Chapter 1

192 9 1
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Sarah sa kanyang opisina kaka-isip kung anong idadahilan nya

sa papa nya para payagan syang sumama sa mga kaibigan nya sa weekend at ang pupuntahan lang naman nilaay sa fontana sa pampanga, and yes! ganyan kalapit ang pupuntahan nila pero kailangan parin nyangmagpaalam sa parents nya. Sa eddad nyang 25 hindi parin sya free na magdecide pagdating sa mga ganyang bagay

At hindi rin sya marunong magsinungaling kaya namo-mropblema sya.

Nasa ganung sitwasyon sya ng biglang bumukas ng pintuan sa office nya.

"Ano ba 'te sasama ka ba o hindi?!" bungad ni Chel, ang kanyang kaibigan, ganun talaga yung taong yan

Malayo palang nagsasalita na

"At pinuntahan mo talaga ako dito para tanungin nyan?" tanong ni Sarah

"Oo dahil kung aantayin ko pa ang reply mo, baka nakalipas na ang weekend wala ka pang reply" mahabang litanya ni Chel

"Hindi ko nga alam sasabihin ko kay Dad eh!" reklamo nya

"Sus! ano ba naman yan!Kelan ka ba tutubuan ng backbone? Matanda ka na nahihirapan ka pang magpaalam sa magulang mo" litanya ulit ni Chel

"Eh kasi-"

"Ako na, ako nalang magpapaalam sa'yo sa parents mo"

"Yes! salamat kaibigan talaga kita!" masayang sabi ni sara sa kaibigan nya

"Alis na ako, antayin mo ako mamaya pag-uwi mo sasabay ako sa'yo para maipagpa-alam na din kita" sabi ni Chel habang paalis na

"Sige, sige pero agahan mo ha!" pahabol na sigaw ni Sarah, hindi na nya alam kung narinig pa ni chel yung sinabi nya

Kanina pa nag-aantay si Srah sa office nya pero wala pa ni anino ni Chel kahit sa bakuran man lang ng building nila naka-ilang sketch narin siya ng design na gagawin nyapara sa mga kliyente nya.

Isa na syang successful na fashion designer sa age nyang 25 pero gaya ng sabi ng kaibigan nya wala parin syang backbone.

Hindi na sya naka-tiis at tinawagan nya ang kaibigan nya sa phone nito

"Chel! ano ba anong petsa ka ba darating dito? kanina pa ako nag-aantay" inis na bungad nya sa kaibigan nya ng sumagot ito

"Chill! papunta na ako jan, dumating kasi si Rick eh" may kasamang kilig na sabi naman nito sa kabilang linya

"Okay, bilisan mo at kailangan kong umuwi ng maaga ngayon"

"Oo na, alam ko magagalit ang dad mo pag-late ka naka-uwi, alam ko yan" walang ganang sabi ng kaibigan nito

Napabuntong hininga nalang sya nang ibaba nya ang kanyang phone

“Kailan din kaya ako magkakaroon ng Rick na bibisita sa akin sa office?" tanong nya sa kanyang sarili

Maalala pa nya ang dahilan kung bakit napaka-strikto sa kanya ng papa nya

Dati pa man strikto na ang parents nya sa kanya pero lalo itong naging strikto nang malaman nito na may kinukuha pa syang ibang course at iyon ang pinaprioritize nya

gusto kasi ng papa nya na kumuha sya ng business course para sya ang susunod na mamamahala sa business nila pero gusto nya talagang maging fashion designer

Kalaunay pinayagan sya ng Dad nya na ipagpatuloy nya ang pagkuha ng course na Fashion Designing basta kaya nyang pagsabayin ang management at fashion designing na course

At isa pang kundisyon nito ay saka lang sya bibigyan ng kalayaan pag tinanggap na nya ang pamamahala sa business nila

Nagmu-muni muni pa sya ng biglang dumating sina Chel at Rick. At sa wakas pauwi na sila.

ForeignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon