PANGWAKAS

36 1 0
                                    


tungkol sa mga taong katulad niyo para matulog ako ng maaga" kwento niya. "Sasabihin ko sa'yo na totoo kami" sabi ni Ingkong Romolo na tumingin lang siya kay Dante at ngumiti siya.

BIglang nanlaki ang mata ni Alan nung nakita niyang naging malaking aso si Dante at bumalik na din ito sa pagiging tao "ano, naniniwala kana?" tanong ni Dante sa kanya na biglang napahawak sa akin si Alan na parang matutumba ito. "Ligtas ka dito, walang sino mang mananakit sa'yo" pasisiguro ko sa kanya na kita kong napangiti ito at di na takot ang nakikita ko sa mukha niya kundi tuwa "ha..haha.. totoo nga kayo" sabi ni Alan sa amin "teka, bago yan Alan, ano yung mga litratong nakaupload sa iPad mo?" tanong ko sa kanya. "Ah.. oo.. mga litrato yun doon sa gusali niyo Tenyente" sabi niya habang tumitingin siya sa paligid "mga Taong Lobo din ba sila?" tanong niya sa mga kalalakihang nakatayo malapit lang sa amin "yung iba oo, yung mapuputi mga Engkanto yan" sabi ko na napatingin siya sa akin at kita kong nagulat ito.

"Ma.. mga E.. Engkanto?" gulat na tanong niya "ALAN! YUNG PICTURES!" sigaw ko sa kanya na natauhan ito "o.. oo.." sagot niya na naupo kaming lahat at hinintay namin siyang sabihin sa amin ang nalalaman niya. "Pasensya na kung nangangamoy ako hehehe ilang araw na din kasi akong hindi naliligo" paliwanag niya na napailing nalang ako at kita kong pinapahid ang palad niya sa pantalon niya halatang ninerbyos na ito. "Relax ka lang Alan" sabi ko sa kanya na ngumiti lang ito at tumingin sa amin "ok.. ah.. ganito kasi yan naalala mo yung kumpare kong si Ronnie, Tenyente?" tanong niya sa kain "oo, yung pulis Marikina" sagot ko "oo, sa kanya ko unang narinig ito nung nagkita kami nung nakaraang linggo" sabi niya.

"Ano ang sabi niya?" tanong ko "kwento ito ng bayaw niya na nagtatrabaho sa tapat lang ng gusali niyo sa tenth floor ang opisina nila, ang kwento bago daw sumulpot yung itim na ulap me nakita silang babaeng nakatayo sa itaas ng gusali niya" kwento niya. "Me.. babae?" takang tanong ni Ingkong Romolo "oo, saktong alas sais y medya daw itong nakatayo sa ibabaw ng hellipad na parang me tinitinginan ito sa malayo" kwento niya. "Ilang araw nila nakikita ang babae dun?" tanong ko "mga isang linggo din daw kwento ng bayaw niya pero nung lunes hindi na nila nakita yung babae at yung itim na ulap nalang daw ang nakikita nila" kwento niya.

"Me litrato nga ako dito sa iPad ko" sabi niya na pinakita niya sa amin ang litratong nakuha nung bayaw ng kumpare niya pero malabo dahil hindi malinaw ang mukha ng babae "naka itim siya" sabi ni Dante. "Oo, akala nga nila magpapakamatay ito dahil nasa pinakadulo daw ito ng hellipad nakatayo" kwento ni Alan na tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng babae pero malabo talaga "teka, Elli!" tawag ko sa kapatid ko na nagpaalam ito sa mga tinuturoan niya at lumapit ito sa amin. "Bakit sis?" tanong niya "sis tingnan mo ito" inabot ko sa kanya ang iPad ni Alan at tiningnan niya ito "sino ito sis?" tanong niya sa akin.

"Hindi mo ba kilala yan?' tanong ko sa kanya "hindi" sagot niya "sigurado ka ba, Elizabeth?" tanong ni manang sa kanya na tiningnan siya ni Elli "me ibig sabihin ka ba manang?" tanong ng kapatid ko na lumapit agad si Haring Narra sa kanila. "Wala, tinatanong lang kita" sagot ni manang Zoraida "Elli tama na!" sabi ko sa kanya "hindi ate eh" sabi niya "alam ko, pagpasensyahan mo na" sabi ko sa kanya "alam kong kilala na ni Alan yan" sabi ko na tumingin ako kay Alan. "Oo" sagot niya "kilala ko itong si Alan hindi mapakali yan paghindi niya malalaman ang totoo" sabi ko sa kanila na natahimik nalang sina manang at kapatid ko. "Sige Alan, tuloy mo" sabi ko sa kanya na ngumiti siya at kinuha ang iPad niya sa kapatid ko.

"Ang totoo niyan, ni research ko talaga ang babaeng ito" kwento niya "ano ang nalaman mo?" tanong ni Ingkong sa kanya "mysteryosa ang babaeng ito, wala akong nakuhang pangalan pero me ideya ako kung sino siya" kwento ni Alan sa amin. Me tiningnan siya sa iPad niya at nung nahanap na niya ito hinarap niya sa amin ang screen at nakita namin ang front page ng isang website tungkol sa mga mysteryoso at nakakakilabot na mga kwento. "Ano yan?" tanong ng kapatid ko "website ito tungkol sa mga mysteryosong tao o lugar dito sa pilipinas" paliwanag niya "bakit mo naman naisipan yan?" tanong ni manang sa kanya.

LIWANAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon