Chapter 1:
Her Lips, Against MineJunio's P.O.V
"Seryoso ka na diyan, bro?Parang 'di naman kayo bagay! Si Erin na lang!"
"Lakas mo maka sabi ng 'di bagay! Ba't kayo ni Andrea?! Bagay kayo?! Bagay kayo?!"
"Oo. Forever na nga e"
"Ulol! Walang Forever!"
Bago ang lahat, ako nga pala ang poging-pogi pinapangarap niyo na si Junio Lewis. Kung itatanong niyo kay Ms.Author kung sino 'yang bitter na nagsabi na WALANG FOREVER, well, ako 'yan. Yeah, bitter ako at hinding hindi ako maniniwala sa forever kuno na 'yan. Lul! Celebrate-calebrate pa ng monthsary magbi-break din naman! Sus.
"Ouch! Damn ba't mo ko binato?!" Reklamo ko nang may lumipad na notebook sa'kin. Head shot. Bullseye. Sapul.
"Earth to Junio! You're spacing out again tss" Dreion frowned. Nag babangayan kasi sila about sa nililigawan ni Jay this week.
"Teka nga, hindi naman panget nililigawan ni Jay ah?" Angal ko sa kanilang dalawa. Nakita ko naman ang mukha ni Jay na naka ngiting aso at naka thumbs up sakin at parang bata na naka hanap ng kalaro.
"Artistahin nga e! Kamukha ni Pokwang" banat ko. Napuno naman ng tawanan ang buong rehearsal room kasabay ng rubber shoes na lumipad na naman sa'kin. Gago talaga.
"Guys enough. Tapos na din naman, so pack up na tayo" sabi ng choreographer namin na si Ravex. Tropa ko
"Sure, then. Ah, manglilibre ako mamaya! Sino sasama?" Ohh meet Rap. Ang vocalist din namin. Siya pinaka mabait sa grupo. Napagkakautangan kasi nila. Oo nila, mayaman kasi ako. Nakukuha ko lahat ng gusto ko.
"Baby Rap!! Ako!! Sama ko!" Yan naman si Nam. Ang gutumin naming member. Patay gutom. Ganun. Tsk. Mayaman naman yan, tinatamad lang daw kumuha ng pera. Tss.
"Ge guys. Una na ko. May thesis pa ko, e" paalam ko sa kanila habang kinukuha bag ko. Oo pogi ako, mayaman ako, parents ko may-ari ng school, but it doesn't mean na wala din akong utak. Matalino din ako no!
"Sige na. Baka sa Library mo na makita forever mo!" Asar sakin ni Dreion. I just ignore him then lumabas na.
"Kyaaaaaah si crush!!"
"Sshhh wag ka maingay! Para 'di tumingin dito!"
"Bes tulak mo ko sa kanya bes! Yah!"
Mga studyante yan na nagkandarapa sa kagwapuhan ko. Karamihan sa kanila bakla at babae. Tss pabebe. Nakakairita sila. Sobra.psh.
"Aish!" I hissed at finally nakarating na sa library.
"Uhmm b-babe ahh" Napatingin ako bigla sa isa sa mga book shelf na malapit sakin.
"What the fuck?!" Mahina kong bulong nang may nakita akong naglalaplapan. Sht! Teka!
"Is that L-lay and A-andrea? Damn!" Si Lay ang Best friend ni Dreion habang si Andrea naman ang girlfriend niya. Tanga talaga si Drei tsk!Hindi na lang ako umimik at naupo sa study table malayo sa dalawa. Ayoko ng makialam sa kanila.
"Arghh bwisit naman to! Ayoko na!" Nagulat ako sa katabi kong babae. Isa siyang ahm nerd? Kapal ng eyeglasses niya e. Mukha ding kanina pa siya dito.
Ngayon, naka tungo siya sa desk niya dahilan para mahulog yung salamin niyang naka patong sa libro. Pinulot ko 'yun at ibabalik sana sa desk niya nang bigla siyang tumagilid paharap sakin at dumilat. Ang lapit ng mukha ko sa kanya.
Tinitigan ko siya. Tama. Siya nga yung nerd na ang boyfriend ngayon, e, niloloko lang siya.
Nakatitig padin ako. Ilang inches lang pagitan namin. Napatingin ako sa mata siya. Woah! astig! May pagka-green ito na parang blue. Sht. Ang tangos ng ilong. Napababa ang tingin ko hanggang sa labi niya. Kissable lips. Mukhang masarap pa. Maganda din pala to e. At dahil umandar na naman ang ka-pilyuhan ko, unti unti kong dinikit ang mukha ko sa kanya at mabilis siyang hinalikan.
*SLAP*
"Hey! Ba't mo ko sinampal?!" Tanong ko habang hinihimas yung pisnge ko.
"Manyak!" Sigaw niya sabay tayo at umalis sa harap ko. Napangiti naman ako bigla. Tangina! Ang sarap ng labi niya men!
Napatingin ulit ako sa desk niya, naiwan niya yung panyo niya. Kinuha ko yun at inamoy.
"Nice choice of cologne huh?" Sabi ko at napansin ang burda sa gilid nito.
"Cassandra." I smirk ng malaman name niya. Huh! Mapapasakin ka din!"
YOU ARE READING
That Thing called MASAKIT
Action"Nagmahal, Niloko, Iniwan, Nasaktan. Masakit." - Junio Lewis