Chapter 4: Black Hoodies

41K 1.5K 32
                                    

"Aahh!" napasigaw naman ako dahil may sasakyang dumaan at bigla na lamang silang nawala.

Sa mga nangyayari sa akin ngayon ay parang magkakaroon na ako ng sakit sa puso. Nakakaloka!

"Ma'am Myles?" napabalik naman ako sa aking sarili at napaayos nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Manong Fred?"

Hindi ko naman namalayan na sasakyan na pala namin ang dumaan kanina kaya bigla nalang nawala ang multo.

"May problema po ba kayo Ma'am? Bakit bigla ka nalang sumisigaw kanina?" tanong niya sabay lapit sa akin.

"I'm fine po Manong, tara na po." wika ko pa at agad na akong pumasok sa sasakyan.

Ano ba ang nangyayari sakin? Napakaweirdo na talaga ng mga naranasan ko o baka naman dahil lang ito sa sobrang stress at hindi pa ako nakakapagpahinga ng maayos simula noong nakaraang linggo.

But I know that there is really something wrong na nagaganap ngayon. I just can't sew it all together pero I'm getting it slowly.

Sino naman kaya ang mga nagpakita sa akin? Hala! Baka naman mga kidnapper na nagpapanggap lang na multo, o kaya naman rapist, or worst mga cannibal? Charot, hindi naman siguro.

"Ma'am Myles, okay lang po ba talaga kayo?" nagulat naman ako sa biglaang pagsalita ni Manong. Ibinaling ko nalang ang akin paningin sa dinadaanan namin.

"I'm fine Manong Fred. There is nothing to worry about. Nga po pala, nasa bahay po ba si Mom at Dad?"

"Wala pa po sila kanina nang umalis ako, Ma'am."

I want to talk to them. I can't surpass this all alone, kailangan ko ang parents ko para malampasan ko ang lahat ng mga ito ngayon.

Pagdating namin sa bahay, agad na akong umakyat sa kwarto dahil wala pa naman dito sina Mommy at Daddy.

Agad na akong nagbihis at humiga sa kama ko para magpahinga. Nakakapagod din kasi ang araw na ito.

"Kailangan mo nang pumunta dito." wika ng isang tinig na nanggaling sa isang napakasilaw na liwanag.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng babae.

"Sapagkat ilang araw nalang ay labing-walong taong gulang ka na, at kailangan mo nang malaman kung sino talaga ang pagkatao mo."

"Hindi kita maintindihan!" ani ng babae na naguguluhan na sa kanyang mga naririnig.

"Sapagkat ikaw ay hindi isang mortal na tao, kung hindi taga Arcadia, ang mundo ng mahika." paliwanag sa kanya ng tinig na galing sa liwanag.

"Lubayan mo na ako kung sino ka man. Hindi ka nakakatulong sa akin, mas lalo mo lamang pinapalala ang sitwasyon ko ngayon. Sino naman ang nagsabi sayo tungkol sa mundo ng mahika na iyan?" patawang tanong ng babae.

"Totoo ang lahat ng sinasabi ko, sapagkat nararamdaman ng ng masasamang espiritu ang iyong kapangyarihan, kaya dapat sa lalong madaling panahon kailangan makapunta ka na sa Arcadia bago ka pa makuha ng mga black eyes beings nag magdadala sa iyo sa kadiliman."

"Wala akong panahon para sa mga sinasabi mong baliw ka." akma na sanang aalis ang babae ngunit nag-anyong tao naman ang liwanag kaya napatigil siya upang pagmasadan ito.

"Kailangan mong maniwala sa akin dahil ako ang iyong spirit guardian. Lahat ng mga nilalang na ipinanganak sa Arcadia ay may kani-kanilang sipirit guardian magmula ng isinilang sila, kaya kahit saan ka man mapadpad ay nandito lamang ako na gumagabay sa iyo." lumapit naman ang nilalang na nag-anyong tao sa babae.

Napa-atras bahagya ang babae at napahawak na lamang sa kanyang noo. Halos hindi niya mabatid na nangyayari ito sa kanya ngayon.

