1

49 4 1
                                    

Seo Ae's POV

Sabi nila sa pag nag mahal ka, masasaktan at masasaktan ka. Siguro nga kakambal na nang salitang "pag-ibig" ang "masaktan". Pero masisi niyo ba ang mga taong nag papaka-martyr para sa pag-ibig na yan? Masisi niyo ba kami? ako? 

Dahil sa pag-ibig na yan naging magulo ang mundo ko.  Dahil naranasan kong masaktan,  umiyak, at maging masaya. Kaya kung ako ang papipiliin kahit yung masasayang bagay nalang ang maiwan na ala-ala ok nah. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung ano pa yung masasakit yun pa ang paulit-ulit na naaalala.

Nasa ika-10 na baitang na ako sa highschool nung tuluyang nakapasok sa aking buhay ang taong nagpa-gulo sa aking puso at isip. Nagsimula ang lahat sa tukso-tukso pero hindi ko namamalayan na ang mga tukso ay nagiging makatutuhanan na pala, na nahuhulog na pala ako sa taong iyon.  Seatmate kasi kami ehh...  Tsk.

Inilihim  ko na nagkaka gusto na ako sa kanya,  na tuluyan na niyang nabihag ang puso ko. Oo mag katabi kami, nag-uusap, nag-tatawanan at lahat na kaya sino ba namang hindi mahuhulog non?

Isang araw non nalaman ko na ipinag-kalat niya na mayroon siyang gusto sa akin at sa puntong yun para akong nilipad sa langit sa sobrang saya,  pero hindi nag tagal nawala yun at na palitan ng sakit.  Dahil nalaman ko na isa lang pala akong panakip butas, dahil ang totoo niyang gusto ay ang aking matalik na kaibigan. At ginamit lamang niya ako para hindi malaman ang kanyang totoong damdamin may pag ka torpe kasi ito. Isipin niyo ang sakit diba? Pero ininda ko ang sakit dahil mas pina pahalagahan ko ang pag kakaibigan namin.

Isang punto nun na pag-isipan ko na mag tapat ng nararamdaman sa kanya dahil wala namang mawawala diba?

Flashback

"Damien,  may ipagtatapat ako sayo,... Alam kong hindi naman ito mahalaga pero paki-usap hayaan mo ako.  Para mapanatag ang damdamin ko at para malinawan ako sa mga bagay-bagay."
Panimula ko.

"Ano yun Ae?  Hehe kinakabahan ako sa tuno ng boses mo ehh"

"Ang totoo kasi niyan, ............G-gu-gusto kita.  Gustong-gusto" sa wakas nasabi mo rin Ae! Pero takot na takot ako,  sa sasabihin niya. Wag ka nang umasa Ae masasaktan ka lang walang-wala ka naman sa bestfriend mo ehh.  Maganda, sexy, at maputi yun walang-wala ka sa kan...

"Gusto kita" natigilan ako nun.  Huh? Tama ba ang rinig ko? "Oo Ae,  gusto kita,...... Pero meron rin akong ibang gusto"  huh?  Masaya na sana ako ehh.  Pero bakit meron pang paningit?  Para akong pinag buhosan nang malamig na tubig.

"Gusto kita, pero mas gusto ko si krystal.  Sorry Ae." oo nga naman Ae bakit ba kasi umasa ka pa?  Pero takte ang sakit, sobrang sakit parang tinutusok ang puso ko.

End of Flashback

Oo aaminin ko hindi ko parin nalilimutan ang oras nayun. Pero hindi dun nag tapos ang lahat, dahil sabi nga nila sa pag-ibig hindi naman lahat masakit meron ding masaya.  Oo panimula lang ng lahat ang pangyayaring iyon. Naging MAS malapit kami sa isat-isa na palitan nang phone numbers at palaging nag-uusap.  Hangat isang araw nag kwento siya ng kanyang nararamdaman.

Flashback

"Ae, bakit ganun ginawa ko naman ang lahat para mapansin niya ako ah,  nag dadala ako ng gitara dahil alam kong mahilig siyang tumugtog,  halos lahat nah. Siguro tanga talaga ako dahil gusto kong ipilit ang aking sarili sa taong hindi man lang ako nakikita"  Oo damien tanga ka,  tangang-tanga ka bakit mo ba gusto ipilit ang sarili mo kung nandito lang naman ako nag hihintay kung kailan mo tuluyang mamahalin,  yung ako lamang walang kahati. Gustong-gusto ko sabihin ang mga salitang iyan, pero ano bang magagawa ko "kaibigan" lang ako.

