chapter 9.2: Manhunt

6.9K 47 0
                                    


Umiiyak si Selena sa sofa at nilapitan sya ni nurse Sasha at pinapakalma ito. “Calm down mam. It’s all over now. You’re safe. “ yumakap nalang si Selena kay Sasha. Dito napansin ni Selena na gising na si Adel at nakatingin sa kanya. Hinde makapag salita si Selena. Nahihiya sya sa asawa. Naisip na lamang nito na sumuko na rin at iiwan si Adel dahil wala na syang mukhang maipag mamalaki sa asawa.

Tila naman nabasa ng mister nya ang iniisip nya at umiling iling ito. “Wag….mo kong iwan… .Selena….” wika ni Adel. Lumapit si Selena at humagulgol sa asawa. Niyakap sya ni Adel. Mahigpit na niyakap. “I’m sorry Adel!!! Marumi akong babae… .hinde ako karapatdapat sayo… patawarin mo akoooo….” Nilagay ni Adel ang daliri nya sa labi ni Selena at huminto ito magsalita. “Pi… .pinapatawad na… kita… .Sheeleenaaa….kung ano… man lahat….na… nagawa mo….wala ako pakeee… . Bashtaa… alam ko… shaa pushooo kooh… ikaaw parin. ..ang mahal kooo” halata sa mukha ni Adel kahit may benda ito na nakangiti sya at kumikinang ang mga mata.

Parang nabunutan ng tinik si Selena. Ang gaan gaan ng loob nya. Niyakap nya ulit ang asawa at naluha luha parin ito. “Thank you Adeeeelll… .salamat sa pagmamahal mooo… ..” wika naman ng masayang si Selena.

“Selena…dear… .” tumingin si Selena sa pinto at nakita si Arnel. Tumakbo sya rito at yumakap. “Are you alright my dear? Are you hurt? “ pag aalala ng boss nya. “Okay lang po ako sir. Si Terry po… .si Terry pumasok sya rito….” “I know dear. I know. But its over. You’re safe now. Hindeng hinde ko mapapatawad ang kapatid ko sa kasamaan nya. “ hinihimas himas ni Arnel ang buhok ni Selena. “Pero sir… pano nyo po natunton si Terry dito? “ tanong ni Selena. Mukhang nagtaka si Arnel. “Ha? Di ba nagtext ka sakin kanina? Sabi mo nandito sa hospital si Terry at may masamang balak sa inyong dalawa. “ sagot naman ng nagtatakang si Arnel. “Hinde po ako ang nagtext sir. “ nagtataka rin si Selena. “Aa.. Ako….text… .shayoo sir Arnel… .” sabay pinakita ni Adel ang cellphone ni Selena. Dito naalala ni Selena na nasa tabi ng kama ni Adel ang cellphone nya ng matulog ito kanina. At ng nakapasok na si Terry, bago pa nya mahila si Selena sa sofa, mabilis at maingat na kinurot ni Selena ang binti ni Adel. Dahilan para pasimpleng magising ito. Hinde alam ni Selena na epektibo ang pag gising nya kay Adel at habang abala si Terry sa pagpaparaos kay Selena sa sofa, patagong nakatext si Adel kay Arnel. Ito ang naging dahilan ng pagkaka huli ni Terry. “wow ang galing galing naman ni sir Adel hihihi” pumapalakpak na hagikhik ni Sasha sa gilid ng kwarto. Tumingin si Selena sa kanya. “Nurse pwede bigyan mo kami dito ng privacy please. “ pakiusap nya. “Ay sorry po mam. Sige po lalabas na ako. Sir Adel goodnight po. “ mamula mula si Sasha na lumabas ng kwarto.

“Oh sya aalis na ako Selena. Pupuntahan ko si Terry sa presinto. Maiwan na kita ha. Ingat ka. “ tumango si Selena at nagpasalamat kay Arnel. Hinalikan naman ni Arnel si Selena sa nuo at nagpaalam na.
Tahimik nanaman sa kwarto nila. Umupo si Selena sa tabi ni Adel. Tinignan nya ang relo. 4:30 am na pala. “Hinde ko alam na gising ka pala kanina. Ibig sabihin nakita mo ang lahat ng nangyari. Maruming babae ako Adel. Hinde ako ang babaeng minahal mo noon. Ngayon, isa na lamang akong puta na hayok sa laman ng lalake. Ang masakit pa, sa harap mo pa mismo ako pinagsamantalahan ni Terry. “ naka yuko si Selena. Hinawakan ni Adel ang kamay ni Selena at tumingala ito sa kanya. “I don’t. ..give a rat’s ass….it does not matter… Selena….mahal parin kita… .at aayusin natin ang pamilya natin… .” medyo diretso na ang salita ni Adel. Masayang naka ngiti si Selena dahil sa kabila ng lahat ay malugod parin syang tinanggap ni Adel. Medyo malaki naman ang kama ni Adel at sumiksik sa gilid si Selena. Sa hinaba haba ng panahon, sa wakas ay magkatabi na ulit at magkayakap sina Adel at Selena.

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon