---
Crush
---
Siya si Mark.. Siya ang crush ko.. Para sa’kin, nasa kanya na ang lahat.
Eh, gwapo siya, mabait, matulungin, at matalino. Nalaman ko lang yan dahil sa mga nakikita ko at pati narin chismis ng mga kaibigan ko.Hindi ko naman talaga siya kilala! Mahiyain kasi ako.. Basta! Ang alam ko lang, hinahangaan ko talaga siya.. Nagustuhan ko na siya noong 1st year high school palang ako sa paaralang ito.
“Angela! Bilisan mo nga dyan. Hindi ka ba sasama sa’kin sa canteen?” tanong sakin ni Lyka, ang aking best friend.
“Ah. Mauna ka na. May gagawin pa pala ako,” sagot ko sa kanya. Umupo agad ako sa aking upuan at kinalkal kunwari ang aking bag.
“Bahala ka. Wala kang kasama diyan sa classroom," sinabi niya sakin at iniwan niya nga ako. Lumabas na lahat ng mga kaklase ko.
Ganito ako palagi. Kapag oras na ng recess o lunch break namin, sisilip muna ako sa labas.. At kapag nakita kong nandun si Mark o ang mga barkada niya, papasok ulit ako sa classroom at mag-eembento ng palusot para maiwan lang ako.
Ayaw ko kasing dumaan sa harap niya.. Baka kasi mapansin niya na sa tuwing dumadaan kami sa harap niya, nag-iiba ako. Bigla bigla nalang akong tumatahimik at binibilisan ko ang paglakad ko.
“Kanina ka pa nakatulala diyan. Tara na kase. Di ka sasabay samin?” tanong sakin ni Lyka at Lily.. Uwian na at umaambon rin..
Nasa gate kami at tinitignan ang mga studyante na sumisilong na.
“Sige mauna na kayo, kukunin ko pa 'yong payong ko. Naiwan ko sa classroom eh."
Mukhang lalakas kasi yung ulan kaya kukunin ko yung payong ko sa taas.
Malayo narin yung nilakad ko at nakarating narin ako sa classroom namin sa 4th floor ng building..
Nasaakin naman yung susi ng classroom kaya binuksan ko yung classroom at kinuha ko agad yung payong ko sa lagayan at lumabas din agad.
I can't fight this feeling any longer.
And yet I'm still afraid to let it flow.
What started out as friendship ,
Has grown stronger..
I only wish I had the strength to let it show.
Nagulat ako sa narinig kong kumakanta. Hindi ako nag-iisa sa school.
Natigilan ako sa paglakad at hinanap kung nasaan 'yong kumakanta.
Kumakanta siya ng “Can’t Fight This Feeling”. Isa sa nga paborito kong kanta.
Sino kaya yun?
Doon sa may corridor ay may nakaupo at may hawak na gitara.
"Kuya bakit ka pa nandito?"
Tumigil siya sa pagkanta at lumingon sa akin.
"Huh?"
Nagulat ako noong nakita ko ang mukha ng aking crush. Si Mark.
Nabitawan ko pa 'yong payong ko!
Tumigil siya sa pagkanta at tumingin sa direksyon ko. Agad naman akong nagtago. Pero nahuli niya ako..
“Anong ginagawa mo dito?” tinanong niya sa'kin.
“Ah, kinuha ko lang yung payong na naiwan ko sa classroom.." natigilan ako bigla. "Ikaw? Ba’t ka nandito?” tanong ko sa kanya. Agad agad ko naming pinulot yung payong na nahulog.
Ninenerbyos nga ako at ayaw kong tumingin sa kanya.
“Wala,” sagot niya sakin.
Wala? Imposible!
Naalala ko namang hindi kami close. Bakit naman niya ako kakausapin?
Biglang lumakas ang pagpatak ng ULAN.
Naalala ko yung rason ng pagbalik ko dito.
“Una na ako,” paalam ko sa kanya. Gustuhin ko mang magpapansin, nahihiya parin ako! At ayoko magkasit no!
Naglakad ako pababa do’n sa may hagdan.
Mukhang malungkot siya ngayon.. At kitang kita ko sa mga mata niyang kakaiyak niya lang.
Ano kayang nangyari sa kanya?
“Teka lang!” sigaw ng tao sa likod ko. Lumingon ako at nagulat ako nung nakita kong tumatakbo siya. Nandito na kasi ako sa GATE ng school.
“B-bakit?” tanong ko sa kanya.
“Ahh.. Pwede bang share tayo? Wala kasi akong dalang payong..”
“S-sige..”
Omg! Nangyayari na ba lahat ng panaginip ko?
Binuksan ko ang payong kong maliit.
Pagtaas ko ng payong ay hinawakan niya yung hawakan. Nagulat ako sa ginawa niya."Uh.."
Hindi ako makapagsalita.
"Ako na."
Tinago ko ang ngiti kong muntik nang lumabas.
Naglakad kami at pinagkasya ang sarili sa maliit na payong ko. Naramdaman ko ang balikat niyang nakadikit sa'kin. Hindi ako nakahinga sa buong paglakad namin! Mas lalo na no'ng hinawakan niya ang balikat ko para mahila palapit sa kanya.
"Di mo sinasabing nababasa ka na."
"Ayos lang a-ako.."
Tumingin ako sa kanya at nakita ang munting ngiti sa perpekto niyang ngiti.
“Dito na ako,” sinabi niya sakin nung nakarating na kami sa isang waiting shed.. At tumigil kami sa paglalakad..
“S-sige. Bye,” nagpaalam ako sa kanya, tumalikod at itinuloy ang paglalakad..
“Angela!” pasigaw niyang sinabi sa akin. Lumingon ako..
“Ahh?.. Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Salamat..” sinabi niya sakin na nakangiti.. Ngumiti rin ako sa kanya, at itinuloy ang paglalakad.
Ang saya saya ko talaga!
Kilala niya ako!! Alam niya 'yong pangalan ko!!
“Oh? Ang saya-saya mo ‘ata ngayon?” sabi ni Ate Michelle sa’kin pagkadating ko palang sa bahay namin.
“Huh? Pano mo naman nasabi?” tanong ko kay Ate Michelle.
“Halata naman dyan sa mukha mo! Hanggang langit yang ngiti mo ah.”
Hindi na ako umimik. Totoo kasi. Masaya talaga ako ngayon.. Kinausap ako ng crush ko!
--
Author's Note
PUPPY LOVE is real.
BINABASA MO ANG
Crush (Short Story)
Non-FictionShe never confessed her feelings.. Nasasaktan siya.. In the end.. Sila ba ang NAKATADHANA? --