THE VICTIMS

391 23 6
                                    

‘’*sniff* Mahal ko siya ee! Sobra. Hindi ko akalain na magagawa niya to satin’’

-_-

‘’Ako din naman sis, pero ang sakit sakit. Paabot nga ng tissue’’

Aba nautusan pa ko nito. Hayaan ko nalang, pagbigyan na. Kawawa naman ee!

‘’Ang sabi niya mahal niya din ko! Pero ngayon sabi niya ‘’I’m just a DAMN GOOD KISSER’’ at yun lang nagustuhan niya sakin’’

AWTSU >.< Grabe naman yun

‘’Atleast, magaling kang humalik diba?’’ sabi ni Corrine at napatawa niya naman kami kahit nagdradrama tong mga to

‘’BINIGAY KO NA HALOS LAHAT SA KANYA PERO NGAYON NALAMAN KO PINAGPUSTAHAN LANG NIYA KO? ANG SAKIT!’’ biglang sigaw ni Arianey

Hinimas himas naman namin tong si Arianey at patuloy namang umiyak sina Edlaine, Wynonna at si Lexi habang Cino-comport namin sila ni Corrine

Wala naman kaming magawa ni Corrine kundi icomfort lang sila…

Bakit kasi ang daming manloloko sa mundo? -_- lalo na yang mga lalaking yan?

Diba dapat nirerespeto ang mga babae at hindi dapat pinapaiyak? Eh anong nangyari na ngayon?

Gusto ko sana sabihin sa mga lalaking yan na…

 ‘’Hindi sukatan ng pagiging lalaki ang panloloko, kundi sinasabi lang na isang kang GAGO’’

Hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki na manloloko silang lahat pero nakakainis lang talaga. Kita mo, yung 4 na bestfriend ko umiiyak ng dahil lang sa lalaki

Naging tambayan tuloy ng mga BROKEN HEARTED ang kwarto ko -_-

‘’JHENNNNNNNNNNNNNNN’’ Bumukas bigla ang pintuan ko at napatingin naman kami sa isang luhaang si Celine

Tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako. Narinig ko siyang umiyak sa likod ko at tumingin naman silang lahat sakin.

‘’Anong nangyari?’’ bulong sakin ni Edlaine

‘’Aba malay ko’’ hinimas himas ko ang likod niya

Pagkatapos ng ilang mga minuto, sa wakas. Tumigil na din sa pag-iyak tong si Celine

Pinakalma pa namin siya ng unti at pinainom ng tubig

‘’Ok ka na ba Celine?’’ tanung ko sa kanya at tumungo naman siya

‘’Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?’’ Hinihintay naman namin ang sagot niya pero bigla nanaman siyang umiyak O.O

‘’JHENNNNNNNNNNNNN!’’ ito nanaman tayo! Niyakap niya nanaman ako at umiyak siya

-____________-

Pagkatpos nanaman ng ilang minuto, tumigil na ulit siya umiyak. Buti naman, naririndi na kami sa kakaiyak nito. Basang basa na din ata yung T-shirt ko ng luha niya.

‘’Ok ano ba kasing nangyari Celine?’’ mukhang iiyak nanaman siya

‘’HOY! Subukan mo lang umiyak ulit kundi sasabunutan na kita dyan!’’ tumawa naman sila habang si Celine napigilan ko na sa pag-iyak

‘’Si Neal kasi…’’ simula ni Celine

‘’Oh anong meron kay Neal?’’ tanung ni Wynonna

‘’Nagkabalikan na ulit sila nung GF niya’’ tapos umiyak na talaga siya ulit ng tuluyan ULIT -_-

Hay nako ! ito na nga ba sinasabi ko ee…

Ngayon, may 5 na kong bestfriend na umiiiyak ng dahil sa LALAKI! Ang gulo talaga oh ...

---------------------------------------------------

Pm me o comment below sa mga gustong magpadedic :">

Enjoy reading :">  Vote if you like, Comment if you have any reactions/suggestions/request, and KINDLY SHARE THE LOVE <3

NEXT CHAPTER >>>>>> REBOUNDER 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Klase ng MANLOLOKO by ChiakitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon