"Xennah's POV"
"Sei sei bumangon ka na! Ma le-late ka na!!"
rinig kong pambubulabog ni Kuya sa akin sa labas ng kwarto ko.
Aba naman!!!
Kung kelan naman ang sarap matulog saka naman may e-extra!!
Nag pretend akong hindi ko narinig ang sigaw nya.
*sound ng bumukas na pinto*
"Sei bumangon ka na " ulit ni kuya
Pero hindi pa din ako nag react
Mehehehe!!
Sarap sarap matulog eh.
Teka ba't para akong nalutang ?!
"Nag tulog tulugan ka pa ha!" sabi ni kuya
Bigla akong napa dilat.
" Hwahhh!!! KUYA !!! PUT ME DOWN!!! " sigaw ko kay Kuya
Pero di nya ako pinansin.
dire-retso lang sya
Lord sana naman po hindi ako ihulog ni Kuya sa bathtub at sana----
Hindi ko pa natatapos ang pag dadasal ko ng bigla akong bitawan ni Kuya sa bathtub.
" Kuya you're so mean !" sigaw ko sa kanya
"Bilisan mong maligo, lalamig ang pag kain"
sabi nya habang nag lalakad paalis , pero di pa din ako nakilos .
"Aba't tingnan mo! Baka gusto mong ---" -kuya
"Oo na po, maliligo na." sabi ko
Umagang-umaga anlakas ng topak neto hmp!!
Pag katapos kong maligo ay bumaba na ako baka mamaya ay buhatin pa ako ni Kuya at kung san pa itapon.
"Good Morning " I greeted him
"Morning , kumain ka na at baka malate pa sa school "
Tsk ayan na naman po kami.
Naku masanay na kayo araw araw yan ganyan.
"Sunget " bulong ko.
Baka mamaya marinig ako , makutusan pa ako ng wala sa oras !!