"Patay na ba ako? Bakit ako nakakakita ng mga katulad niyo? Kinuha na ba ako ni Lord?" sunod-sunod na tanong ng babae sa kanya.

"Hindi ka pa patay at totoo lamang ang lahat ng nakikita mo ngayon kaya kailangan mong maniwala sa akin."

"Sapagkat paano mo naman mapapatunayan na totoo ang mga sinasabi mo?" tanong nito. Nakakaramdaman na siya ng pagdududa ngunit pinipigilan niya itong mangibabaw.

"Sa darating na iyong kaarawan ay susunduin kita at dadalhin sa mundo na iyong pinagmulan." wika nito, "Wala nang panahon, kailangan ko nang lumabas sa panaginip mo. Basta yan lang ang tandaan mo mag-ingat ka dahil malapit na ang iyong takdang oras. Paalam!" dagdag pa niya.

Napamulat naman ako dahil sa napakaweirdo kong panaginip. Basang-basa ng pawis ang katawan ko kaya agad akong tumungo sa closet ko para kumuha ng towel.

I'm getting goosebumps right now. This ain't right, kailangan ko na bang magpatingin sa psychiatrist? Am I going crazy?

"Hala, 6:56 na ng gabi. Naka-uwi na siguro nito sila Mom at Dad." agad na akong nagsuklay ng buhok ko at bumaba upang tingnan kung nakarating na ba sina Mommy at Daddy.
Pagkababa ko ay nadatnan ko namang nag-uusap sina Mommy at Daddy sa living room kaya lumapit agad ako sa kanila.

"Hi Sweetie!" bati ni Mommy sa akin nang makita niya akong papalapit sa kanila.

"Kamusta ang school anak?" tanong din naman ni Daddy.

Umupo muna ako sa sofa bago nagsalita, "I'm doing great sa school Dad. No worries." sagot ko naman sa kanila. Halos hindi ako nakatingin sa kanila ng deritso dahil hindi ko alam kung paano sasabihin ang mga nangyayari sa akin ngayon.

"Is there something bothering you, anak?" tanong ni Mommy sabay hawak sa balikat ko. Hindi ko alam pero parang maiiyak na talaga ako dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon.

"Mom..." halos hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil humaguhol na ako ng iyak. Naipon din siguro lahat ng emosyon ko ngayon at hindi ko na talaga kaya pang itago sa kanila.

"Tell us, ayaw mo ba sa idea na ipapakasal ka namin sa hindi mo manlang nakilala at nakikita pa?" mahinahong tanong ni Dad sa akin.

Hindi ko alam pero marinig ko lang ang boses ng mga magulang ko ay gumagaan na ang loob ko. I don't want to disappoint them kaya kailangan kong magpakatatag.

I just can't say na nasunog ang kalahati ng building namin because of me. Mabuti nakang at hindi na ipinatawag ng Principal sina Mom at Dad dahil nakita narin naman sa footage na wala kaming kinalaman sa sunog.

"No Dad, it's not like that. I'm just happy to have a parents like you, this is just a tears of joy." pilit naman ako ngumiti kahit na nahihirapan na ako.

Alam kong hindi ko kakayanin 'to without their guidance pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil hindi sa lahat ng panahon ay makakapitan ko sila Mom at Dad.

Minabuti ko na lamang na hindi sabihin sa kanila ang mga nangyayari sa akin dahil hindi pa naman ako sigurado kung totoo ba talaga o baka naman guni-guni ko lang lahat.

"Are you sure, sweetie? Mom's here to help you, nandito rin ang Daddy mo na gagabay sayo. Tell me, alam kong hindi ka iiyak ng walang rason Myles, I know you."

Alam kong hindi maniniwala sa akin si Mommy na tears of joy lang ang pag-iyak ko pero wala na akong magagawa kung hindi ang pagtakpan ito.

"I said I'm okay, Mom." hinawakan ko naman ang kamay niya para malaman niyang okay lang ako. Sort of.

"May boyfriend ka ba ngayon at siya ang gusto mong pakasalan at hindi ang anak ni Mr. Guevarra?"

Okay, lumalayo na ang usapan namin nila Mom.

