Roma, Europa

4 0 0
                                    

Hmmmmm. .

Iba nga talaga ang hangin sa Europa!

YES!!

Finally She's here!

Kakalapag lang ng plane na sinakyan ni Grace sa Rome International Airport pagkatapos ng ilang oras na byahe. Pagod sya, pero nawala yun ng maiapak nya na ang nga paa sa lupa.

Para syang tanga, nakangiti lang sya habang hatak2x ang maleta at mga bag na dala nya papuntang arrival area.

Maraming tao sa airport. Sari saring lahi ang paroo't parito. Kaya mas lalong nasisiyahan ang loob nya. Maraming klasi ng tao syang makikilala sa bagong school nya. She really hope it would be a great year for her.

Nang malapit na sya sa main area, maraming tao ang may mga plackards na hawak, may mga pangalan na naka flash. Mga tagasalubong sila ng mga bagong dating sa Roma. Marahil mga kapamilya sila, kaibigan or katrabaho. In her case, ang sasalubong sa kanya ay ang admin assistant na si Ms. Karina Pranzia. Nagkakilala sila using skype bago sya lumipad papunta dun.

Di rin nagtagal ang paghahanap nya sa pangalan at muka ni Ms. Pranzia. Agad nya itong nakita, hawak2x ang signboard na may pangalan nya. Nakangiting lumakad sya palapit dito.

"Hello Ms. Pranzia."

Agad na ngumiti ang italyanang babae na nasa mid thirties na nito. Brunette si Ms. Pranzia at may maamo at magandang muka.

"Benvenuti, Signorina Ruiz! It's good to finally meet you in person!"

Hehe. Thick Italian accent.

Isip2x ni Grace.

"Come, I brought my car. We can travel to the university by that."

"Okey, Ms. Pranzia."

"Oh, let me help you with your bags."

Ayaw nya sana dahil nakakahiya at mabigat ang bag nya. Pero nakuha na nito ang isang bag nya.

Habang nasa daan sila papuntang Universidad de Roma, panay ang turo ni Ms. Pranzia sa mga tourist spots. Isa sa mga nabanggit nya ang Fontana de Amore or ang famous na Fountain of Love. Ang lahat daw tao na mapupunta dun, naghuhulog ng coin sa fountain. Para daw matupad ang mga hiling nila, karamihan sa mga wishes daw na ito, ay ang makahanap ng pag ibig.

Isa lang iyon sa mga kwento ni Ms. Pranzia sa mga lugar na sikat sa Roma. Hindi rin mapigilan ni Grace na maexcite. Marami syang papasyalan sa syudad na ito, at hindi na sya makapag hintay na gawin yun.

"And oh, you have to visit the famous vine yard in the outskirts of Roma. It has the most famous red wine in the country and is the most wide grape farm in Roma. It is called Chevardi Fattoria."

"I will try miss. Maybe after a week I can go to visit the places you mentioned earlier."

"Okey then. Oh, here we are!"

Napalingon sya sa daan at sumalubong sa kanila ang malaking gate na bumukas. Nakasulat dun ang pangalan ng university. Habang papasok sila, lalong tumintindi ang excitement at kaba na nararamdaman ni Grace. Napakaganda ng buong school at naglalakihan ang mga buildings dun. May magagandang landscapes din at malalawak na fields dun.

Huminto sila sa isang building. Agad na lumabas si Grace para tingnan iyun ng mabuti.

"This is your dormitory Signorina Ruiz. Come! I'll show you your room."

Ibinaba nya ang lahat ng gamit nya sa kotse at isang personnel ng dorm ang lumapit para tulungan sya sa mga bag nya na maiakyat.

Sa 2nd floor, huminto sila sa room 24.

"This is you assigned room."

Pinagbuksan sya nito ng pinto at nalantad ang isang napakagandang receiving room kay Grace. May homey vibe agad syang naramdaman. Di nya mapigilan na mapanganga sa sa ganda at hanga.

Nalingunan nya ang pinto sa kanan nya.

"This door on the right will be your bedroom signorina. Your roommate will arrive any moment soon. Her room is on the left door across yours."

"Oh, thank you miss."

Itinuro pa nito ang mini kitchen na malapit lang din sa receiving room. Ang banyo naman, nasa luob ng mga personal na kwarto nila. Ang laundry area, nasa may terrace. May sariling washing machine at dryer din dun. Habang tumatagal, mas lalong nawiwindang si Grace. If you will compare this dorm from any in the Philippines, mapapahiya ang luoang sinilangan nya. This is a five star dormitory!

"Here's the map of the univeristy and your class schedule for this semester signorina. We will see you again in the dean's office tomorrow at 9 in the morning for orientation. I'll take my leave now addio hanno un bel giorno signorina Ruiz."

"Grazie, Ms. Pranzia."

Nakangiting umalis si Ms. Pranzia at iniwan sya sa malaki at engrande nyang tuluyan. Agad na binuksan nya ang kwartong binigay sa kanya at lalo pa syang nalula sa ganda ng kwarto. May medium size na kama na nakapwesto sa may bintana. Ang wallpaper, maliliit na pink tulips. May may puting study desk din dun at may bookshelves sa tabi nun.

It felt like she hit a big jackpot. And everything she hoped for was all in place.

Laking pasalamat nya sa panginoon. Sa maraming blessings na natanggap nya at sa mga matatanggap pa nya. Kagaya na lang nitong scholarship na binigay sa kanya ng school nya sa Pilipinas, na makapag aral sya dito sa prestihiyosong unibersidad sa Roma.
Ang magandang kwartong ito, na sa panaginip nya lang dati inaasam. Ang supportive nyang pamilya na kahit mawalay sya sa mga ito, di sya pinigilan at sinuportahan sya sa nga pangarap nya.

Whew! Ano pa ba ang mahihiling nya?

Tamang nagring ang telepono nya. Masayang sinagot iyon Grace.

"Hello ma!"

"Anak! Kamusta? Nakarating ka na ba sa dorm mo?" Tanong ng mama nya.

"Opo ma. Ang ganda2x po ng kwarto ko. Pero namiss ko po bigla yung room ko jan."

"Namimiss ka na nga namen anak eh. Anong oras ba jan?"

"10 am po dito ma."

"Naku, dito mag aala una na ng umaga."

"Ma, matulog na po kayo, wag po kayong magpuyat.

"Eh gusto ka naming makausap ng papa mo eh, oh eto gusto kang kausapin."

Mayamaya pa ang papa naman nya ang nagsalita.

"Hello, Grace anak? Kamusta ka na dyan? Kamusta ang klima jan?"

"Okey naman po. Maaraw po dito pa."

"Ah ganun ba, oh sige wag kang magpapabaya dyan ha. Kumain ka sa oras at magtitext ka kapag may oras ha. Namimiss ka na namen 'nak."

"Opo pa. Miss ko na rin po kayo. I love you po. Kayo ni mama."

"We love you too anak. Sige etong mama mo oh."

Boses ulit ng mama nya ang nasa kabilang linya.

"Anak, wag kang makakalimot na manalanganin ha. Mahal ka namen Grace. Matutulog na kami nak ha. Ikaw matulog na rin."

Natawa sya sa sinabi ng mama nya. Medyo nalungkot din sya dahil namimiss nya ang mga magulang nya.

"Umaga pa po dito sa Italy ma. Sige po matulog na po kayo. Bye po."

"Sige anak. Babye."

Pinindot nya ang end call button at napahinga ng malalim. Isa iyon sa mga mamimiss nya. Yung kulitan nila sa bahay ng mama at papa nya. Tiyak talagang malungkot ang dalawang yun na wala sya dun. Nag iisa lang kasi syang anak.

Humiga sya sa kama at malalim na nag isip.

"New school, new life for you Grace. Kayanin ko kaya?"

Tanong ni Grace sa sarili.

Well, she is hoping for the best this year.












-m.o.h.29

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Solo MinieraWhere stories live. Discover now