6

9 0 0
                                    

Damien POV

"Damie, ano ba yung plano mo sa papalapit na pagtatapat mo ng  nararamdaman mo kay Ae? " tanong ni Danielle

"At bakit ko naman sasabihin sayo? " pang-aasar ko.

"Uhm. Dahil sasapakin kita,  kung ayaw mo." pagbabanta niya.

"Hoo...  Takot na takot naman daw ako"pamimilosopo ko haha...

"Pinagloloko mo ba akong lalaki ka?  Tsk.  Ano nalang ang sasabihin ng mga empleyado mo kapag malaman nilang may ganito kang ugali,  na may pagkaloko ka"

"Trust me,  they will love me more. Mahal na nga ako ng lahat ng mga babae at bina-bae sa opisina eh... " pagmamalaki ko.

"Ang hambog mo talaga.  Hindi talaga naging uso sayo yung salitang "humbleness" noh?"

"Hindi naman,  pinagmamalaki ko lang talaga ang sariling akin." hahaha...

"Wala ka talagang kwentang kausap sa mga bagay na ito... Tsk...  Sige na damie!  Sabihin mo na!  Baka may mai-tutulong ako sayo" saad niya....  Hmp!!!  Pero pwede narin yun.

"Sige na ngaPero walang bawian ha? "

"Call! "

"Ganito kasi yan"

............................................

Fast forward

Everything is getting together just like I  planned. Pero dapat kailangan kong siguradohin na maramdaman ni Ae ang pagmamahal ko sa kanya dahil ito naman talaga ang dahilan kong bakit ko ito ginagawa, at yun ay ang maramdaman nito na sincero ako sa pagmamahal ko sa kanya.

Tatlong araw, Tatlong araw nalang mangyayari na ang araw na pinaka-hihintay hintay ko. Kaya naman sobrang busy ako sa pag-aasikaso ng lahat, gayundin si Ae. Ano kaya ang magiging reaksyon nito pag nalaman niyang ang kanyang pinagkaka-abalahang gawin sa loob ng ilang linggo ay para sa kanya. Matutuwa kaya siya?.

Kahit ano mang gawin ko hindi parin nawawala ang kaba at takot sa mga maaring mangyari. Kaba,  dahil paano kong ayaw na niya sa akin. At takot na baka ma reject ako. For me rejection is the most scariest thing that may happen, especially now that I'm so sure about my feelings.

Ano kaya ang gagawin ko ngayon?  Yung para masulo ko siya.  Yun lang naman talaga ang hinihintay kong mangyari ehh.  Hmmm.  Maka-isip nga...

-

-

-

-

-

-

-

-

-
Aha!  Alam ko nah!

Ae's POV

Abala ako ngayon sa pagpapa-finalize ng mga gagamitin sa papalapit na plano ni Damien. Kahit masakit man sa kalooban ko tong ginagawa ko wala na rin naman akong magagawa kundi maging masaya nalang sa lalaking mahal ko.  Isa pa ayaw ko rin namang mapahiya si Damien sa babaeng nililigwan nito kaya ginagawa ko ang lahat para maging maayos ang mga gagamitin sa event.

Hindi ko kilala ang babaeng nililigwan ni Damien.  Dahil pag tina-tanong ko ito ng pangalan,  lagi itong nag-iiwas. Kaya nga minsan napapag isipan ko na kilala ko ito.  Na ayaw lang sabihin sa akin ni Damien kung sino ito dahil ayaw niya akong mailang. Pero sino kaya noh?  Ang tanging pagkaka-alam ko lang ay magka-parehas kami ng mga hilig at gusto. Yun nga ang nakakatawa ehh,  dahil pina-ubaya sa akin ni Damien ang pag-aasikaso ng lahat dahil parehas lang daw kami ng gusto kaya sigurado siyang magugustohan ito ng babaeng mahal niya. Ang saya diba? :-(

Natigilan ako sa ginawa ko nung nag ring ang phone ko.

(Damien calling)

"ahmm. Ae, busy ka ba ngayon?"

"Ha... Ah. Hindi naman Dame,  bakit may kailangan ka? "

"w-wala naman gusto ko lang sana na imbitahin ka,  yun kung ok lang sayo. "

"ha?  Ahh...  Saan naman? "

"ahh... Ano...  Ahm.  G-gusto sana kitang imbitahin na lumabas. A-alam mo nah. Papasalamat ko sayo...  Pero yun naman ay kung papayag ka"

Ako at siya lalabas???  Inhale, exhale.  Ae mag hulosdili ka...

"Bakit wala ka bang gagawin ngayon? I mean, hindi mo ba pupuntahan yung babae na mahal mo? "

"Ahh...  Busy siya ngayon eh..."

Kaya naman pala...  Panakip butas ka nanaman Ae.  Ang Saklap.

"Ganon ba. "

"So?  Payag ka? "

"Ahh. Sige... " pag sang-ayon ko.

" Good.  I'll pick you up around 1"

"OK. "

"bye"

"bye"

Alam nyo yung pakiramdam na kahit alam mong "second option" ka lang, gusto mo paring umasa na ikaw talaga ang gusto nitong makasama, yung ikaw ang gusto nitong maka-usap at makapag-tawanan. Dahil yun, yun na yun ang mismo kong nararamdaman ngayon. 

Gustong-gusto kong isipin sa mga oras na to habang nag hihintay kay Damien. Na tinawagan ako nito dahil gusto niya akong makasama,  na dahil na miss na niya ako. Na masaya siya sa piling ko. Pero hindi ehh... Kahit anong isip at pag kumbinsi ko sa sarili ko, aabot at abot pa rin ako sa  konklusion na hindi parin ako sapat para maging una sa attensyon nito. Seguro ganon talaga kapag nag mahal ka, hahayaan at hahayaan mo nalang ang sarili mo na magpakatanga at masaktan. 

Fast forward

Hindi ko akalain na dito ako dadalhin ni Damien. Sa lugar kong saan nag simula ang lahat.  Kung saan ko siya unang nakita, nakilala, at nakapag kwentohan.  Ang lugar kung saan ko naranasang mag mahal, maging masaya, umasa, matakot, at masaktan.

"Do you still remember this place Ae? "
Tanong nito.  Habang ina-ayos ang picnic blanket..

"oo naman,  hinding hindi ko malilimutan ang lugar nato" at ang mga alaalang nangyari dito.

"Yeah...  I'm very thankful at this school dahil dito nakilala kita at dahil sa mga nangyari dito naging matatag ako" yes,  you guys read it right.  Nandito kami sa school namin back when were on highschool. Specifically sa garden, isa sa mga pinaka paborito kong lugar nong nag aaral pa ako dito.

Napangiti naman ako sa mga sinabi nito.

"So Dame,  bakit mo rito na isipang dalhin ako? " seryoso kong tanong

"Ah.  Wala lang...  G-gusto lang talaga kita makasama. Alam mo yun maka-usap at makipag-kwentohan" sabi nito.

Sa puntong ito hindi na mapigilan ng puso ko ang kabog nito.  Sobrang bilis.

" Kagaya ng dati? "

"Yes.  Kagaya ng dati" pag sang-ayon nito.  Habang titig na titig na mga mata ko...

Isa lang ang alam ko baliban sa pag bilis ng puso ko dahil sa hindi mapigilang tuwa at nerbyos. This would be a long afternoon.  However I'm excited.  Excited being with him.

-----------------------------
Yeah!!!  Tapos na rin ang chapter 6! Hehe. Hello sa mga nag babasa nito!!!  Aaminin ko po sa chapter na ito na tagalan talaga ako dahil nag sunod-sunod ang mga requirements sa school at activities.  Kaya yun. Isa pa po. Kapag nag susulat po ako ng chapter hindi ko na ito sinusulat pa sa papel kaya oo po type nalang ako kaagad kong anong papasok sa isip ko. Kaya naman po sana ma gustohan niyo...  Vote rin po kayo at mag comment.
XOXO😘
~Seo_Ae

Too Late (One Short Story ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon