The Characters

125 6 3
                                    


CHAPTER 1:

"Ang haba naman ng hair mo girl, kasing haba ng baba mo!"
Pasimpleng insulto ni Maris sa kaklase niya.

("Si Maris, madedescribe nating parang Beauty and the Beast, sobrang ganda pero laging beastmode kapag inaaway na ang kaibigan niya. Ang pamilya niya ay may ari ng Coffee shop at bake shop na may almost 50 branches nationwide. She's taking up BSMT (Bachelor of Science in Medical Technology/Laboratory) dahil pangarap niyang maging Doctor. Dean's Lister lagi")

"Maris tama na yan, tara na"
hinawakan ni Loisa ang braso ni Maris para lumayo na ito sa kinakaaway niyang babae.

(Si Loisa, parang si Rapunzel .. Ang haba ng hair, habulin ng mga lalaki. Masyadong mapagkumbaba kaya si Maris ang laging nagtatanggol para sakanya. kinaiinisan ng mga kababaihan sa campus nila dahil naiinggit sila dahil halos lahat ng mga gusto nila, kay Loisa nagkakagusto. para din siyang si Cinderella, laging may curfew, strict kasi ang parents niya. Her Dad is a Lawyer and her mom is a Doctor. BSMT din ang kinuha niyang kurso at classmate niya si Maris. tulad ni Maris Dean's Lister din siya.)

"Anong tama na? feelingera kasi tong babaeng to eh akala mo maganda!"
patuloy na pinigilan ni Loisa si Maris pero hindi talaga ito nagpaawat.

"hoyy ikaw Maris nakikisawsaw ka hindi naman ikaw ang kinakausap ko!!" galit na sinumbat ng kaaway niyang babae

"alam mo matapang ka lang kay Loisa kasi alam mong hindi ka papatulan ng kaibigan ko eh! palibhasa yang jowa mo iniwan ka dahil mukha ka namang ewan! alam mo ba para kang si SLEEPING BEAUTY! alam mo kung bakit? kasi ang hirap mong gisingin sa katotohanan di ka maka move on?"
pagpatuloy na patol ni Maris.

"argh!"
naging speechless ang kaaway ni Maris at kusa na lang itong nag walk out dahil natamaan yata to sa mga sinabi nito.

"kalma na Maris tara kain muna tayo" yaya ni Loisa para mahimasmasan si Maris.

//Sa Canteen//
Napadabog ng lagay ng tray si Maris sa table dahil naiinis pa rin to sa nakaaway niya kanina.

"ui Maris kalma na tapos na oh palamig ka muna" sabi ni Loisa at binigyan niya ito ng tubig.

"minsan nga patulan mo din mga insecure sayo Loisa, para naman nababawasan yung highblood ko sakanila. paano na lang kung wala ako sa tabi mo??..."

"pero di mo naman ako iiwan dba?" pinutol ni Loisa ang statement ni Maris.

"oo naman dba nga BFFs tayo walang iwanan forever!" at napangiti rin si Maris. humupa din ang galit nito.

Mula pagkabata, sandalan na nila ang isa't isa. Para na rin silang magkapatid. at tinuturing nilang "totoo" ang pagkakaibigan nila.
Parang super glue, ganun ka dikit ang samahan nila.

=
Naglalakad sa corridor ang magkaibigan, nagkkwentuhan ng my biglang pumagitan sakanilang dalawa sabay akbay sa mga ito.
"hi ladies.." sambit nito at nagbigay pa ng napakasiglang smile sa dalawa.

nagulat ang dalawang dalaga at sabay nilang tinignan kung sino ito at napasabay silang nagsabi ng "JOSHUA?!"

(Si Joshua, ang malapit nilang kaibigan na lalaki, kababata na rin nila ito pero dalawang taon din siyang nawala dahil pinag aral siya ng magulang niya sa US pero nagbalik din ito dahil hindi niya gusto ang kultura doon. Matangkad, at mapupungay ang mga mata nito. sobrang lambing niya kaya madaling pakisamahan)

"oh gulat na gulat kayo ha!" sabay kurot sa mga pisngi ng dalawa.

"kailan ka pa dumating?"
"bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"bakit di ka man lang nagparamdam?"
"classmate ka rin ba namin?"
"for good ka na ba dito?"
"babalik ka pa ba sa...."

pinutol ni Joshua ang mga sunod sunod na tanong ng dalawa niyang kaibigan..
"hep hep hep hinay hinay naman sa tanong, ang dami eh malelate na tayo oh mamaya na tayo magkwentuhan pasok na muna tayo!"

Akbay-akbay at masayang pumasok ng sabay sabay ang tatlo papasok sa kanilang classroom.

Naghanap sila ng pwesto na mauupuan na tabi tabi sila.
habang wala pa ang instructor nagkwentuhan muna sila. Pero na distract si Loisa ng mahagip ng kanyang paningin ang isang lalaki sa gilid na naka upo malapit sa bintana. siniko niya sila Maris at Joshua para kunin ang atensyon nila.
"ui teka, dba si McCoy yun?"
sinulyapan nilang pareho ang tinuro ni Loisa.
"OMG!!!! ayos to!" kilig na sambit ni Maris.

Si McCoy lang naman ang ultimate crush niya. Engineering student siya pero nasa same class siya with Maris,Loisa and Joshua sa tatlong subject na kinukuha niya.

"Maris matunaw si McCoy jan sa kakatitig mo ha baka bumagsak ka niyan ..." pagbiro ni Joshua.

"bagsak na talaga ako dahil nahulog na ako sakanya" pabanat na sagot ni Maris na titig na titig pa rin kay McCoy.

"lam mo bes, wag ka ng kumapit kung alam mong bibitawan ka din lang" pagpapayo ni Joshua.
sinapak ni Maris ang braso ni Joshua.
"grabe ka naman ang sakit mong magsalita! nahurt ko dun ha"

"simula pa ng High School yang feelings mo kay McCoy, di ka naman pinapansin" -Joshua

"Aba bes makapag salita ka akala mo naman ako lang ang hindi pinapansin ng crush ko.." panunuksong balik ni Maris kay Joshua.

"ha? sino naman yung crush mo Joshua? bakit wala kang kinukwento sakin?" biglang singit na tanong ni Loisa.

sabay na napatingin sila Maris at Joshua sakanya.
"ha?! wala yun nagbibiro lang itong si Maris.." pag dedeny ni Joshua. pero alam nilang dalawa ni Maris na si Loisa ang tinutukoy nito. ayaw lang niyang ipaalam dahil baka friendship over na kapag nalaman nito.

"alam mo Maris pagpatuloy mo lang yan, sabi nga nila kung walang tiyaga walang nilaga!" very supportive na payo ni Loisa kay Maris.

"Buti pa si Loisa binibigyan ako ng fighting spirit di tulad ng isa jan palibahasa friendzone nalang" sabay irap kay joshua. sasagot sana si Joshua ngunit dumating na bigla ang instructor nila..

"Good Morning Class!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bosom BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon