Sino Naman Kaya?

341 23 5
                                    

“Gela.. Gusto kita.. Hindi mo ba nahahalata?”

Nagising din ako sa panaginip ko. Nagulat nga ako nang biglang may nagsabi nun sa panaginip ko.. Pero sino kaya yun? Lord, sana po si Mark yun..

Wala na akong maalala dun sa panaginip ko except yung pinakahuling linya..

“Gela.. Gusto kita.. Hindi mo ba nahahalata?” paulet lang yang tumutunog sa utak ko..

*Kriiiiiiiiiingggggggg * Nakarating na ako sa school. Late nga lang..

“Hi Gela! Pupunta ka ba sa party mamayang gabi?” tanong agad sakin ni Lyka pagkapasok ko palang ng classroom..

At HINDI ko alam kung anong party yung pinagsasabi niya..

“Ha? Anong party?” tanong ko sa kanya..

“HUH?! So, ibig sabihin hindi mo pa alam kung anong party yun?” tanong ni Lyka sa nagtatakang tono ng boses niya.

“Oo, kaya nga tinatanong ko diba! Anong PARTY yun?”

“Ay bahala na. Dapat malaman mo mismo kung ano yun.” At iniwan niya ako. Anong Party yun?

*KRiiiiiiiinNggg!* Break Time na. Buong 1st, 2nd at 3rd period, yung party lang na sinasabi ni Lyka ang nasa isip ko. Ano ba kasi yun?!?! Binuksan ko yung locker ko para kunin yung libro ko pero.. Huh? Ano to? May nakita akong envelope sa taas ng mga gamit ko. Sino kayang naglagay nito ditto.. Binuksan ko to..

Angela.. Magkita tayo mamayang break sa may gate ha.. Wag kang magdala ng kahit sino..

Ikaw lang dapat ang makita ko..

-Z

Z? Sino si Z? Wala naman akong kilalang Z ang initial dito sa school ah.. Break daw pala! Naku kailangan ko ng pumunta! Nagmadali akong bumaba sa may gate para malaman lang kung sino si Z. Pero wala pa namang tao.. Kaya naghintay nalang ako dun at umupo sa isang bench..

“Oh! Anong ginagawa mo dito Angela?” biglang dumating si Gerald at lumapit sa akin.. Siya kaya si Z? Hindi. Hindi siya yun. Tinatanong niya nga kung ba’t nandito ako ehh..

“Ahh.. Wala.. May hinihintay lang ako..” sagot ko sa kanya..

“Ahhww.. Ganun ba? Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo.. Invited ka sa party mamaya sa bahay..”

“Ahhhhhhai! Party mo pala yung sinasabi nila eh! Bat hindi mo sinabi? Aish..” naiinis kong sinabi sa kanya..

“Sige. Punta na ko ha. Pumunta ka sa party ha? Hindi yata kita mahahatid mamaya.. Si Mark nalang ha..”

At iniwan niya na ako.. Mag-isa ko nalang dun sa may gate. Nasan na ba kasi yung “Z” na yun? Bahala na nga. Basta pupunta na ako sa classroom.. Malelate pa ako niyan ehh..

“Lyka! Party lang pala ni Gerald yung sinasabi mo ehh..”

“Ahhh. Alam mo na? Sabay tayong pumunta ha? Pupunta ako dun sa bahay niyo.. Mga 6:30 pm.” Sabi nito sa akin.

“Sige ba. Dapat sinabi mo nalang pala sa akin kung anong party yun! Nagtaka tuloy ako kung anong party yung mga pinagsasabi niyong yan!”

“Hahaha, basta ha! Mamaya. Sabay tayo!”

“Sige. Nandyan na pala si ma’am.. Balik ka na dun sa upuan mo..” at bumalik si Lyka sa upuan niya.

Uwian na..

“Angela, hatid daw kita sabi ni Gerald. Tara na..” biglang nagpakita si Mark sa harapan ko pagkalabas ko palang ng gate.

“Ahh, sige ba..” sagot ko sa kanya..

At sinimulan na naming maglakad patungong bahay.. Hindi nga kami umiimik eh..

“Ahh.. Angela?” bigla niyang pinutol ang katahimikan.

“Hmmm?” sagot ko sa kanya..

“Ahh.. may sasabihin lang sana ako sayo..” aniya sa akin..

Heto na.. Dumating na ata yung araw na pinakahihintay ko.. Baka mangyari na yung napanaginipan ko.

“Ha.. Ano yu-yun?” tanong ko sa kanya. Atat na kong malaman kung ano yung sasabihin niya..

“Kasi.. May gusto kasi ako kay An—“ bigla akong napahinga ng malalim. Ayun na… Pero, walang katuloy yung pangungusap na sasabihin niya..

“May gusto ako kay Anne..” inulit niya.. Ouch..  Masyado akong umaasa. Anne pala yun.. Hindi An-gela.. :’( paasa.com.ph

“Tapos?” tinanong ko sa kanya na parang hindi ako apektado.

“Diba magkaibigan naman kayo?” sabi uit nito sa’kin..

“Oo naman. Bakit ba?”

“Pwede mo ba akong ilakad sa kanya?” tanong nito sa akin..

Huh? Ano kayang isasagot ko sa kanya? Uulitin ko ba ang sinagot ko kay Anne? Ayaw ko ng magkamali ulet. LALO na sa kanya..

“YuuHuu? Buhay ka pa ba?”

“Ahh, ou. Yun lang pala sasabihin mo eh.. Shempre naman.. Ilalakad kita kay Anne..”

“Thanks..”

At nakaratin g na kami dun sa bahay namin.. Bakit ba bigla bigla nalang lumalabas ang mga salitang yun sa bibig ko? Haaay Nakuu. Ganun ako kabaliw sa kanya eh..

--Author's Note---

Tumigil ka nakasi sa kakaasa. Truth hurts. Tanggapin mo yun!

Comment. Follow. Like!

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon