Edge's Pov.
Pagkatapos ko maligo pumunta agad ako ng
kusina para maghain nang makakain
namin ni Tasha."bes,halika na breakfast na tayo"
tawag ko kay Tasha na naka upo sa sala
habang nanunuod ng The Vampire Diaries
nagsalang kasi siya agad nang CD pag ka upo niya sa sala.Well ganyan na yang babaeng yan walang nang hiya sa may ari ahahaha
feel at home palagi."bes,nakaka inis si Elena naging sila na ni
baby Damon ko,dapat kay Stefan lang siya
ang landi ahh." sabay irap."hay naku!kumain muna tayo mamaya kana
din lumandi dyan kay Damon mo kuno."
sabay naglakad na ko sa papuntang kusina."Edge,nasan nga pala si tita?" wika ni Tasha na sakalukuyang nandito na pala sa kusina at umupo sa hapagkainan.
si mama, nag iwan siya nang note sa ref.
pupunta daw muna siya sa kapatid niya sa Tarlac,may sakit kasi si tita Gina -sagot ko sabay subo ng tinapay." ah, btw' bes. diba na kwento mo sakin na nag kita uli kayo ni Joshua sa Palawan?
anung nangyari sa pagkikita niyo?"
-Tasha na halatang di maka move-on sa
nangyaring pagkikita namin ni Joshua."actually, wala namang nangyari.
ayun nagkamustahan lang naman kami tapos after nun nagtanong kung pwede-""pwede makipag balikan? OM...
so kayo na uli bes? kelan huh bat wala
kang nabanggit nun sakin" - tasha na kunwaring nagtatampo yung mukha."alam mo ikaw ang OA mo. balikan agad?
grabe ka naman pagkatapos nang lahat
makikipag balikan agad ako.""e, ano yung sinasabi mong pwede?"-tasha
na ngingiti ngiti pa." ayan patapusin mo muna ako magsalita minsan huh. bago ka mag react.tinanong lang naman niya kung pwede malaman number ko"
"binigay mo ba?"- tasha
"oo?" nahihiyang sagot ko kasi alam ko babatukan ako neto sa katangahan ko.
"ahh. nagtext naba?"-tasha
" ewan" ayan binatukan na ko pero mahina lang
naman."gaga ka. anong ewan?- naguguluhang tanong ni tasha sakin. kahit ako naguguluhan din sa mga sagot ko sa kanya
" hindi ko alam ahhhh. basta kumain na nga lang tayo tapos mag movie marathon tayo bumili ako ng mga cd kahapon sa sm north" pag-iiba ko nang usapan namin.
"hay naku Edgelyn. kung mahal mo patawarin mo mag move-on ka muna sa pain bago ka pumasok uli sa relationship." seryosong sabi sakin ni Tasha.
"bakit ikaw naka move-on ka naba kay Gabby?
" I don't know, siguro kailangan ko muna ng closure ." malungkot na saad ni Tasha, yeah
i feel the pain inside of her.
bilang best friend niya kilalang kilala na namin ang isa't-isa alam kong mahal parin niya si Gabby."halika na nga manood nalang tayo."
yaya ko sa kanya sa sala sabay nag salang ako
ng CD.kalagitnaan ng pinapanuod namin ni Tasha
bigla na siyang sinisipon."bes,may sipon ka?" takang tanong ko sa kanya
kaya sinulyapan ko siya at ayun umiiyak yung bruha."huy,anyare sayo imotera kang bruha ka"
"bakit kasi ganun yung nangyari love story nila,
nakakainis walang happy ending." nangingiyak na sabi ni Tasha habang nanunuod kami ng The Fault in Our Star sabay tumayo na ako tapos na kasi yung pinapanood namin."tara bes, let's go somewhere" Tasha
"san naman" sagot ko sa kanya.
" let's go shopping, or . alam ko na may bagong labas yung The Vampire Diaries na season bilin natin bes." pagkasabi niya nun kumunot
ng konti yung nood ko."hay naku tasha alam mo naman kailangan ko
magtipid bes" oo kailangan ko talaga magtipid
ngayon lalo na dalawang graduating na yung kapatid ko tapos magka college na si Vangelyn."sige, window shopping tayo pretty please"
sa huli na papayag din ako ni Tasha."sige na nga" sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Love Beads
RomancePROBLEM! PROBLEM ! PROBLEM ! Hangga't nabubuhay ang isang tao palagi talaga may darating at darating na problema. Madalas pa nga hindi pa tapos ang problema mo sa isa biglang may darating na naman. Kagaya ng Family problem Love problem at Minsan h...