Pero hindi nag tagal mas naging malapit kami sa isat-isa hangang isang araw nag tapat siya

"Ae, gusto kita Gustong-gusto"  sobrang saya ko ng mga oras na yun na para bang naka limutan ko ang sakit.

"Ako din damien,  gusto kita nuon paman hanggang ngayon" at yun nga naging mag yung sinasabi nilang M.U Kaming dalawa.

End of flashback

Pero na tapos rin ang maliligayang araw nayun dahil na laman ko na mahal parin niya ang aking kaibigan. Inamin naman niya at para sa akin ang pag-amin niya ang senyales na tapos na kami. Hindi pa nga kami, natapos na kaagad, pero ang mas masakit dun ay nung nag pa tulong ito sa akin na ilakad ko daw siya kay krystal. Pero sa puntong yun ay na hindi-an ko siya oo I'm rude but you cant blame me I'm hurt at that time. Pero hindi ko tinigilang mahalin siya, oo nga baka parte na siya ng pagka-tao ko. Kaya hindi ko siya kayang limutan, pero hindi naman kagaya ng iba na ipinagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sa kanila kaya minahal ko parin ito,  minahal ng palihim.

Sa hindi inaasahan, Nakatanggap ako ng scholarship sa ibang bansa, sa puntong iyon nasabi ko sa sarili ko na baka ito na nga ang senyales na kailangan ko nang mag bagong buhay,  tama na ang pagiging martyr at kailan ko namang matutunan na mahalin ang sarili ko. Kaya tinanggap ko ito at nag pa kalayo-layo.

After 7years

Ito ako ngayon,  naka balik na ng bansa.  Sa halos pitong taon ko sa America marami akong natutunan at naranasan kaya I can say to myself that I have changed a LOT.

Kung itatanong niyo si damien?  Hindi parin ako nawawalan ng balita tungkol sa kanya dahil kinu-kwento sa akin ni krystal ang mga nangyayari sa lalaking iyon.  Kung iniisip niyo kung naging sila,  well nag kakamali kayo. Ewan ko nga ba kung bakit,  baka talagang torpe yung lalaking yun. Pero ang sabi ni krystal nag bago daw si Damien pag alis ko naging cold daw ito at malungot ewan ko ba kung bakit. Naglalasing rin daw ito pero hindi naman nag tagal pero nanatili itong cold at gusto ma pag-isa.

Right now nandito ako sa opisina ko. Yes I've become a demand event planner. I took a course of engineering but my passion has always been planning stuffs so I pursue it.  So frankly speaking I'm a event planner so as an engineer pero side line ko lang yun.

"Ms. Ae,  may client po tayo. Papa pasukin ko na po? " jenna ask my secretary.

"Yes please jenna.  Thanks"

"Ok poAhh...  Ms.  Hehe gwapo po" saad nito. I just glare at her. Hindi naman sa ayw ko dito sa katunayan close nga kami sadyang tinu tukso lang talaga ako nito dahil sa  22-taon sa mundong ito wala parin daw akong lovelife. Oo hindi ako nag ka relation sa America. Busy ako palagi ehh...  May nangatok ng pinto
Siguro ito na yung client.

"Pls.  Come in"

Agad naman itong bumukas at iniluwa nito ang matangkad, ma-angas at naka ngisi na lalaki, ang lalaking minsan ko nang minahal.

"Hi.  It's been awhile" totoo ba talaga to?

______________________________________________Hello readers ✋ hehe bitin po ba? . . Sorry sa typos. Thanks sa nagbabasa pls do like, comment, share sa friends niyo.  Para naman  ganahan ako  sa pag sulat... Hehe thank you po...😊😊😀😀😍😍
XOXO
~Seo_Ae❤
------------
Characters
Choi Jin Ri as Kim Seo Ae
Soong Jong Ki as Damien Zyler Cy
Kim Ji Won as Krystal Xy
Victoria Song as Danielle Zylena Cy

Too Late (One Short Story ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon