga. Katulad na lang ng pera. Kung tutuusin, papel lang naman 'yon at mga bakal. Ngunit sa sibilisasyon natin ngayon, malaki ang papel ng pera sa ating mga buhay.

Wala naman talagang kwenta ang papel. Pero kung gagawin mo itong pera, magkakaroon na.

Pero may mga ibang bagay rin na nag-iba na nag-iba ng buhay natin. Kunyari, 'yung test ko sa Math na bagsak. Nagpababa siya ng grade ko. 'Yung bato na nakausli sa daan na dahilan kung bakit ako nagkasugat. 'Yung mga damit na nagbibigay rin sa 'tin ng depinisyon kung sino tayo. Maraming bagay na binibigyan natin ng halaga at nagpapaiba sa buhay natin.

Isa ako sa mga tao na mahirap makalimot, lalo na kung ang mga bagay na 'yon ay malaki ang impluwensiya kung sino at nasaan ako ngayon. Binibigyang halaga ko ang mga maliliit na bagay na nag-iba sa buhay ko, kaya nga halos mapuno na ng mga walang kwentang gamit ang apartment ko. Para sa iba, wala naman silang kwenta.

Pero para sa akin, lahat ng 'yon may kwento. Lahat ng 'yon, may dahilan kung bakit ko pinapahalagahan.

Kasi lahat ng 'yon, kasama siya.

The Things That MatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon