Baliw 'Bunga ng Kasamaan'

18.2K 47 85
                                    

This piece is for rent (150pesos) you can send it thru Palawan

For the negotiation, pm me in my FACEBOOK ACCOUNT or her in wattpad. Thankyou!

BAWAL KOPYAHIN NG WALANG PAHINTULOT NG MAY AKDA.

****

Baliw 'Bunga ng kasamaan'
Ni: Rizza Mae Dagoc

Baliw?Baliw? Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!!
Tigilan niyo ko!
Ahh!
Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!

Bakit kayo nakatingin sakin?
Muka ba akong artista?
Ba't niyo ko tinatawag na baliw?!
Sabi nang Hindi ako baliw!!

Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!
Huwag mong gawin sakin to!
Huwag mong gawin sakin to! Maawa ka! AHHH! (higa)

*bumangon*
*umiyak*

Hindi ako baliw!
Hindi ako baliw...

Pag uwi ko galing sa paaralan
Nadatnan ko aking mga kapatid sa tahanan
Pawang umiiyak at halatang gutom ay nararamdaman

Mga kapatid
Huwag kayong mag aalala
At ako'y babalik

Dumaan muna ako sa inay kong nagtratrabaho sa isang mayaman

At ang aking nadatnan
Ay ang isang babaeng nakahiga sa sahig na duguan

"Inay! Inay! Ano ang nangyari sa iyo? Inay!!
Ba't kayo nakahiga rito??
Tulong!! Tulungan niyo po kami!"

Iyong araw na iyon
Ay dinala sa Hospital ang kaawa awa naming ina
Nahulog pala siya sa Hagdan ng walang nakakita
Ang napakabait at mapagmahal naming ama ay naghanap ng pera para sa pangbayad sa Ospital

Pag pasok ko sa paaralan
magandang balita ang aking nalaman
Ako'y Mamartsa na sa Marso at Ako ay kabilang sa Isa sa sampong matatalino

Dadalhin ko na sana ang balitang iyon
Sa aming bahay dahil nakuwi na ang nanay
Ngunit ang nadatnan ko ay malakas na iyak na naman ng aking kapatid

"Tahan na kayo.Babalik ako ditto. Maghahanap lang ako ng pagkain" sabi ni ama
"Sige po ama" ang sagot namin

Ilang oras ang lumipas at si ama ay may dala
Hindi niya talaga kami binigo
Kaya kami ay kumain na ng masaya at salu salo

Ngunit...
PULIS?PULIS?PULIS?
Ano ang ginagawa ng mga pulisdito?

HINULI NILA ANG AKING AMA!
ANG AKING AMA NA PAGOD AT GALING PA SA PAGHAHANAP NG PERA!

Ang mabait kong ama...
Ama ko... AMA!!
ANONG GINAWA NG AMA KO PARA HULIHIN NIYO?!
ANO?!

Sabi nila ay siya daw ay nagnakaw ng malaking halaga
Ngunit! HINDI IYON TOTOO! MABAIT ANG KING AMA!
MABUTI SIYANG AMA!
MAHAL NA MAHAL NAMIN SIYA! HINDI SIYA GAGAWA NG GANOONG BAGAY!

Ngunit kanila ito hinuli

Napagpasyahan kong pumunta
Sa tinatrabahuan ni ina
At nadatnan ko si Senyora
Kasama ang kanyang anak

Humingi ako ng tulong..at ako nama'y handa raw tulungan.
Ngunit.. Bakit..bakit ganito??

BITAWAN MO KO!! BITAWAN MO KO! AHHH! LAYUAN MO KO!
LAYUAN MO SABI AKO!!
LAYUAN MO AKO! PLEASE LANG!
MAAWA KA SAKIN!!

Tulong na aking natanggap
Ay galling sa kampon ng kasamaan
Tulong na aking hangad
Ay may kalakip na maruming hangad

Pinagsamantalahan, inabuso at binaboy!
BAKIT GANITO?! BAKIT? BAKIT!??

Pag uwi ko sa bahay
Nadatnan ko nakahiga si Ina sa sahig
At mga kapatid ko'y umiiyak ng labis

"Ano ang nangyari?! Ano ang nangyari kay inay?!"
Paghawak ko sa pulso
Pintig ng puso ay... W-wala na?

Patay na si Ina??
"INAAAAAYY!!
MAHAL KONG INA!!!"

Namatay si Ina!!
At kinulong pa si ama!
AT AKO?!! NINAKAWAN PA NG DIGNIDAD!!!

BAKIT GANITO?!
BAKIT GANITO?!!!!!!
BAKIT ANG MUNDO AY BALOT SA KASAMAAN?!

BAKIT?!! BAKIT MAY UMAABUSO AT NANG AABUSO?!!
BAKIT?!!!

*pause*

Hindi.. Hindi pa patak ang aking ina!!! Si ama? Naghahanap lang yun ng pera!! Babalik siya!
Bablik siya!
Ang mga kapatid ko? Nasaan na?
Kinuha ng aking mga kamag anak!!!

BAKIT?!! BAKIT!?? NADITO PA AMING INA! BABALIKAN PA KAMI NI AMA!!

*sobs* Inay... Hintay lang po. Manlilimos lang po ako...

****
BAWAL KOPYAHIN NG WALANG PAHINTULOT NG MAY AKDA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Piyesa ng Deklamasyon (Filipino and English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon