"UNDER THE RAIN"
(ONE SHOT)
BY: ShySantan
(A/N: GUSTO KO LANG PO MAG PASALAMAT KAY DjDee para sa editing ng last part ng kwentong ito hahaha thank you daddy!)
"Kuya! wala na tayong Beer! pano to?!" sigaw ni Terrence nung buksan nya ang fridge
naipalo ko ang palad ko sa noo ko
nakalimutan ko palang bumili kanina
"tarang mag super market?" aya ko sakanya
nagdalawang isip itong sumagot at tinignan muna ang relo nya at lumapit sa glass window ng condo
"mag hahating gabi na eh, saka tignan mo umuulan Mag susuper market pa ba tayo?"
"tara na! ulan lang yan" hinila ko ang braso nya pero bago pa kami lumabas ng pinto ay nakita ko ang sweter na Pink sa sofa, kaya sinuot ko muna ito
"gara~ teka kunin ko lang yung jacket ko baka lamigin din ako" ani nito at pumasok sa kwarto
lumapit at dumungaw ulit ako sa glass window at umuulan parin
ang wierd ng pakiramdam ko parang may pumipigil sa akin na wag ng lumabas
"uy! tara na!"
"teka kunin mo yung payong na dalawa dun sa ilalim ng kama ko"
napakamot si terrence ng ulo bago pumasok ng kwarto konapatingin ulit ako sa glass window
"wierd~" bulong ko at lumapit na sa pinto
"oh" abot sa akin ni terrence ng payong
"bro. sigurado ka bang bibili pa tayo?"
"oo nga, kulit neto" naglakad na kami pababa ng ground floor, since malapit lang naman ang super market na 24/7 na bukas ay naglakad nalang kami
"brrr~ lamig" reklamo ni terrence
hindi kami literal na magkapatid sadyang kuya lang talaga ang tawag nya sa akin since matanda naman ako ng dalawang taon sakanya
tumawid na kami ng kalsada at pumasok sa super market
kumuha si terrence ng sampong bote ng sanmig light at ilinagay sa kart
tahimik lang akong nag mamasid sa paligid
napansin kong bukod sa amin ni terrence, yung bantay lang ang tao sa paligid
umiling-iling nalang ako at tumulong kay terrence, bukod sa beer ay kumuha na din ako ng soda milk
napahinto ako ng makita ko si terrence na nakatingin sa labas
"may problema ba rence?"
"w-wala, bigla lang akong tinaasan ng balahibo"
tinignan ko ang glass wall ng super market kung saan tagos sa labas ang makikita mo
umuulan parin at kakaunting sasakyan lang ang nadaan
"k-kuya, wala na ba tayong bibilhin? uwi na tayo natatakot na ako" kalabit nito sa akin at tila hindi mapakali
inilapag ko sa kart ang ilang soda milk
"wala na ata tara na" maging ako ay may kakaiba ng nararamdaman, dagdagan pa ng katahimikan sa paligid
"520.75php lahat" sabi ni ate at ilinabas ko ang wallet ko sabay dukot ng isang libong buo sa wallet ko
iniabot ko ito kay ate, sa hindi ko malamang dahilan ay napalingon ako kay terrence at napansin kong nakatingin ito sa labas kaya tinignan ko din ang tinititigan nyamay babaeng naka talikod sa labas ng super market at basang basa ito sa ulan
may mahabang buhok at naka kulay dilaw na dress
"hindi ba sya giniginaw sa labas?"
tanong ni rence
"ito na po sir, come again" sabi ni ate at inabot ang dalang supot na pinamili namin
kinuha ko ito at hinanda ang payong na gagamitin namin ni terrence
paglabas namin ni terrence ay nandun parin ang babae at naka yuko ito
pinagmasdan ko ito, hindi ko ma aninag ang mukha nya dahil sa buhok nya
lalapitan ko na sana sya pero hinawakan ni terrence ang kamay ko
"kuya owen anong gagawin mo?" pabulong na tanung nito sa akin hinarap ko sya
"wala dito ka lang"
haharap na sana ulit ako sa babae pero pinigilan ulit ako ni terrence"kuya wag"
but instead na pakingan sya ay inabot ko sakanya yung dala ko at ibinaba ang payong ko
hinubad ko din ang sweater ko at lumapit na dun sa babae
"m-ms?" tawag ko pero hindi ito umimik
napansin ko may hawak itong ballpen
"ms? ayos ka lang ba?"
tumango ito ng marahan
hindi man lang ito nanginginig sa lamig eh basang basa na sya sa ulan
binuksan ko ang sweater ko at ipinatong sa mga balikat nya
"gusto mo bang ihatid ka namin? madaling araw na oh at saka basang basa ka sa ulan"
hindi ito umimiklumapit si terrence sa akin at kumapit sa braso ko
"k-kuya. . halikana" inalog alog ni terrence ang braso ko
"ano ka ba, nakaka awa naman sya dilikado na sa daan oh saka babae yan"
*sniff*
napalingon kami ni terrence sa babae
dahil humikbi ito
bahagyang kinilabutan ako sa paghikbi nito kaya napa atras ako
"k-kuya! umalis na tayo!" pangungulit ni terrence at hinahaltak ang braso ko
"m-ms.? a-ayos lang w-wag ka m-matakot" pilit kong pinakalma ang sarili ko at kinausap pa ang babae
hindi ulit ito sumagot, ngunit humikbi parin ito
ilang saglit lang ay humakbang ito at na ulanan ulit
"t-teka miss!"
hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni terrencehinawakan ako nito ng mahigpit sa kamay
at nung pagtingin namin sa babae ay nasa kalahati na ito ng kalsada
kitang kita ng mga mata namin na nabasa ito kasama ng sweater na ipinatong ko sa balikat nya
ilang sandali lang ay may bus na dumaan sa pagitan namin
nanigas ang mga paa ko ng paglag pas ng bus ay wala na ang babaeguni-guni o bunga lamang ba yun ng tama ng alak sa amin?
o sadyang totoo ang nakita at nasaksihan namin
simula ng gabing iyon ni isa sa amin ni terrence ay hindi na pumupunta sa super market na iyon tuwing gabi
at base sa kwentong nalaman namin
dalawampung taon na ang nakararaan maulan at madaling araw ng iksaktong araw na nangyare ang nakakakilabot na karanasan namin ni terrence ay may studyanteng na aksedente sa lugar na iyon,Isang estudyanteng bumili raw ng ballpen sa nasabing pamilihan ang nasagasaan habang malakas ang ulan.
Do'n pa lang sa balita na iyon ay kinilabutan na ako.
Dahan-dahang bumalik sa alaala ko ang babaeng minsan naming nakita. Iisa ang kasuotan at umiiyak. Unti-unting gumihit sa balat ko ang takot na dati ko ring naramdaman.
Posible kayang... siya iyong babae?
The girl under the rain?
YOU ARE READING
Under the Rain
Short StoryIsang gabi sa isang super market, ang mag kaibigang owen at terrence ay makaka engkwentro ng isang kababalaghan