"Wala Mom, alam niyo namang open ako sa inyo about that things since birth, right? Why would I enter into a relationship without your consent?" wika ko kaya napatawa na lamang si Dad.

"Your daughter's right, Beth. Alam kong hindi siya gagawa ng mga bagay na 'yan at itago lang sa atin. She's a good daughter." hinawakan naman ni Dad ang ulo ko at bahagya itong ginulo.

"Okay, tama na 'yan. I'm exhausted from work kaya kailangan na nating kumain. Stressful masyado itong season na ito for me kaya kailangan kong magpahinga since ilang araw ay big day na ng anak natin." wika naman ni Mommy sabay halik sa pisngi ko.

I'm really lucky to have them as my family.

"Yes, Mom. You should really rest, ikaw din Dad kailangan mong magpahinga dahil nandito naman po ako hindi ko kayo pababayaan ni Mommy."

Napangiti naman si Mommy at Daddy sa akin. I know how much they love me and mahal na mahal ko rin sila, kaya I'm willing to sacrifice anything for them.

"Ma'am Bethany, nakahanda na po ang hapunan." sambit naman ni Manang Lydia kaya napalingon kami sa kanya. Tumayo na kaming tatlo at nagpunas ng mga luha namin.

"Halina na kayo, mag hapunan na muna tayo at nang makapagpahinga narin tayo." pahayag ni Daddy kaya pumunta na kami sa dining table para mag-umpisa nang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nag-paalam na ako kina Mommy at Daddy na gagawa pa ako ng mga assignments ko sa aking room.

I should be studying right now sa Math dahil medyo mahina ako pagdating sa problem equation. It's kind of hard to understand and comprehend about the topic kasi.

Halos magkanda labas-labas narin kasi yung utak ko dahil sa hindi ko maintindihan ang lectures ni Professor Diaz dahil narin sa napakabilis niyang magturo.

Ilang minuto pa habang ako ay nagsusulat ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa loob ng room ko. Nakabukas pala ang pintuan sa veranda kaya ahad ko itong pinuntahan. Nakakatakot naman 'tong lamig na nararamdaman ko. It's very unusual.

Isinarado ko na yun at bumalik narin sa kama ko para tapusin ang mga assignments ko, nakakaramdam narin kasi ako ng antok dahil sa sobrang pagod narin.

"Myles!" bigla ko nalang narinig na mayroong tumatawag sa pangalan ko na malapit lang sa kain kaya agad na nasitayuan ang mga balahibo ko. Mag-isa lang ako dito sa room kaya impossibleng may tatawag sa pangalan ko.

Here we go again. Kung hindi sila nagpaparamdam sa panaginip ko, talaga namang dito pa sa kwarto ko. I know that I've been seeings things simula noong nakaraang araw pero it's getting worse day-by-day at hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin lahat ng 'to.

"Who are you? Why are you bothering me at bakit mo ako sinusundan? I've been seeing creepy people and now ang lakas ng loob mong tawagin ang pangalan ko. Show yourself." buong tapang kong sabi ngunit nanginginig naman ang mga tuhod ko na sa ilang sandali na lamang ay baka magtumba rin ako dahil sa kaba.

"Myles!" tawag niya ulit but this time mas malapit na isya sa akin.
Mas lalo lamang akong nanghina nang makita ang isang lumulutang na nilalang ngayon sa harapan ko. Itim ang kabuuan niyang katawan at walang mukha.

Parang siya dementer sa Harry Potter series na pinapanuod ko. Mas nakakatakot nga lang itong nasa harapan ko ngayon.

"What do you need from me?" sigaw ko dahil sa sobrang takot. Kanina ko pa gusto tumakbo pero parang may magnet na hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko ngayon.

Gusto kong humingi nga tulong ngunit hindi ko naman magawa, pakiramdaman ko ay nanlambot na lamang ang katawan ko.

Napasigaw na lamang ako ng tuluyan na itong lumapit sa akin na parang kakainin ako ng buo. Nakita ko nakang ang sarili kong nakahandusay sa sahig bago nanilim ang mga paningin ko.

Arcadia High: The Lost EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon