"Ang singsing na ito ay isang pamana mula pa sa lola ng lola ko. Ibinibigay ito sa mga dalaga pa sa pamilya namin sa ika-21 na birthday nito. Hindi lang ito basta na singsing. Kung sino ang pinakaunang lalaki na makikita mo sa isang nakakagulat na pagkakataon, siya na ang mapapangasawa mo. Nangyari na ito sa mga pinsan mo at ngayon ipinapasa ko na ito sa'yo.
Love,
Lola Yssa"
Love? Wala ako nyan. Ehh paano, ayaw nga sa akin ng crush ko ehh.
Birthday ko ngayon at yan na nga, ipinasa na sa akin ang "sumpa". Di naman siguro yun totoo no?
Lalo na ngayon, si CRUSH ang nakita ko. OKAY, siguro di talaga tatalab to sa akin.
Pero paano kung gusto nya rin pala ako dati? Kapag ba nagkita ulit kami, may chance kaya na matupad ang hiling ko? Ehh, paano kung dahil lang ito sa singsing? Hayyyyyyy. Bahala na :)
