CH. 14 Friends

110 1 0
                                    

CHAPTER 14

Friends

--

CALVIN's POV

pauwe na ako ngayon papunta sa condo ko.

hindi ako makapaniwalang si Sara yung nakita ko.

t-teka nga?! anong ginagawa niya doon? ang sabi niya wala na sila ni Axl at hindi daw sila ni Brent?!

hindi kaya iinom yun? nako po! hindi marunong uminom yun e!

"AYY FVCK!"

muntik pa akon makabangga, ano ba yang mga taong yan, bigla bigla na lang tumatawid.

babalik na ako dun. delikado si Sara dun, kahit sobrang boyish non, babae padin yun.

lalo na ngayon. gumanda siya lalo. delikado siya kila Edward pati Junior.

bakit nga ba kasi dinala ni Brent yon doon sa tambayan namin.

"TSS!"

..

..

..

---

SA TAMBAYAN.

dumiretso agad ako sa table namin kanina.

huh? walang tao? asan silang lahat? baka nglalaro. buti naman hindi sila umiinom.

asan ba sila? tss.

..

..

..

pumunta ko dun sa computer na medyo maraming tao yung nagiipon.. siguro nga naglaro sila.

pano si Raffy? ayaw na ayaw pa naman nun sa Dota. hahah. sobrang bitter nung pinagpalit nung ex niya e.

"uyy Papa Caloy! bakit bumalik ka? may nakalimutan ka ba?"

si Lawrence, pero mas gusto niyang Lara yung tawag sa kanya. tanggap naman namin siya e. haha. masarap din kasama.

"ahh. hindi may hinahanap lang ako. ayt! nakita mo ba yung kasama ni Bre--"

"SHIT!"

naputol yung sinasabi ko. bigla ba naman kasing sumigaw. ahahah! At si Frances yon sure ako.

dota chix yun e, ang daming lalaking natatambay dito, gusto nilang kalaban sila Frances, Joy, Eya pati iba pang magagandang nagdodota. mga babaero talaga haha.

"CREEPINGS CREEPINGS DIN PAG MAY TIME! HAHAHAHAA"

What the?! s-si Sara ba yon?!

h-hindi siguro. napaka-imposible naman kasi. ayaw talga ni Sara sa Dota e.

noong naglalaro nga ako lagi ako pinapagalitan nun. puro daw ako laro. cute niya nga non e. sobrang boyish pero cute pa rin tignan.

ano ba yan! naalala ko nanaman! past is past, oo nainlove ako kay Sara dati. pero wala e, torpe ako. manhid siya..

"HUY papa C! wala ka sa sarili mo?"

"sorry Lara may naalala lang haha!"

lumingon lingon pa ako, At Boom! bingo! ayun si Brent nakatayo, wala naman si Sara. baka hinatid niya na. pero mas okay kung ittanong ko.

palapit na ako kay Brent ng biglang..

"P*TA azar!"

"HAHAHAHAHAHHAHAH!!"

hindi na talaga ako pwedeng magkamali?! tawa pa lang, alam kong si Sara na yon. andito parin siya?

lumapit pa ako para makita talaga kung siya ba talaga yung naglalaro.

Loving a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon