NARRATORNgayon araw na ito gaganapin ang inaabangan laban ng "The lions" and "The kings" .
Pursigidong matalo ngayon ng the lions ang unbeatable team and long time champions na the kings.
Punong puno ng mga taga hanga ng basketball ang isa sa pinaka malaking covered court sa isa sa mga lugar sa sampaloc, Karamihan ay mga taga supporta ng "The kings".
" Ang daming tao! Gosh! Whoooh! Kings! Kings!Kings! Whooh! " Jaydee Isa sa mga kaibigan ng the kings. Isa syang binabae.
" Oo nga eh! Kahit my crush ako sa kabilang grupo! Sempre mga bro's muna naten! Kings! Kings! Kings! " Sabel Isa sa mga kaibigan din ng the kings, Binabae din sya!
" Tumahimik na nga kayo! Wag na kayong sumabay sa ibang ingay ng mga tao dito " Japs Sabay turo sa mga ibang fans na nag iingay ngayon, Isa din sya sa mga kaibigan ng kings at binabae pero hindi nga lang halata kumpara kayla jaydee at sabel.
" Tama! Parang fan peg ang pestura nyo! Tahimik nlng tayo sumuporta! " Hershey Isa din sa mga kaibigan ng kings at binabae.
Natahimik naman ang dalawang bakla at tahimik na sumusuporta!
Nag simula na ang laro, Lamang na lamang ang the kings. Paminsan minsan di mapigilan hindi mapasigaw ang dalawang baklang jaydee at sabel, Kahit sila japs at hershey din ay napapasigaw na din sa mga intense moves sa laro.
HALF BREAK!
Kasalukuyan nag papahinga ang mga players at same din nag papahinga ang mga lalamonan ng mga supporters nila.
Habang busy sila sabel, jaydee, hershey at japs mag check ng notifications nila sa social media, bigla naman napatili si jaydee na nakaagaw ng ibang attensyon ng karamihan lalong lalo na ng mga kasama nya.
" Hoy bakla! Hindi ka superstar para magpasikat! Ano bang nangyare sayo? " Japs Habang nakataas ang kilay at nakasimangot.
Tila naman gulat na gulat si jaydee habang inabot ang phone nya kay sabel at sinabing " Tignan mo to bakla! Ang taray taray! " Jaydee
Mabilis naman inagaw ni sabel ung phone ni jaydee, at tinignan nya ito. May halong lungkot at inis ang mababakas sa mukha nito.
" Hoy bat ganian ang mukha mo? " Hershey sabay turo sa mukha ni sabay na nangangasim.
Inagaw naman ni japs ang phone ni jaydee, Tinignan din ito ni hershey.
" Friend mo pala si Quinn, Wow! Baka naman poser lang to! " Japs sabay tingin kay hershey at tumango naman ito at binalik na kay jaydee ung kanyang phone.
" Ano naman konek kay quinn at nangasim ang mukha mo? " Hershey pag tatanung nito kay sabel.
Nag katinginan naman si sabel at jaydee bago mag bugtong hininga, " Childhood friend kasi namen yan! Kaso mukhang nakalimut na! Taas na ng lipad" Sabel bitter na pag kakasabi ni sabel.
" At idagdag pa naten na sobrang wild na nya ngayon, dati kasi mahinhin yan, simple lang ngayon parang ibang tao na! " Jaydee my hinanakit na pag kakasegunda naman nito.
Nagkatinginan naman si japs at hershey, Wari'y nagugulohan pero kibitbalikat nalang.
" Ex din sya ni Boss " Sabel at jaydee Sabay na bigkas ng dalawa.
Sabay napatingin naman si japs at hershey sa dalawa tila'y nagulat.
" Talaga!? Paano naging sila? Kasabay ni Miles?" Japs Pagtatakang tanung nito.
Umiling iling naman si Jaydee, " nauna sya kay miles, First love sya ni boss " pagpapahayag nito, Kasabay naman ng pag tango tango ni sabel.
" so ano ung nakakagulat dun? " Hershey takang tanong nito. Hindi nya kasi maisip anong bang konek ang ikinagulat ng mga ito. Kung parte na naman ito ng nakaraan.
" Wala lang! Nandito na daw sa pinas " Jaydee maasim na sabe nito.
Kinasimangot naman ito ni sabel, At tila nag tatanong mga mata nila hershey at japs habang nakatingin sa dalawa.
Bugtong hininga naman ang sinagut ng dalawa.
Hinayaan nalang muna ng dalawa ang kaibigan na jaydee at sabel, Naisip nila baka di pa ito ang right time na mag sabe ung dalawa.
To be Continue ....

YOU ARE READING
Queen&King
RomanceChildhood lovers. First love. First kiss. Noon simple palang ang buhay para sa kanila. Simple lang si girl same as si boy. Pero tinadhanang paghiwalay sila ng landas. 8 Years passed. Marami nang nagbago isa na dun ang pagiging simple naging fam...