Chapter 2

14 0 0
                                    

Hope's POV.

Two days past since nangyari yung insidenteng 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakausap ko siya after so many weeks na nawala siya. I'm happy but still, pinagaalala niya pa rin ako. Pero kahit ganun, natulungan ko siya and kahit papaano okay na siya ngayon.

"Hope, kita nalang tayo mamaya ha. Kailangan ko pa kasing pumunta ng library" Tinanguan ko naman siya at tuluyan ng umalis. Habang hinihintay ko siya ay may nakalimutan akong kuninbsa locker.

"Uy, balita ko siya yun"

"Grabe hindi naman maganda"

"Kala mo naman sinong makadikit kay Zeon"

Ramdam ko ang pagtuon ng pansin sakin ng mga estudyante dito sa corridor. Wala akong magawa kung hindi tumungo at maglakad nalang. Wala din naman akong magagawa kung pumatol sa kanila 'diba? Ano bang laban ko sa mga fangirls ni Zeon?

Tsaka....

Masama bang tumulong? They should be thankful ksi kung hindi sa'kin, magaling na si Zeon at nakakapasok na siya ngayon. Speaking of him, kamusta na kaya sya?

Hayy.

Ugh, stop it Hope. 'Yan ka na naman e. Gaya nga ng sabi ni Chesca, okay lang siya. For sure, may mga body guards talaga siyang nakabantay.

Habang naglalakad ako pabalik sa room ay may napannsin akong yapak ng paa sa fire exit. Sunod na nangyari ay ang kalampag sa loob nito.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong ako lang ako tao dito. Ano kayang ingay yon? Lumapit ako bahagya at napatakip ako ng bibig sa nakikita ko ngayon.

Si Zeon at Ciara, bakit sila magkasama?

Pinagmasdan ko silang mabuti.

Bakit magkadikit ang mga labi nila?

Napasandal ako sa gilid. Aong gagawin ko? Dapat ba akong tumakbo? Hindi ko alam kung bakit patuloy ko parin silang pinapanood. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatago.

Mas ikinagulat ko ang pagsampal ni Ciara kay Zeon. Literal na nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang hawak kong libro.

"May tao ba dyan?"

Napahinto ako at nataranta. Nakatingin sila sakin.

"S-sorry" Mabilis kong pinulot ang mga librong nabitawan ko at kaagad na umalis.

--

*bells ring*

"Huy, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ellie, magkasama kami ngayon dahil dismissal na.

"Ha?"

"Kanina pa kasi ako salita nang salita dito eh, lumilipad na naman pala ang isip mo."

"Ha? Ah, sorry." Nginitian ko siya sabay sa pagpatuloy sa paglalakad. Inisiip ko kasi kung dapat ko bang sabihin kay El yung nakita ko kanina. Hindi niya naman siguro pagsasabi 'diba? Pero kasi...

Baka anong isipin niya. Ugh. I hate this.

"May problema ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Wala naman."

"Hay, alam mo kung iniisip mo na naman si Zeon, don't worry. Okay na okay sya. Kaya dapat okay ka din, ok?" Nginitian niya naman ako at nginitian ko rin siya pabalik. Hindi mo kasi alam. Sorry El.

"Osya, sige. Una na ako ha? Kita nalang tayo bukas." Tinanguan ko naman siya at umalis. Tinignan ko ang langit at medyo hindi maganda ang awra nito. Chineck ko ang bag ko at napagtanto kong wala pala akong dalang payong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon