Flower Pot

16 0 0
                                    

I Hate You

One-Shots

Flower Vase

*Airi Narigawa

*Joseff Florencio

*-*-*

Airi**

Argh!! Bwiset! Ang bigat ng flower vase na 'to! Sa bakit pa kasi itong flower vase na ito ang ipina-project ng terror professor namin?Ang bitter kasi masyado,dinaig pa ang ang nagmemeno-pause na babae sa kasungitan.Sayang ang kagwapuhan! Haha, fresh graduate lang kasi pero grabe na ang pagka-terror.Wala nga daw kasing forever kaya sya ganun,lols. Sa hindi nya kasi ligawan si Ma'am Kaira nang mawala na ang bitterness nya at para happy happy na din ang lahat.

"Ay salamat! Whoo!"sigaw ko nang makarating na din sa room namin.Agad akong naupo sa upuan ko sa second row center.Maya-maya pa'y dumating na din si Sir Sungit.Salamat naman at maipapasa ko na din ang gawa ko.

"Ms.Narigawa."tawag ni Sir Sungit.

With a smile on my face, kinuha ko ang flower vase ko at nagsimula nang maglakad papuntang harapan.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,may tumisod sa akin kaya nabitawan ko ang flower vase at nabasag kasabay ng pagkakasubsob ko.Naramadaman ko ang mga bubog na sumugat sa katawan ko at tumusok sa palad ko.Tiyak napakarami kong sugat.Agad kong nilingon ang hudas na dahilan ng pagkakatisod ko.No other than the Devil himself-- Joseff Florencio, ang lalaking ginawang impyerno ang buhay ko sa SU.Sumusobra na sya,napaka-KSP nya!Napayukom ako ng kamao dahilan ng paglalim lalo ng sugat ko sa palad.

"Ms.Narigawa! Are you alright?!"nag-aalalang tanong ni Sir Ryven at agad akong inalalayan patayo.Hindi ko sya sinagot at inisang hakbang lamang ang pagitan namin ni Joseff.Inipon ko ang buong lakas ko sa mga kamay ko at buong lakas na sinampal sya na naging sanhi ng pagkakabuwal nya sa kanyang upuan.Kita ko ang bahid ng dugo sa kanyang pisngi at ramdam ko ang pamamanhid ng sugat ko ngunit binalewala ko iyon.

"Ano ba ang ginawa ko sa'yo at bakit lagi mo nalamang ginagawang impyerno ang buhay ko?!Nanahimik ako pero ginugulo mo pa din ako, and this?! Sumusobra ka na! I Hate You! Stay away from me! I hate you!" sigaw sa kanya.Dahan dahan naman syang tumayo ngunit di ko makita ang kanyang mukha pagka't nakatungo sya.

"Please don't hate me."mahina nyang saad na para bang nakikiusap na huwag syang patayin.

"I Ha--"Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang dinalawang hakbang nya ang aming pagitan at sa isang iglap ay nakabig nya na ako palapit sa kanya saka siniil ng isang halik.Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla sa kanyang ginawa.Pinilit kong itulak sya ngunit parang hinihigop nya ang aking lakas.Maya-maya pa'y pinakawalan nya din ako.

"Please don't hate me.I can stay away from you but please-don't hate me."he pleaded as he looked at me broken.

"Ehem."

Darn! Nasa room nga pala kami.Everyone was watching us like we're in some kind of teleserye.Argh!

"I Ha--...I Ha--.. Argh!" Napa-iling ako.No, why can't I say those words again?Dahil sa mixed emotions and frustration ko,I slapped him once again before running away.I don't care if I'll ditch my class basta sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang playground sa park malapit sa school.Wala namang tao kaya tahimik malamang ay mga nasa trabaho o school pa ang mga ito.Pumasok ako sa mini igloo at doon nagmukmok.

"Please don't hate me.I can stay away from you but please-don't hate me."

Naalala ko nanaman ang mga katagang binitiwan nya.Bakit nya nasabi yun?Bakit parang nasasaktan ako noong pinagmasdan ko sya?Bakit nasasaktan ako kapag ini-imagine kong mawawala sya?

Spring University: I HATE YOU SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon