CHAPTER ONE

2 1 0
                                    

"Pare, shut up please!" pakiusap ni Rio sa mga kaibigan niya. Malapit nang maubos ang pasensya nya sa mga to. Kanina pa kasi sya inaasar at tinatawanan. Lalo syang nainis nang maalala ang dahilan kung bakit sya tinatawanan.

Sukat ba naman kasing suntukin sya ng pinsan ni Aly sa harap ng maraming tao. Halimaw ata ang babaeng un dahil nahilo sya sa lakas ng suntok nito. Dalawang araw na ang nakalipas nung ngyare un pero parang nararamdaman pa rin nya ang sakit sa kanyang panga.

"Bakit pare? Masakit parin ba?" tanong sakanya ni Oliver. Nakipag high five pa ito ky Ken.

"Mga sira ulo kayo! Kapag nasuntok kayo ng babae, tatawanan ko rin kayo!" pasigaw na sabi nya. Lalo lang nagtawanan ang mga to.

"Ano ba kasi ang atraso mo sa pinsan ni Aly?" tanong ni Jared.

"Hindi ko nga alam eh." naiinis pa ring sagot nya.

"Ngayon ko lang sya nakilala kaya wala syang karapatang suntukin ako at ipahiya sa harap nyong lahat."

"Isipin mong mabuti, baka nagkita na kayo." Sabi ni Roy

Umiling sya, saka hinilot ang kanyang sentido. "I really don't remember."

"Why don't you talk to her?" suggest ni Leo.

"Yeah, Leo's right." Sang ayon ni Darrel.

"Basta lang dude, next time, maging alerto ka na. Baka makatikim ka nanaman ng suntok ni Pacman." Pang aasar pa ni Ken. Sinimangutan nya ito. "And don't forget to text me pag mag papasuntok ka ulit, Rio. Para naman ma I video ko at ng ma ipost sa FB HAHAHA." Hirit pa ni Leo.

"Tandaan nyong lahat ang pang aasar nyo sa akin! Makakaganti rin ako sa inyo! T*angina nyo!" Nag tawanan ulit sila. Naisip uli nya ang babaeng sumuntok saknya. Kahit kitang kita ang katapangan sa mukha nito, nakuha parin ng kagandahan nito ang interes nya.

Sino ba talaga sya? Bakit ganun nalang ang galit sakin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every moment mattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon