GITNANG BAHAGI

155 3 0
                                    


"HARING UGAT!" sigaw ni Lam-ang na napanganga nalang bigla si Haring Voltaire nung nakita niya si Hen. Romolo sa ibabaw at ang kamay nitong hahamapasin ang pangatlong patalim para masaksak ito sa kaliwang mata niya. Binato ni Haring Ugat papunta sa ibabaw ni Haring Voltaire si Hen. Romolo kaya siya na mismo ang nagtulak pababa sa patalim sa kaliwang mata ni Haring Voltaire at huli na ang Hari na ibuka ang kanang mata niya dahil nahampas na ni Hen. Romolo ang patalim at nasaksak ito sa kaliwang mata niya. "AAAAAAHHHHHHH!" napasigaw si Haring Voltaire na agad namang hinila palayo si Hen. Romolo ni Haring Ugat at binigay ng mag-ama ang huling atake nila sa Hari ng mga Bampira nung sinaksak nila ito sabay.

Natahimik si Haring Voltaire nung maramdaman niya ang espada ni Lam-ang sa likuran niya at ang espada ni Lorenzo sa harapan niya na parehong tumama ang espada nila sa puso ng Hari. Nag-abot pa ang dulo nito sa mismong gitna ng puso niya "patawarin mo kami, Haring Voltaire" sabi ni Lam-ang sa kanya na nilingon niya ito sa likod "ha.. ha...hahaha... ma... magaling... napaka... galing.." sabi ng Hari sa kanila. Tumingin si Haring Voltaire kay Lorenzo "tu... tunay ngang.. ka... kahanga...hanga.. kayo...kayong mga... Bailan..." sabi niya na napayuko nalang si Lorenzo at nilingon niya si Lucia na ngayon ay umiiyak na sa sinapit ng lolo niya.

"Lorenzo...." tawag ni Haring Voltaire "opo, kamahalan?" sagot niya "i... ikaw... ikaw na ang ... ba.. bahala sa apo ko... ma.... mahal.. mahal na mahal ka niya.. " bilin ng Hari sa kanya ".... masusunod... kamahalan.." sagot niya. "La... Lam-ang.. hi.. hindi ako.. hindi ako nagkamaling.. pi....piniling... kaibiganin kita...." sabi niya kay Lam-ang ".... maging mapayapa ka sana, kaibigan" sabi ni Lam-ang sa kanya "Lorenzo" tawag niya sa anak niya na sabay nilang hinugot ang espada nila at lumayo sila kay Haring Voltaire. Tumakbo palapit si Reyna Lucia sa lolo niya na pinigilan siya ni Lorenzo "wag..." sabi ni Lorenzo sa kanya.

"LOLO!" sigaw ni Reyna Lucia na naiyak ito habang pilit lumapit sa lolo niya "pa... patawarin mo ako.. apo.... mga... kasama... patawarin niyo.. ako..." sabi ni Haring Voltaire sa kanila na lumuhod ang lahat ng bampira. "Ro..molo.... magkikita na kami.. ng ama mo... do... doon ako... hi...hihingi ng tawad...sa kanya.." sabi ni Haring Voltaire na di siya sinagot ni Hen. Romolo pero niyuko nalang niya ang ulo niya pati narin ang lahat ng mga lobo. "Maging mapayapa sana ang pagbyahe mo, kaibigan" sabi ni Haring Ugat kay Haring Voltaire na ngumiti siya at biglang me lumabas na maitim na aura sa dibdib at likod niya at dahan-dahan na siya nitong nilamon. "Karapat.. dapat ito... sa akin... Alister... anak.... huhu... patawarin mo ako..." ang huling sinabi ni Haring Voltaire bago siya nilamon ng dilim.

Umiiyak parin si Reyna Lucia habang tinutulongan nilang lahat na ligpitin at ilagay sa mga karwahe nila ang mga namatay "kinalulungkot ko ang nangyari sa ama mo, Haring Romolo" sabi ni Lam-ang sa kanya. "Hari...heh! hindi ako masasanay sa titlong yan" sabi ni Hen. Romolo "Heneral... ah.. mahal na Hari nakahanda na po ang lahat sa pagbyahe natin" balita ni Kap. Dante sa kanya. Lumapit sila kay Reyna Lucia "Lucia.." tawag ni Hen. Romolo na tumayo si Reyna Lucia at luluhod na sana siya nang pinigilan siya ni Hen. Romolo "di ka dapat lumuhod sa akin, Reyna Lucia" sabi ni Hen. Romolo sa kanya "pero.. " "hindi mo kasalanan ang nangyari sa ama ko" pagputol ni Hen. Romolo sa kanya.

Me binulong si Kap. Dante kay Hen. Romolo na tinaas niya ang kamay niya at umatras si kap. Dante "wag kang mag-alala Reyna Lucia, mananatili paring kaalyado niyo kami" sabi ni Hen. Romolo. "Maraming salamat, Haring Romolo" sabi ni Reyna Lucia "Hari... hmm.. Lam-ang, Lorenzo maraming salamat sa inyo" sabi niya sa mag-ama "walang anuman yun Haring Romolo" sabi ni Lam-ang na nginitian lang siya "Lorenzo" tawag niya. "Mahal na Hari?" "gusto ko sanang hilingin ka kung pwede sumama ka sa amin at manilbihan sa akin" sabi ni Hen. Romolo na nagulat silang lahat "pasensya na po kamahalan pero nakapagpasya na po ako na mananatili dito sa palasyo ni Reyna Lucia" sagot ni Lorenzo.

LIWANAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon